[Fast Forward]
DJ's POV.
Friday na ngayon. Kakatapos lang ng exams namin. Syete. Sakit sa ulo. Pero I did my best naman :)
Half day lang kami tuwing exams kaya maaga ang uwian. Magkasama kami ni Kath ngayon papunta sa parking area.. May pupuntahan pala kami, I'm going to surprise her. Syempre ayaw ko namang sagutin lang niya ako dahil nakapasok ako sa top 10. Gusto ko sagutin niya ako dahil worth it ako. At syempre diba, may possibility na hindi ako makapasok sa top 10.
"Haaaay. Ano ba namang exam yun. Kaka-stress." >________< Reklamo ni Kath.
"Gusto mo ng stress reliever?" Tanong ko sa kanya.
"Ano naman yun?"
"Sama ka sakin." ^______^
"Saan?"
"Basta. Sama ka lang."
Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa paglakad hanggang nakarating kami sa parking area.
"Oh? Nasan na si Manong? Bakit yang sasakyan lang nandito?" Tanong niya sakin.
"Ako magdadrive ngayon. Tara?"
"Ikaw? San ba kasi si Manong?"
"Day off. Sige na, wala ka bang tiwala sakin?"
"Eh kasi.."
"Hindi lang ikaw marunong magdrive, Kath."
"Wala naman akong sinabi ah."
"O yan naman pala, pasok na." Tapos pinagbuksan ko siya ng pinto. Pero nakatayo pa rin siya. "Papasok ka o ipapasok pa kita?"
"Aish. Eto na, eto na." Pumasok naman siya.
"Ayusin mo pagdrive ha."~________~ Sabi niya pagkaupo ko sa driver's seat.
"Opo." Sabi ko tapos tinulungan ko siya sa pagkabit ng seatbelt.
"Oa ka DJ, anong tingin mo sa kamay ko? Peke? Ako na nga niyan." Sabi niya sakin but it's too late, nakabit ko na ang seatbelt. Haha! Nakakatuwa expression ng mukha niya.
~______~ "Wag mo akong patayin ha. Marami pa akong plano sa buhay." Haha! Syempre naman Kath.