Chapter 11

11 0 0
                                    

Chapter 11

Pagkatapos namin magsimba ni Pawee ay inahatid niya lang ulit ako pabalik sa condo at umuwi na siya.

Pagkabukas ko ng unit ko ay naabutan ko si Kyle na nasa living room nanonood ng GOT at kumakain ng popcorn.

Nilingon niya ako "So hows your date?" Ngising pagtatanong niya sa akin.

Lumapit ako, tinabihan siya at kumuwa ng popcorn. "Nagsimba lang. Date na agad?" Sagot ko sa kanya. Inilipat ko ang paningin ko sa TV at itinaas ang binti ko sa hita ni Kyle.

Agad niya naman itong tinapik. "Ang bigat Maggs!" Irap niya sa akin.

Inalis ko ang binti ko at tinampal siya sa braso. "Hoy! Hindi na ako yung dati mong bestfriend na mataba no!" Hiyaw ko sa kanya.

"Tumataba ka na ulit! Kakapakaen sayo nung Paulo na yun!" Pangaasar niya sa akin. Ginugulo niya pa ang buhok ko at kinurot kurot ang mga taba ko.

"Heh! Hindi kaya." Pabebeng sagot ko sa kanya.

"But that's good. May nagluluto na for you kapag wala ako. And healthy na ang mga kinakain mo." Biglang seryosong pahayag sa akin ni Kyle. Hindi ko siya sinagot at tinoon ko na lang ang atensyon ko sa TV.

"Maggs? Ayaw mo pa ba umuwi sa atin? Hindi ka pa ba okay?" Nagaalangan na tanong sa akin ni Paulo.

Dahan dahan ko siyang nilingon at tinitigan. Kinakapa ko ang nararamdaman ko. Iniisip ko ang dapat kong isagot sa kanya.

"Uhm. I really dont know Kyle.  Natatakot kasi ako." Nilapitan ako ni Kyle at inakbyan.

"'Maggie, its been two years. Wag mo na sisihin yung sarili mo sa nangyari. Wag mo na ikulong yung sarili mo sa nakaraan. Forgive yourself." Paalala sa akin ni Kyle.

I always thank the Lord for giving me Kyle. He is the best brother from another mother. He never left my side and for that I will always be grateful.

"Kyle, masaya naman na ako eh. Wag ka na magalala sa akin."

"You can't ask me that. Sige na. Go to sleep. Maaga ka pa bukas sa school." Pinat niya ang ulo ko at tumayo na ako sa sofa.

Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay humiga na kaagad ako sa kama ko. Narinig ko din na pinatay na ni Kyle yung TV.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Gin na wag na ako sunduin bukas. Nakita ko na may text sa akin si Celine at Paulo.

Celine:
Kyle is back?

Paulo:
I'm home. Thanks for today. Can I pick you up tomorrow morning so I can send you to school?

Agad akong ngtipa ng sagot ko sa kanila

To Celine:
Yes. He's back. He might hang out with us tomorrow.

To Paulo:
Thanks too. Sorry no. I have plans for tomorrow. Goodnight.

Pagpindot ko ng send ay pinatay ko na ang cellphone ko at ang lampshade ko.

--

Pagkatapos ko magayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakahanda na kaagad ang breakfast dahil kay Kyle.

"Blueberry pancakes and beacon are fine with you?" Tanong niya sa akin. Naka ayos na din ito kaya nagtaka ako.

"Bakit naka pang alis ka? May lakad ka?" Tanong ko sa kanya at umupo na ako.

Lumapit siya sa akin at umupo na din sa table. Ibinigay niya sa akin ang gatas. "Yes. Hatid kita sa school. Tsaka iuuwi ko na yung ibang gamit ko. Whats your plan for today?"

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon