Chapter 7

24 1 0
                                    

Georgina Margarette's POV


"Bakit mo yun sinabi kay Kuya!? Paolo naman e!" Singhal ko sa kanya. Nagtatalo pa rin kami habang kumakain na kami sa cafe. Siya naman ay ngisi lang ng ngisi sa akin.


Hinampas ko ulit siya sa braso at sinalo niya naman ang kamay ko na pahampas sana sa kanya. Hinawakan niya ito at pinisil. Tinitigan niya ako sa mata, dahilan upang mapailang ako, pero hindi ko binaba ang aking tingin at nakipagtitigan pa rin ako sa kanya na kunot ang noo.


Hinawakan niya ang noo ko na nakakunot at nginitian niya ako ng matamis na agad nakapag pabago ng ekspresyon ng aking mukha.


"Miss, it's not that hard to like you. okay?" sabi niya sa akin.

Hinatak ko na ang kamay ko at napatigil ako ng ilang segundo. Ikinagulat ng maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman to. Bakit parang ang bilis naman!!!


"Akala ko ba we're okay as friends. And we won't be serious about that deal?!"


"George, this is not about the deal anymore. I enjoy your company and I'm happy when I'm with you. I hope you too." Paliwanag niya sa akin at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. Lumabas na kami ng cafe at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya.


Nanatili akong tahimik, ganun din siya habang pinapaandar niya ang sasakyan. Hindi ko din kasi alam ang isasagot ko. Oo, I enjoy his company too. I'm happy when I'm with him. Kaya lang, hindi ko alam kung ready na ba ulit ako na magkaroon ng romatic relationship with someone. Basta, I don't want to rush things and I want us to enjoy the friendship that we are starting to build. 


"Paowee, sa condo mo na lang ako ihatid." pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. 

Nilingon niya ako, tumango siya at nginitian ako. 

Ngiting makahulugan. Kaya napakunot ang noo ko at hinampas ko siya sa braso.

Humalakhak siya at kinuwa ang kamay ko. Sabay nagdrive ulit.

"Miss George, napaka brutal mo talaga!" halakhak niya.

"Whats with the smile Paolo? Huh?" tanong ko sa kanya habang titig na titig pa rin ako sa kanya.

"Wala. Masama bang ngitian ang crush ko?"pangaasar niya sa akin.

"HOY! Kaninang umaga, ang sabi mo, friendly ka lang, ngayon, crush mo na ako!? GANUN!? Ganun kabilis ha?! Ganyan ka ba lagi?" hiyaw ko sa kanya. 

"Hindi ah! Friendly talaga ako pero hindi ko din itatanggi na crush kita." pangiinis niya sa akin. Ginalaw galaw niya pa yung kilay niya at nginisian pa ako. 

Nanatili akong tahimik at tumingin na lang ako sa daan. 

"Yiiee. Si Miss George, kinikilig." asar niya sa akin at tinusok tusok niya pa yung beywang ko. 

Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Hinawakan ko ang kamay niya, "Pao, stop it. Nagddrive ka oh. Malapit na din tayo." saway ko sa kanya.


Huminto na siya at nagpatuloy sa pagddrive. "George, nga pla, nagaaya sila Owa na magdinner sa Tagaytay this weekend. Pwede ka ba?" tanong niya sa akin.

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon