Dedicated ang Chapter na ito kay @SarahAellano. Thank you po sa pagvote at pagcomment sa Chapter 1. And as a reward we dedicate this chapter to you.. Hope you'll like it. ^_^
COMMENT din po kayo para idedicate namin sa inyo ang next Chapter. ^_^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Crrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnggggg!!! Crrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnggggg!!!!*
"Uwian na!!!" sigaw ni Mel pagkalabas ng prof.
"Guys! Tara mall tayo" Sabi ni Mel
"Kayo na lang. Mag aadvance lesson pa kasi ako"
"Ang killjoy mo talaga Phia" sabad agad ni Mel
"Sige na, sama ka na. Wala naman yung mga ibang Prof ngayon eh" sabi naman ni Ae
"Kaya nga di ba? Walang masyadong teachers kaya mag-aaral ako."
"Hayy... kahit kailan talaga, ikaw ang laging hindi sumasama sa mga lakwatsa at sa mga trip namin Phia eh." patampong sagot ni Reine. Malamang siya ang nag imbita eh kaya yan nagtatampo.
"Sorry na bestfriends. Please do understand that I really have to do advance study" paawa effect. hahaha
Sana Effective ang *paawa effect ko*
"Hmp! Ganyan naman palagi ang sinasabi mo tuwing may pupuntahan sana tayo eh." si Sandy naman yan. Tampo effect din ang isang loka
Mukhang hindi tumalab sa kanila ang paawa effect ko... Naputol ang aming pagtatalo nang may biglang pumasok.. Kami kami na lang naman ang nandito. Nagsi uwian na kasi ang mga classmates namin.
"Phia, may gagawin ka......" hindi naituloy ang pagsasalita niya.
Dahil ang mga asungot kong mga kaibigan ay inatake na naman ng kanilang mapanuksong mga tingin sabay sabing
"Enzo!!! Yiiieh!!! Sinong hinahanap mo si Sophia ba? Yieeeh!!!"
"Ah kayo pala girls" kaswal na sagot ni Enzo at ngumiti sa kanila saka tumingin sa akin
Bigla akong natahimik. Kung kanina medyo ma-ingay ako kasi nakikipagtalo ako sa kanilang di ako makakasama sa kanila. Ngayon naman ay parang nabara ang lalamunan ko at hindi makapagsalita...
Bakit kaya siya napapunta dito?? Gustong gusto ko yan tanongin sa kanya pero wala eh, natahimik ako bigla.
"Bakit ka nandito?"
"May lakad ba kayo ni Phia? Yieeh!! Kinikilig ako sa inyo ha!!"
"Kayo na ba? Nag level up na ba kayo? Bakit hindi niyo sinasabi sa amin?" tampo effect ulit yang si Mel
"Kayo ha!! Huwag na kasi kayong magdeny"
Sunod sunod na tukso nila sa AMIN. Oo. AMIN. As in KAMI ni Enzo.
Tsss. Wala ng bago diyan. Lagi naman silang ganyan kapag nakikita nila kami ni Enzo eh
"Ahh... Kasi... Ano kasi eh..."
"Ano na kayo? Ba't niyo siya ginaganyan? Tigil tigilan niyo nga siya. Mga tsismosa" sabi ko naman sa kanila.
"Uyyy!! Concern siya!! Yieee!! Super duper kilig ako!! hahaha" sabi naman ni Mel. Kung kanina nagtatampo siya ngayong tawa na ng tawa
Pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Anong kailangan mo Enz?" tanong ko sa kanya
"Yayain sana kitang lumabas pero may lakad yata kayo. Kaya next time na lang" sabi niya
"Ah. Pasensya na ha. Next time na lang talaga. May lakad talaga kami eh. Di ba girls?"
*Woooooosssssssshhhhhhh!!!!!* (hangin yan ha? hahaha. Ibig sabihin, katahimikan ang narinig namin)
Mga walang silbing mga kaibigan. Ibubuking pa ata nila ako eh!! Akalain niyong hindi sila sumagot!!!???
"Girls?" ulit ko
"Di ba Phia, sabi mo...." di na naituloy ni Mel ang sasabihin dahil binigyan ko siya ng masamang tingin
"Di ba nga kasi, Phia, ang sabi mo kani kanina lang eh...." di na rin naituloy ni Ae ang sasabihin dahil tiningnan ko rin siya ng masama
Mahirap na baka sabihin nilang ayaw ko sanang sumama. hehehe. Nag iingat lang. Kaya pasensya na Girls kung tinitingnan ko kayo ng masama
"Di ba GIRLS? Di ba napag usapan natin kanina na magmo mall tayo?" sabi ko sa kanila at in-emphasize ko talaga yung girls
"Ah.. oo.."
"Tama. Magma-mall kami!!" sabi naman ni Mel.
Ay!! Buti na lang! Hindi naman sa iniiwasan ko si Enzo noh? Pero may something kasi eh. Something na ewan. Basta!!!
Sa totoo lang, humahanga ako kay Enzo. Bukod kasi sa matalino siya eh may itsura pa. I mean, any girl out there could fall for him. With his looks?? God! He is so ugghhh!!! I don't know, but perhaps I could say he is Perfect...
Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanila dahil sigurado akong mas tutuksuhin pa nila ako. I repeat, hindi LANG nila ako tutuksuhin kundi MAS tutuksuhin nila ako ng bonggang bonnga!!!
Nanlulumong nagpaalam si Enzo sa amin. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Kaya ayun!! Natuloy kami sa mall. Ewan ko ba kung paanong nangyaring kaibigan ko sila?? hahaha. Napa-isip tuloy ako bakit ko hinayaan ang sarili ko na makaibigan ang mga tulad nila eh, BAD INFLUENCE lang sila sa akin. Ng dahil sa kanila hindi ako nakapag advance study.. tsss.
Oooops!! Wag kayo. Mahal ko pa rin sila noh. Kahit Bad influence yang mga yan. At least masaya ako sa kanila. Napapasaya nila ako. At alam kong mahal na mahal nila ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sino si Enzo sa buhay ni Phia?
Abangan..
MagCOMMENT naman kayo diyan. Para malaman naman namin kung may nagbabasa ba sa soryang ito? hehehe
First na magcomment ang makakakuha ng dedication sa next chapter...
Huwag ring kakalimutang magVOTE!!! ^_^
© 2013 GirlsNonStopHappines All Rights Reserved