Chapter 5- Entering Gynnah World

198 34 34
                                    

***Enzo POV***

Naisipan kong puntahan ang kaibigan kong si Tristan.

Sigurado naman akong mag isa lang siya sa bahay nila eh.

Matawagan nga muna para mas sure tayo. Mahirap na baka andun pala ang daddy niya. hahaha. Ayaw kong pumupunta dun kung nandun ang dad niya eh. Nakakatakot kaya ang dad niya.

*Krrrrriiiiiiiiing!!!!* *Krrrriiiiiing*  *Krrrriiiiiing*  *Krrrriiiiiing*

"Anong atin Enzo?" sabi niya sa kabilang linya

"Punta ako diyan sa inyo, dude." sabi ko at binubuksan ko na ang isa sa mga sports car ko.

"Na naman?"

"Ano?!" sabi ko naman in a scary tone

"Haha. Biro lang. Asan ka ba? Gusto mo ipasundo pa kita eh"

"You don't have to. I'm on my way and I'll be there in 5 minutes" sabi ko at ibinbaba ko na agad. 

Kung minsan talaga eh loko-loko yung lalaking yun!! Sarap upakan. hahaha

*Tristan's Residence*

"Anong problema at napapasugod ka dito sa tahimik na kaharian ko?" Tristan yan.

"Wala" casual na sagot ko at umupo sa pinakamalapit na sofa na makikita ko

"Wala daw? Kilala kita pare. Para ngang pasan mo ang problema sa daigdig eh. At huwag ka ring magsisinungalin dito sa bahay namin kundi tatawagin ko ang daddy ko dito at tatakutin ka niya, ano? tatawagan ko na?" pananakot niya na akmang tatawag. Alam ko namang nagbibiro lang yan eh kasi siya mismo takot sa daddy niya.

"Gago! I'm not in the mood with your nonsense jokes. And try calling your dad nang mapatay kita bago pa man siya makarating dito." sagot ko naman

"Huwag mo nga akong ini ingles diyan. Alam nating pareho na hindi tayo magaling diyan sa mga Ingles na mga yan"

"Ulol. Baka ikaw lang. Huwag mo nga akong idamay diyan kasi alam ko sa sarili ko na magaling ako"

"Oo na ikaw na. Tsss. Yabang. Pero seryoso, babae yan noh?"

Natahimik ako bigla. Naalala ko na naman si Phia

"Tama nga ako!! Kitang kita ko na sa mukha mo eh! Halatang halata. Huwag ka ngang pahalata."

"Ha?" Alin ba ang halata? Ang gagong toh ginagago mo ako eh!!

"Totoo pala ang naririnig ko na pinupormahan mo yung Freshmen na nag ngangalang Sophia"

"Hindi ko siya pinopormahan!" sagot ko

"Hindi daw pinupormahan pero lagi namang nakabuntot na parang aso. Anong tawag dun? Stalker? Akalain mong ang isang Isang Enzo ay stalker!! Hahahahaha" Tristan

""Lalong hindi ako STALKER! Gago! Huwag mo nga akong iniinis!! Admirer ako at hindi stalker"

"Naku! Pinaganda mo lang ang salitabg stalker eh. Pareho lang din yung dalawang yun kung hindi ka pa umaamin."

"Huwag mong sabihing natotorpe ka? Ibang ibang  Enzo ang kaharap ko ah. hahaha"

Tsk!! Nakakainis!! Sige na nga sasabihin ko na nga lang sa kanya total naman eh yun naman ang sadya ko dito sa kanila  eh, ang sabihin tungkol sa sitwasyon ko kay Sophia at saka yung. . . . haaay!!

"Hindi naman kasi sa ganoon. It's just that baka hindi pa siya ready." ayun nasabi ko rin ang gusto kong sabihin..

"At bakit? Aminin mo na, tinotorpe ka!!"

The Gynnah WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon