Chapter 6

168 24 17
                                    

***Mel's POV***

Tuberculosis or TB is an infectious disease caused by a bacteria called Mycobacterium Tuberculosis. The bacteria can enter the body, usually the lungs and makes a person sick by damaging the tissues that it reaches. . . . . . . 

Sophia was on her report about tuberculosis. Dahil pinaghandaan niya talaga ang topic, marami siyang alam tungkol dito. Bagay na naging dahilan para maragdagan ang bilib sa kanya ang aming mga kaklase.

Very loud and clear ang pagre-report niya kaya naunawaang mabuti ng lahat. Bukod pa sa maganda siya't matangkad (pero mas maganda pa rin ako. Chos.. hahaha), maganda rin ang pag gamit niya ng mga hand gestures at maayos ang posture niya kaya interasadong makinig ang lahat.

Nang matapos ang report niya, marami ang nagtanong na para bang nais ipakitang nakinig at nakibahagi ang mga ito sa kanyang report.

Nagkasunod-sunod na ang mga tanong tungkol sa kanyang report at nabigyan naman niya ng kasagotan ang lahat ng mga tanong nila. Kaya after the report ay pinuri siya ng aming professor maging ang aming mga kaklase. 

Bumalik na si Sophia sa kanyang upoan at pumaharap naman ang aming prof.

***Sophia's POV***

"Next meeting, ang magrereport naman ay si Ms. Cruz about Ostioporosis" anunsyo ni prof. at nagpaalam na.

Ibinaling ko naman ang aking mga mata kay Heart at nung nakita niyang tinitingnan ko siya nginitian ko siya. Oy!! Huwag kayo ha, yung walang halong pang aasar to. Nginitian ko siya para ma encourage siya yung ngiting pang moral support. Alam niyo yun? Basta yun. Pero alam niyo ba ang sagot niya sa ngiti ko? Irap!! Oo. Nung nginitian ko siya inirapan niya ako.

"Hay naku," ani ni Heart saka tumayo "You're report is very common. Kahit hindi ka magreresearch, Mapupulot mo lang ang mga information about that disease. Ewan ko nga ba kung bakit bumilib agad sa iyo ang mga nakarinig eh ang dali dali naman ng topic na 'yan" Pagtataray ni Heart.

"Eh ano bang problema mo?' Nagtataray ding tanong ni Mel kay Heart.

"I swear lalampasan pa kita tomorrow kapag nagreport ako about Osteoporosis" ani nito sa akin at  iniwasan ang pagtataray ni Mel. Saka kami tinalikuran

"Napanu yun?" natatawang tanong ni Ae

"Eh paano nga, hinigitan na naman siya ni Phia. Alam niyo namang ang gusto ng babaing 'yon eh siya ang nagunguna" sagot naman ni Mel

"Kahit kailan wala ng aagaw sa trono ni Mel bilang SPOKEPRESON!!' komento naman ni Hazel

"Hindi na lang sana natin naging kasection si Heart. Minsan kasi ay nadadala ako sa pagkamayabang niya" sabi naman ni Sandy

"At may balita ako, Phia" nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Reine "Inaahas daw ni Heart ang manliligaw mong si Enzo" saad ni Reine

"Trueness ba yan, girl?!" sabad na namn ni Mel

"Masyado kang nagpapahalata na chismosa Mel" sambit naman ni Sandy kay Mel. Dinedma lang naman ni Mel si Sandy.

"Inaahas?" Ulit ko naman

"As in inaagaw" sabi naman ni Zhel

Ah! Ganun pala ang inaahas. Yung inaagaw pala yun. Andami nilang alam na words na double purpose ah!!

"Kung magugustohan siya ni Enzo, so be it. Hindi ako magiging hadlang" sabi ko naman sa kanila

"Hindi mo ba feel si Enzo, Phia?" tanong naman ni Sandy

Bigla akong natahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko. 

"You know Phia, we feel na may nararamdaman ka rin para kay Enzo. Don't deny it. Ikaw rin ang mahihirapan at masasaktan sa bandang huli. Ewan ko lang sa'yo kung ano na lang ang gagawin mo kung iiwan ka ni Enzo, Ikaw bahala" babala naman  sa akin ni Mel

The Gynnah WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon