Kath's POV.
"Wait Khay!" tapos may kinuha siya mula sa bulsa niya.. "Remember this..?" Pinakita niya sakin ang batman necklace.. Ang kapares nung necklace na pinakita sakin ni DJ kagabi..
"Of course. Makakalimutan ko ba naman yan?" sagot ko sa kanya.
"Khay.. ang necklace na'to.. "
"Ay hindi sa'yo? I know Sam. Dati pa." Nagulat si Sam sa sinabi ko.
"HA?!" Napasigaw siya. Napa-half smile tuloy ako sa reaction niya. Haha
"Alam ko naman na hindi talaga ikaw si Batman dati pa eh. Iba ang story mo tungkol sa necklace na yan. Kala mo naman naniwala ako dun?"
"Sorry Khay, I just did it kasi feeling ko it will somehow impress you."
"Alam ko. Bumilib nga ako sayo dahil nag-imbento ka pa talaga ng kwento para lang mapa-impress ako.."
"So kung ganun hindi mo ako sinagot dahil dito?"
"Ganyan ba ako kababaw Sam? Kung sinagot man kita, yun ay dahil minahal kita.. Hindi dahil sa necklace na yan." Nakita ko parang natuwa si Sam sa sinabi ko..
"Well I guess it's better na ikaw nalang magsauli nito sa totoong Batman mo Khay.." tapos binigay niya sakin ang necklace.
"Siguro di mo pa alam, si Batman pala ay si------"
"Si DJ. I know." Nagulat na naman siya sa sinabi ko.
"B-but how?"
"Basta. Di na yun importante."
"You know what Khay? Mautak ka masyado eh. Minsan nga gusto kong hilingin sa Diyos na sana bobo ka nalang. Kasi naman, you never fail to impress people. Kaya maraming nagkakagusto sa'yo eh. You do things your own way, nakakabilib ka. Kaya di na ako magtataka kung mahal ka ni DJ.."
"What?!" O_____O nagulat ako sa sinabi niya.. Ako? mahal ni DJ?
"Well, wala naman siyang sinabi pero yun ang nararamdaman at nakikita ko. Masaya akong babalik sa London knowing you're in good hands."
"Uh..uhm." Wala akong masabi dun ah. "Well I guess, let's end here." Yan nalang sinabi ko.