Chapter 12

10 1 0
                                    

Chapter 12

Pagkadating namin sa Hideout ay pumunta muna ako ojkay Clark. Para macheck ang kundisyon ni Marcus.

Nagmamadali akong binuksan ang pintuan ng opisina ni Clark. "Clark!!"

"Maggie!" Ngiting ngiti din na bati sa akin ni Clark.

"I know that you'll come. Pinaalalahanan na ako ni Gio. Okay na si Marcus, George. Ikaw na lang ang hinihintay nyan."

Nilapitan ko siya at niyakap yakap habang nagtatalon talon.

"Thank you! Thank you!" Hiyaw ko sa kanya. Nilingon ko si Kyle na nakaupo sa tabi ng table ni Clark.

"I knew it!" Hiyaw ko dito. Bumitaw ako kay Clark at tinext ko sila kuya.

To Kuya and Dad
You guys are the best!

Pagkatapos ko yun isend ay nagpaalam na ako kay Clark at hinatak ko na si Kyle papunta sa coffee shop.

Pagpasok namin sa coffee shop ay nandun na sila Gin. Agad lumapit si Gin kay Kyle at niyakap yakap ito.

"Papa Kyle! Buti naman at nandito na! Tara na. Umpisahan na natin ang pag gawa ng baby!" Pagdadrama ni Gin kay Kyle. Loka loka talaga itong bayola na ito eh.

Umupo naman ako sa tabi ni Celine at excited na excited na ibinalita sa kanya ang good news.

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Celine at inalog alog siya.

"Babes! Babes!" Ngiting ngiting bati ko sa kanya

"Bakit? Bakit?" Takang taka at nakangiti din na tanong niya sa akin. At inalog alog niya din ang braso ko.

"Marcus is back!!" Hiyaw ko sa kanya. Napahinto kaming lahat dahil natapon ang iniinom na frappe ni Paulo. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

Siya naman ay napatingin sa akin na gulong gulo ang mga mata. Pinantayan ko lang ang tingin niya sa akin.

"Ahh. Nadulas. Sorry." Mabilis na sagot niya at inayos na ang naging kalat.

Tinapik siya sa balikat ni Kyle "Bro, kotse si Marcus." Nakangising pahayag ni Kyle.

Nagtinginan naman si Kyle at Owa at nagtanguan. Parang nagkakaintindihan na sila kahit wala pa silang sinasabi na salita.

Tumayo si Paulo at nagpaalam na bibili siya ng panibagong frappe. Sabay naman nagring ang phone ko. Kinuha ko ang cellphone at napagtanto na si Mommy yun.

Tumayo ako bago ko sinagot ang tawag ni Mommy.

"Yes Mom?" Bungad ko sa kanya

"Anak! Cristy told me that Kyle is back. And didnt you remember?"

Nagtataka ako. "Ano yun Ma?"

"Almost two years ago. Muntikan ka ng mawala sa amin. Kaya nagluto kami for you. Lets celebrate your second life anak." Naramdaman ko ang pagiging emotional ni Mommy.

Medyo naiiyak din ako sa pahayag niya. "Okay ma. I'll ask them to come. See you. Bye."

"I love you anak."

"I love you too Mom. Bye." At itanago ko na ang cellphone ko. Pumasok na ulit ako ng coffee shop.

Nagtatawanan sila pagpasok ko at nasa pwesto ko na si Paulo. Dahil may space pa naman ay doon na ako umupo.

Inubos ko muna ang frappe ko bago ako nagsalita. "Punta tayo sa bahay." Aya ko sa kanila.

"Yeah. Kuya Gio called us." Sagot sa akin ni Owa at tumayo na kaming lahat.

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon