Chapter 1- First Day of Class

295 40 43
                                    

***Sophia Angelin POV***

*Crrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!! Crrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!! Crrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* ------> (Tunog po yan ng Alarm Clock. Panget ba ang sound effect? hahahaha)

Yes! First day of class na!! Makabangon na nga. Nag-inat na ako at pumasok sa cr para maghugas ng mukha at maligo.. Pagkatapos kong naligo pumunta naman ako sa walk in closet ko hinanap ang uniform at isinuot.

 Waaaah!!! Ang cute ng uniform ng Elites Academy. Mula ngayon, dun na ako mag aaral. I have to face a new chapter of my life which is my College life!! Kailanagan ko na ring masanay sa cute kong uniform. hehehe. Kahit na Monday at Wednesday ko lang ito isusuot. Sasanayin ko pa rin, ang cute eh.

 Bumaba na ako at nakasalubong ko si yaya.

"Good morning, manang Sepay!!"bati ko kay yaya sabay yakap sa kanya.

"Ayy!! Kabayo na nanganak ng Pating!" gulat na sabi ni manang Sepay.

"Hanep ang reaksyon natin, manang Sepay ah. hahahaha" Natatawa kong kumento.

"Ikaw ba naman Sopia Angeline, paghahandaan mo pa ba ang sasabihin mo kapag nagugulat ka?!"   panermon ni manang Sepay

"Oooops!! Chill lang manang Sepay. hahahaha. Huwag kang high blood. Papangit na kayo niyan eh" medyo pabolang sagot ko.

"Naku! Ikaw talagang bata ka..." natatawang sabi nito.

Time Check-  5:30 AM

"Ah!! Manang Sepay, Kailangan ko ng pumasok!"

"Pumasok? As in ngayon na? (napatingin siya sa relo) Eh ang aga-aga pa kaya. Hindi pa nga sumisikat ang araw eh" aniya

"Eh kahit na. Male-late na po ako."

"Kuu.. Magpahatid ka na kay Jerry. Mag-iingat ka ha? Galingan mo." Payo ni Manang Sepay habang palabas na ako. Mahal na mahal talaga ako ni manang eh. hehehe. Kaya love ko rin siya eh. Siya na kasi ang nag aalaga sa akin mula pa noong bata pa ako.

"Opo!! Ba-bye po!!" paalam ko at yinakap ko ulit siya. Saka ako tumakbo papunta sa garahe at nagpahatid na kay kuya Jerry sa Elites Academy.

*Elites Academy*

Pagkarating ko dun, saktong binubuksan pa lang ni kuyang guard ang gate. Napatingin siya sa akin.

"Good morning manong guard!!" masiglang bati ko at nginitian ko siya.

"Ang aga mo iha ah." sabi ni kuya guard at nginitian din ako.

"Ganun po talaga. hehe" sagot ko at pumasok na ako.

 Himala!!! Wala pa ni isang estudyante dito ah. Ako lang talaga. Mga guards at janitors pa lang ang nandito.

Hinanap ko na ang Department namin at pumunta na rin sa assigned classroom namin. Ayun umupo lang ako ng mag isa dito. hahaha. Late na ata ang mga classmates ko. Makalipas ng ilang sandali, nagsidaratingan na ang mga classmates ko. Nakikipagkilala na sila sa mga classmates at nakikipagkaibigan na rin. Natural First day of College eh. New environment. New people. Everything is all new.

Time check- 7:15 AM

Ang tagal naman ng limang iyon. Malapit lang naman ang mga mansyon nila dito ah. Naturingang kay lalapit ng mga mansyon, ang kukupad namang kumilos. Tsss.

Ah!! nagtatanong siguro kayo kung sino ang mga limang iyon na hinihintay ko noh? Sila lang naman ang mga kaibigan ko. hehehe.

Sila sina Reine, Ae (pronounced as 'EY'), Hazel, Mel at Sandy. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay mayroon akong mga kaibigan na tanggap ako.

 Tanggap nila bilang ako. Yung ako na malayo sa mga tao at laging libro, ballpen at papel ang kasama. Ang tinaguriang Nerd.

