Chapter 22

11 1 0
                                    

Chapter 22

"Sinabi lang sayo ni Daddy  na layuan ako dahil bata pa tayo.. Lumayo ka na??" Walang emosyon kong tanong sa kanya. Wala parin tigil ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinawi ko ito.

"George! He's your Dad! He told me na hahayaan niya ako na ligawan ka kapag gumraduate na ako sa college. Kung totoong mahal daw kita, makakaya kong maghintay. But I can't wait.. Simula nung pinakita sa akin ni Ate Marga yung picture mo with him. I know.. I know I need to make a move."

Tinitigan ko siya ng punong puno ng disappointment. Hindi ko akalain na magpapadala siya dahil sa sinabi ni Dad.

"Nicko.. If you really love me, kahit ano sabihin sayo ni Dad ay hindi mo ako basta basta iiwan sa ere. Sinabi ko naman sayo noon.. Hindi ako nagmamadali. Hindi ako magiging abala." Huminto ako at sumandal. Punong puno ng pagkatalo at pagsisi ang mukha niya.

"Mabuti pa nga at ginawa yun ni Dad. Mabuti pa nga." Dahil kung hindi mapupunta ako sa lalaking hindi ako kaya panindigan.

"I'm so sorry Nicko. But I really really like Paulo. He makes me want to try again. He makes me happy. Sana ngayon na nasabi mo na yung mga hindi mo nasabi noon ay makapag move on ka na din. Maraming Salamat sa oras. Bye." Tumayo ako, tinapik ko siya sa balikat at hindi ko na hinintay ang kanyang sagot tsaka ako umalis.

Dahil sa paguusap na ginawi namin ay pakiramdam ko wala na ako dapat pagsisihan. Pakiramdam blessing in disguise lahat ng nangyari sa akin noon. Ang gaan gaan din ng pakiramdam ko. Nawala na yung galit, panghihinayang at pagsisi.

Nilabas ko ang cellphone ko para itext si Paulo at nakita ko na may text siya sa akin.

Paulo:
Coming over to get you. I'll wait for you.

Magrereply na sana ako ng biglang may yumakap sa aking sobrang higpit mula sa likod. Hawak hawak niya ang kamay ko at ramdam na ramdam ko ang paghalik niya sa ulo ko.

Lilingunin ko na sana si Nicko ngunit sa aking pagikot ay nanlamig ako at namilog ang mata ko. Dahil nakita ko si Paulo na nakasandal sa kanyang sasakyan, madilim ang titig sa amin at umiling uling siya bago siya sumakay ng sasakyan niya.

Hinawi ko agad ang pagkakayakap sa akin ni Nicko.

Hinarap niya ako sa kanya at hinatak muli sa akin ang aking mga kamay. Hinalikan niya yun. Kitang kita ko na ngayon ang pagluha niya.

"George, please. If we can not bring back the past. Please. Just give me a chance to prove that I really love you. I wont mess it up. This time. Hindi mo pa naman siya mahal, gusto mo pa lang siya."

Umiling lang ako. Dahil pabalik balik pa rin sa isip ko ang mukha ni Paulo. Hinatak ko ang kamay ko tsaka ako tumakbo sa kotse ko para habulin si Paulo. 

--

Tawag ako ng tawag kay Paulo pero paulit ulit niya tong binababa.

Natanaw ko na itinabi niya ang sasakyan niya kaya itinabi ko na din ang akin. Hinihintay ko siyang bumaba pero ilang minuto ang lumipas ay hindi siya bumaba. Kinalas ko ang seatbelt ko at kinuha ko ang cellphone ko tsaka ako bumaba.

Nilapitan ko ang sasakyan niya. Hindi ako tumungo o kumatok sa bintana niya. Pinagmasdan ko mabuti si Paulo, hindi niya pa pinapatay ang makina ng sasakyan niya, nakahawak pa rin siya sa manubela at tulala lang siya.

Huminga ako ng malalim bago ako kumatok. Mukhang nagulat siya, agad niya kinalas ang seatbelt niya at bumaba siya sa sasakyan niya.

Malalim ang tingin sa akin ni Paulo. Punong puno ng pagaalala ang mukha niya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya ako niyakap.

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon