TUESDAY.
Kath's POV.
Lunchtime na ngayon. Kami lang tatlo ni DJ at Neil ang magkasama, busy ang lovebirds eh. Half-day rin ang class kasi kailangan namin magpractice for the Interschool event. Saya ng ganitong life, yung puro school programs lang aatupagin ^________^
"Kath! Aga mo natulog kagabi ah?" tanong ni DJ sakin habang kumakain kami.
"Pano mo nalaman?"
"Dumaan kasi ako pag uwi, mga 8pm pa yun. Sabi ng Yaya mo tulog ka na raw."
"Napagod lang. Pina-rest ko muna utak ko. Kakastress ng lessons kahapon eh" :D
"Ah ganun.." sagot ni DJ tapos nagpatuloy kami sa pagkain.
Habang kumakain, napadaan nanaman si Chelsea sa table namin. Pero ang lungkot ng mukha niya sobra. Tapos di na sila nagpapansinan ni DJ.
"Hi Chels!" Sabi ni Neil. Ngumiti lang si Chelsea sa kanya tapos umalis kaagad, si DJ naman ang sama ng tingin.
"Okay lang ba yun?" tanong ni Neil.
"Oo nga DJ, anyare sa kanya?" tanong ko.
"Bakit ako tinatanong niyo? I don't know and I don't care." ~____~ sagot niya sa amin.
"Loko ka rin noh? Kahapon lang humingi ka ng number niya tsaka nagsama kayo pauwi tapos ngayon parang di kayo friends?"
"Bakit? Selos ka?!" DJ
"KAPAL MO! Tch." Inirapan ko nalang siya. Kainis.
"OMG! TALAGA?!! WOW BILIS TAYO NAAAAA!!!!!" Wow ang ingay niyoooooo! Ano ba. Konti lang nga kaming students dito pero ang ingay pa rin. Nagsisigawan kasi sila dito sa canteen. Ewan kung bakit.
"Anong meron?" tanong ko. Di sumagot ang dalawa dahil may sumisigaw nanaman. :/
"GUYS NANDUN SIYA SA MINI THEATRE MAGPAPRACTICE! PUNTA TAYO!!!"