Mabilis lumipas ang panahon. 1 month na kami ni Enzo. So far so good. Hindi kami masyadong nagkikita lately dahil pareho kaming busy sa school. Malapit na kasi finals.
"Magkikita ba kayo ni Enzo, Sophia?" Mel.
"Ha? Hindi eh. Bakit mo pala natanong?"
"Kanina ka pa kasi nakatingin sa cellphone mo at di mo napansin na tapos na ang klase natin. "
Tinignan ko ang buong classroom at kami na lang dalawa ni Mel ang nandito.
Ang tagal ko bang nakatulala at di ko napansin na tapos na ang klase namin. Buti hindi ako napagalitan ng teacher namin.
"Nasaan pala sina Hazel?"
"Umuwi na sila. Nagpaalam sila sa iyo kanina pero dahil nakatulala ka kaya hindi mo narinig. Iniisip mo siya no?
"Sino naman? Tara, uwi na rin tayo. Gusto kong humiga lang ngayon."
"Sino pa ba? Eh si Enzo na labs mo." He he.
"Busy siya. Kaya malabong magkita kami ngayon. Kaya ang mabuti pa let's go home at ihahatid mo ako dahil wala akong sasakyan ngayon. "
"Grabe siya! Hindi mo ako personal driver."
"I love you too sis. Hahaha.
Nasa parking lot na kami ng tumunog bigla ang cellphone ko.
Enzo
Roof.
Roof daw. Anong mayroon sa roof?
Enzo, anong roof?
Enzo
Aish. Pumunta ka dito sa rooftop.
"Sinong nagtext Phia?" Mel
"Si Enzo. Kita daw kami."
"Saan naman? Hatid na kita."
"Sa rooftop lang kaya ingat ka sis. Magpapahatid na lang ako kay Enzo paguwi."
Pagkatapos kong magpaalam kay Mel, pumunta na ako sa roof na sinasabi niya. Anong mayroon sa lalaking iyon.
Pagdating ko, may nakatalikod na bulto ng isang lalaki. At si Enzo iyon.
"Enzo. Anong mayroon?
Bigla siyang humarap at ngumiti. Hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang ginawa.
"E-Enzo. Sandali naman at hindi ako makahinga."
Yinakap niya kasi ako ng mahigpit kaya tinulak ko siya ng mahina.
"Aish. Sorry Sophia. Namiss talaga kasi kita. Isang linggo kaya tayong hindi nagkita. Hindi mo ba ako namiss?
"Siyempre namiss kita. Malapit na nga akong magtampo kasi natiis mo ako ng ganoong katagal."
"Sorry babe. Busy sa school at tinutulungan ko kasi ang daddy sa company. "
"What did you say?"
"Tinutulungan ko si daddy sa company. Nasa Italy kasi siya ngayon kaya sa akin niya iniwan pansamantala ang company."
"No. Iyong una mong sinabi before that."
"Busy sa school."
Aish. Hindi iyon!!! Yung pinakauna mong sinabi.
"Alin doon? Babe?"
Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Bakit ayaw mo ba na babe ang itawag ko sa iyo?" Natatawa pa niyang sinabi.
"Hindi naman sa ayaw ko. Nahihiya lang akong magsabi."
"Don't be shy. Boyfriend mo naman ako at girlfriend naman kita kaya normal lang na tawagin mo akong babe. Be used to it. "
"Okay. I will."
"Kain na nga tayo dahil kanina pa ako gutom. "
May inilabas siya sa kanyang bag. OMG! Fries lang naman ng Mcdo at maraming maraming ketchup.
"Hindi ka naman prepared sa lagay na yan Enzo? "Haha.
"Hindi naman. Pero laway mo, tumutulo na." Haha.
Hinawakan ko iyong bibig ko pero wala naman at narinig ko na lang na tumawa siya nang malakas.
"Aish. Nakakainis ka Enzo." Sabay palo ko sa kanya ng malakas.
"I love you babe."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napahinto tuloy ako sa pagsubo ng fries. Ngumiti ako.
"I love you too babe."