Sorry po kung ngayon na lang ulit naka update. katatapos lang po kasi ng exams namin. Kaya walang time na gumawa ng story. Sana merun pa ring mga readers dito..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Sophia's POV*
Tatlong linggo na rin simula nung niligawan ako ni Enzo. Kada araw may mga bulaklak akong natatanggap at kung ano ano pang pinaggaga gawa ni Enzo para lang mapatunayan niyang mahal niya ako. May mga letter siyang inilalagay sa locker ko at may mga nakakainspire na mga messages. Ganado na palagi ang mga araw ko ng dahil sa kanya. Hinahatid at sinusundo na rin ako. Ang bait noh? hehehe. At syempre, ganun pa rin ang mga kaibigan ko. Araw araw na nila akong tinutukso sa mga sweetness ni Enzo. Mas kinikilig pa ata sila kaysa sa akin eh. Hahaha
Nandito kami ngayon ni Enzo sa Enchanted Kingdom. Ewan ko ba sa kanya kung ano ang pumasok sa isip niya at niyaya niya akong pumunta dito. hehe. I mean,
ENCHANTED?
ENCHANTED KINGDOM!!
Pambata kaya dito. Oo, aaminin ko nung bata pa kaming anim na magkakaibigan eh palagi namin niyaya ang mga yaya namin doon para maglaro. Pero nung lumaki na kami, hindi na namin naisipang pupunta pa doon. At ang sossy niya ha at sa Enchanted Kingdom pa. Hindi naman sa maarte, hindi ko lang kasi trip kasi para sa akin pambata lang ang lugar na ito. Magwa-walk out ako sinasabi ko sa kanya kapag hindi pa kami umalis dito. Bibilang ako........
10. . . . . 9 . . . . . 8 . . . . . 7 . . . . . 6 . . . . . 5 . . . . . 4 . . . . . 3 . . . . . 2 . . . . .1. Nakakainis! Hindi niya ba napansin na wala ako sa mood?
"Anong problema, Sophia?" sa wakas!! Nagtanong din!! Akala ko, hindi na makakahalata.
"Anong problema? Ang problema ko lang naman eh sa danimi daming lugar na pwedeng puntahan, bakit dito sa Enchanted Kingdom mo pa ako dinala?" sagot ko sa kanya.
"Anong masama dun eh para na rin itong amusement park, Ayaw mo ba nun? Kaya tara" Sabi niya sabay hila sa akin at hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Basta basta na lang niya akong hinila.
"Teka.. Teka.. Enzo naman, ayaw kong pumasok diyan. Sa iba na lang tayo. At saka puro pambata lang kaya ang mga nandiyan sa loob." paliwanag ko sa kanya.
"Anong pambatang sinasabi mo? Hindi kaya. Tara na kasi sa loob para malaman mong nagsasabi ako ng totoo. Malay mo mag eenjoy ko." sabi niya habang hawak ang kamay ko at pilit na hinihila ako papasok sa loob.
"Sandali!" awat ko sa kanya.
"Ano na naman? Ikaw ha, sinearch ko paq ito sa google tapos nirereject mo lang?" Sagot niya.
"Eh kasi naman po iyong kamay ko hawak-hawak mo. Baka di ako makapagpigil sa iyo" Pagbabanta ko sa kanya. Napatingin naman agad siya sa kamay naming dalawa at binitawan naman niya ito agad. Saka siya napakamot sa ulo.
"Ha? Oo nga pala. Para-paraan lang naman baka sakaling swertehin ako" pabirong sagot niya.
"Sira-ulo ka talaga! Tara na nga sa loob bago pa magbago ang isip ko. Basta libre mo ha?" sabi ko sa kanya. Sige na nga. Pagbibigyan ko na siya. Baka nga ma enjoy ko rin kasi enjoy talaga noong bata pa kami. hehe
"Oo na Ms. Kuripot" pabulong niyang sabi pero narinig ko naman. Ahaha
"Anong sabi mo? Narinig ko iyon! Huwag ka ng magkaila." sabi ko sa kanya.
"Hahahaha. Ang dami mong sinasabi Sophia. Tara na nga kasi sa loob. Madami pa tayong pupuntahan" sabi niya at sinimulan na naman niya akong hilahin papasok.
Kaya pumasok na kami sa loob. Siyempre siya ang nagbayad ng tickets. And guess what? Ride all you can ang kinuha niya. Ang gara niya ah. Una naming sinakyan ang Ferris Wheel. Grabeh! Ang saya. Ang bilis oang umikot kaya nakakaexcite oarang kang naiihi na hindi. Hehehe. Ang saya sa pakiramdam para akong bumalik sa pagkabata. Pagkababa namin ay dun lang ako nakaramdam ng meju pagkahilo. Napansin din siguro iyon ni Enzo dahil bigla niya akong hinawakan para masuportahan.