Speaking of the devils!! Naririnig ko na ang mga boses nila mula sa corridor. Alam na sigurong nandito na ako

"Guys, sinapian na naman si Phia, hahahaha. Pagkagising ko kasi, tumawag ako sa bahay nila at nasabi ng yaya nila na pumasok na daw. hahahaha"   -.- malamang si Mel na naman yun. tsss

"Oh??!! Kagigising mo pa lang, pumasok na siya?!! hahahaha. Imba talaga yung taong yun. hahaha"  -_- isa pa yung Reine na yun. tsss. 

"Hoy Kayong dalawa, itigil niyo nga yan. Di na kayo naawa sa kanya, lagi niyong pinagtatawanan. Siguro di pa kumain yun" Si Ae yun! Sure ako. 

 "Arrg!! Ang iingay niyo!" si Sandy yun. Ayaw niya kasi sa mga maiingay. hahaha

"Pasok na nga tayo. Sigurado akong kanina pa naghihintay sa loob si Phia. At sigurado akong di pa kumakain yun. Hayyy! Buti na lang pala at umorder pa ako ng isang Gingerbread latte sa starbucks kanina. Yun na lang ang pang umagahan naming dalawa habang hinihintay yang si prof." Ayun!! Alam na alam ko yung boses na yun eh. Kay Hazel yun. At tama na ang narinig ko? Binilhan niya ako ng Gingerbread latte?!! Yieeeh!! Sa kanilang lima siya ang pinakanormal. Napakabait niyang kaibigan.

Alam pala ni Hazel ang isa sa mga paborito ko sa starbucks!! hahaha. Ang sarap kasi yung gingerbread latte eh. Kahit yun lang ang maipasok ko ngayon, solve na ang breakfast ko. hahaha

5

4

3

2

1

BOOM!! Tyanan!! Andyan na ang mga kaibigan ko!!

"Good Morning Miss Intelligent, Miss Beautiful naming bestfriend na hindi sumasali sa mga pageant!!" Pambungad ni Mel.

Nabingi ako dun ah. Nagulat pa ang mga classmates namin at napatigil sa pakikipagkilala sa kani kanilang mga seatmates..

Nagpeace sign na lang si Mel. Tsaka sila lumapit akin at pumili na ng uupuan sa malapit sa akin.

Babatiin ko pa naman sila ng masiglang masigla eh. Pero panira tong Mel na toh! -___- kaya wag na lang.

"Kanina ka pa ba Phia?" Tanong ni Mel

"Hindi naman masyado. Mag iisang oras pa nga lang ako eh." sagot ko.

At nagpipigil tawa na naman ang dalawa sina Mel at Reine. Mga tupak talaga tong dalawang to.

"Heto pala bessie oh. Dinalhan kita ng umagahan mo. hahaha. Alam ko kasing di ka pa kumakain." sabi ni Reine sabay hablot kay Hazel ang gingerbread latte at inabot sa akin.

"Walanghiya ka, Reine! Ako lang kaya ang nakaalala sa kaniya. Hoy Phia, wag kang maniwala dyan kay Reine. Ako talaga ang bumili niyan para sa'yo." sabi naman ni Hazel

"Haha. Alam ko Hazel. Salamat pala dito. (sabi ko sabay taas sa gingerbread at sinimulang inumin) Hindi kapani paniwalang bibilhan ako ni Reine eh. Sa takaw ba naman niya eh impossible talaga. hahaha" sabi ko naman at nagtawanan kaming lahat

"Ang sakit mong magsalita Phia ah." Yamot na sagot ni Reine

"Well, truth hurts bessie. hahaha" Sagot ko naman kay Reine. Di mapinta ang mukha ni Reine.

Saktong naubos ko na ang Gingerbread latte ko ng pumasok si Prof. at nagsimula na ang lecture. At syempre, hindi mawawala ang pagpapakilala sa mga classmates.

At ganun din ang nanyari sa mga ibang subjects namin pero yung ibang Prof eh hindi pa nagpapakita. Expected naman yun kasi First day of class nga. 

Sophia Angeline at  the Multimedia --------------------->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Magcomment lang po kayo. Don't worry po hindi po kami na ngangagat sa kahit sinong magcomment. ^_^

Vote!!

Follow

© 2013 GirlsNonStopHappines All Rights Reserved 

The Gynnah WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon