Chapter 13

13 1 0
                                    

Chapter 13

George's POV

Since everyone is here, inumpsihan na ni Mommy ang dinner.

Magkatabi kami ni Paulo sa table at nasa kabilang side ko naman si Kuya Gio.

Mom lead the prayer. "Heavenly Father, thank you for this night that we are complete again. Kyle had a safe flight from Florida. The kids our here. And for giving my princess George, her second life. Thank you for the food in the table. Amen"

Grr. Paw doesn't know about the accident.

Nagumpisa na kami kumain. Kinukuhaan ko si Paulo ng pagkain dahil alam ko na hindi pa siya ganun kakomportable. Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Tita Cristy kaya nginitian ko siya.

Habang kumakain ay pinaguusapan nila ang naging experience ni Kyle sa Florida. Proud na proud sa kanya sila Mommy.

Napahinto si Mommy sa pagtawa at inilipat ang mata kay Paulo.

"So Paulo, saan kang state nagstay sa US?" Ngiting tanong ni Mommy. Ang lahat naman ng atensyon ay napunta kay Paulo

"Sa New York po."

"Hmm. Doon din sana si George dati eh. Ano kinuha mong kurso doon?" Sunod na tanong ni Mommy.

Nilingon ako ni Paulo at umigting ang bagang niya. Para bang kasalanan na hindi ko yun nabanggit sa kanya.

"BS Biology po. Nagmemed po ako eh." Sagot niya kay Mommy.

Nahuli niya na si Mommy. "Ohh! We are in the same field pala! Pati ng Kuya ni George!" Nagniningning na pahayag ni Mommy. Akala mo'y nanalo siya sa lotto sa narinig niyang sagot kay Paulo.

"Ah yes Ma'am. George told me about that po. Pedia din po yung isspecialize ko." Sagot ni Paulo

Ang lahat ay namamangha sa usapan ni Mommy. Sila Celine at Owa naman ay akala mo nagtagumpay na si misyon nila. Hmm. Akala nila hindi ko alam na ideya nila ito.

"Uh uh. Don't call me 'Ma'm. Masyado ka naman pormal. Tita na lang o di kaya gusto mo Mommy." Natatawang sagot ni Mommy.

Agad akong umangal. "Ma!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"What? Sila Gin din naman minsan Mommy na ang tawag sa akin." Patay malisyang sagot ng nanay ko.

Walang tigil ang pagkkwentuhan namin hanggang sa matapos kami kumain.

Masyado na kaming ginabi, hindi na namin namalayan dahil napasarap na ang kwentuhan.

Mabuti na lang at panghapon ang klase namin bukas.

Nagkaayan na umuwi. "Tito Greg, pahiram muna si Marcus ah. Tutal hindi pa naman po ulit nasusubukan ni Maggie yun." Nginisian ako ni Kyle.

Inirapan ko siya at hinintay ang sagot ni Dad. Nginitian niya lang ako at tinanguan si Kyle.

"Dad!" Angal ko sa kanilang dalawa. Dumila pa sa akin si Kyle. Agad ko siyang hinabol at kinurot sa tagaliran.

"Princess, let him be with Marcus. Just for this week. Darating naman na ang sasakyan niya eh. Tapos sa weekend, magtest drive tayo. Okay?" Wala na akong nagawa kundi pumayag sa suhuwestiyon ni Daddy.

Nilapitan ako ni Daddy at kinulong niya ako sa braso niya. Naramdaman ko din na hinalikan ni Daddy ang ulo ko.

"I like that guy, Anak" bulong sa akin ni Daddy. Agad akong kumawala sa kanya.

"Shh." At pinat ni Daddy ang ulo ko.

"Tito, Tita, thank you po sa dinner. We gotta go." Paalam nila Michael kela Mommy.

Let's give it a tryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon