Chapter 14

12 1 0
                                    

Chapter 14

Nagising ako na mabigat ang aking mga mata pero gumaan ang aking pakiramdam.

Hindi ako makagalaw nga ayos dahil sa bigat sa akin may tyan kaya agad ko itong nilingon. Nanlaki ang mata ko na may nakita akong brasong nakapalibot sa akin. Hindi ko pa man nililingon kung sino ang nasa likod ko ay, alam ko na kung sino ang may ari nito.

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit niya sa akin. Halos marinig ko ang hinga niya sa tenga ko at nakikiliti ako. Pinipigilan kung gumalaw o matawa dahil baka magising ko siya.

Naestatwa ako ng marealize kung ano ang sitwasyon namain. Ano bang nangyari kagabi?

Ahh! Nagkwento ako sa kanya! Umiyak ako.. Tapos? Niyakap niya ako! Yun lang naman. Hindi naman ako uminom o ano para may mangyari na pwede ko makalimutan.

Hindi ko alam bakit gumaan ang pakiramdam ko. Unti unti kong pinihit ang ulo ko para matanaw ang mukha ni Pawee.

Ngayon ko lang matitigan ang mukha niya. Perpektong hugis ng ilong, makakapal na kilay, mahabanh pilik mata at ang kanyang mapulang labi. HOLY SHIT! Ganun kagwapo ang katabi ko sa kama ngayon! AT NAKAYAKAP PA SIYA SA AKIN!

Napangiti ako sa iniisip ako. I know.. I know that Paulo is still doing the dare. I know that he's still trying. And I made my decision, I'm gonna do this with him.

Hinagod ko ang mga daliri ko sa buhok niya, ang himbing himbing ng tulog niya.

Nakita ko ang dahan dahan pagngisi niya kaya agad ko tinigilan ang ginagawa ko. "Drooling over me huh?" Tsaka sa dumilat.

Tinapik at hinawi ko ang braso niya at agad akong tumayo sa kama. "Huh! You wish! I just missed my dog." Tanggi ko. Ang bilis ng hininga ko.

"Good Morning, Miss George. Feeling good?" Pahayag niya. Medyo husky pa ang boses niya. At nakangisi siya.

Nakakainis tong nilalang na to!

"Good Morning! Yeah, I'm good. Lumabas ka na. Kain na tayo." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto ko, binuksan ko ang TV, binuksan ko din ang windows, hindi pa ganun kaliwanag. Dumaretso ako ng kitchen para buksan ang coffee maker. Binuksan ko din ang cabinet para icheck kung may kaya ba ako iluto dito.

Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan sa kwarto ko. Nilingon ko si Paulo na naghihikab at nakangisi pa rin. Parang timang talaga!

Inirapan ko siya. "Just sit down. I'll cook for our breakfast." Pahayag niya at lumapit na siya sa kitchen.

"Mabuti pa nga." Sagot ko sa kanya at bumalik na ako sa living room para manood ng balita.

Habang nanonood ako ng balita ay ipinalabas na si Atom Araullo. Kaya hindi ko mapigilan magtitili. Agad naman lumapit si Paulo sa akin.

Niyugyog niya ang balikat ko. "Huy! Ano nangyari sayo?" Alalang tanong niya. Tinabihan niya ako sa sofa.

Pinalo pala ko siya sa braso. "Pawee!! Ang gwapo niya!! Nasa kanya na ang lahat ako na lang kulang!!" Hiyaw ko sa kanya.

Inirapan at nginusuan niya ako. "Tss. Mas gwapo pa ako dyan eh. Kala ko naman kung ano na nangyari." At agad na tumayo para bumalik sa kusina.

Binalik ko ang mata ko sa panonood ng TV. Ilang minuto lang ay inaya na ako ni Paulo para magbreakfast.

"So how's your sleep?" Umpisa niya ng paguusap namin.

"Good nga. Ang kulit mo." Nguso kong sagot.

Kinurot niya ang ilong ko. Mimicking me. "Ang sungit mo po."

"You cried like a baby last night." Walang tigil niyang pangaasar sa akin.

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon