Chapter Thirteen.

9.8K 131 8
                                    

Monday.

DJ's POV.

Sobrang late na akong nakatulog kagabi pero aga kong gumising ngayon, sabay kasi kami ni Kath papasok. Dating gawi =)) Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako agad sa bahay nila. Di ko na kailangan pang magtago dito sa loob ng bahay para hintayin siyang lumabas. 

Pagpasok ko sa gate nila, lumabas na rin si Kath sa bahay.

"Wow DJ! Aga natin ah?" sigaw niya sakin.

"Ganyan ka bumati ng good morning? Haha. Good morning Kath! Maaga ka nga rin eh" :) 

"Aww. Sorry naman. Good morning din! Lika na, sakay na tayo." 

Pumasok na kami agad sa kotse nila, eto kasi sinasakyan namin papunta sa school, at ang sasakyan naman namin pauwi. Oh diba, fair lang. :D 

"Uhm Kath, ano nga pala gusto mong kantahin natin?" tanong ko sa kanya. Malapit na rin kasi yung interschool performance namin.

"Ahh, naalala mo ba yung iba pang suggestions ng barkada nun? Yun nalang pagpilian natin. Kakapagod mag-isip ng iba eh." sagot niya

Oo nga naman. Sige, yun nalang ulit pagpilian natin. :) Sagot ko sa kanya. Alam ko naman na problemado pa rin siya ngayon kaya di ko muna inasar. Todo sang-ayon lang ako sa mga sinasabi niya.

Maya-maya dumating na kami sa school, kumpleto na ang lovebirds, si Neil, late nanaman. :D

"Well, well, well." sabi ni Kiray ng naka-cross arms pa. Ano bang meron? Di naman bago sa kanila na sabay kaming pumasok ni Kath ah.

"Oh bakit?" tanong ni Kath sa kanila. Iba kasi ang mga tingin eh.

"Tatlong lovebirds na pala tayo!" sabi ni Julia. 

"Bakit? May girlfriend na si Neil?" tanong ko sa kanila kahit alam ko kung ano ibig-sabihin nila. HAHA

"Loko!" sigaw ni EJ sabay batok sakin. "Syempre kayo ang pangatlong lovebird ano! Sus DJ."

"Ayan nanaman kayo sa panunukso eh. Di pa nga kami diba?" Sabi ni Kath. Ano raw? Hindi PA kami? So meaning..

"Hindi PA?! So talagang may pag-asa ang pinsan ko Kath?" tanong ni Diegs kay Kath.

"Ha? A.. e.. ewan! Naku! Upo na nga tayo. Parating na si Ma'am." Kath naman eh. Binibitin ako. :( Pero ba't ba feeling ko nahiya siya sa sinabi niya? Napangiti nalang ako habang paupo na kami.

"Ngiti-ngiti ka diyan?" tanong ni Kath sakin.

TOGETHER (To Get Her)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon