Chapter Thirty-Nine

2 0 0
                                    

Jillian's POV

Natapos na ang morning classes ko. Papunta na akong canteen para mag lunch. Saktong nakita ko sina Shaine at Cassandra at kumakain na. So dumiretso na ako sa table.

"Hey girls." Bati ko sa kanila.

"Hi."

"Hello."

They said in chorus. Bakit parang bad mood ata 'tong dalawang 'to? May nangyari ba na hindi ko alam?

"By the way, where's Claire nga pala?"

"Ikaw na magsabi." Sabi ni Cass kay Shaine. Ano ba talaga meron?

"K. Fine. Si Claire umuwi ng bahay. Mag-iimpake daw siya kasi uuwi siya ng Pilipinas. Makikipag-break na ata si Elijah sa kanya. Nakakainis si Elijah!"

"WHAT?!"

"Papaulit mo pa." Walang ganang sagot ni Shaine.

"Hmph! Sungit neto. I'll buy foods muna guys."

××××××

Claire's POV

Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ba kami nagkakaganito ni Elijah. Halos one year na kami tapos ngayon niya pa gagawin 'to sa akin? Ang makipag-break. The hell! Humanda talaga ang malanding babae na yan. Fuck!

Humiga ako sa kama. Niyakap ang mga unan at lumuha na naman for the nth time. Sumagi na naman sa isipan ko kung paano sinabi ni Elijah ang mga masasakit na salitang iyon.

We are on our way to the canteen. Nagtatawanan kami kasi panay patawa si Cass. Nagtatawanan pa kami ng mag-ring ang phone ko. Bunungad sa screen ko ang 'Babe' knowing na si Elijah iyon. Nakahanap naman na kami ng table so I excused myself and went out of the canteen.

"Hello, Babe."

"Claire." Sht. Yung puso ko sobrang kung tumibok. Bakit ganito? Tinawag lang naman niya ako sa pangalan ko e. Parang may bumulong sa kabila kong tenga "Pangalan niya ang itinawag niya sayo, eh diba nga may endearment kayo"

"Oh?" Nabwisit na ako kaya ganun na ang naging sagot ko sa kanya.

"Ayoko na. Pagod na ako. Itigil na natin 'to." Bumaha na ng mga luha 'tong mukha ko.

"No! Hindi pwede! Hindi ako pumapayag. Bakit? Anong nagawa kong mali? Babe please, gabi gabi naman akong tumatawag sayo. Nagsskype naman tayo, nakikita mo pa ako diba? Araw-araw naman we're texting each other kung on the way na ba sa school. And kung pauwi na. Hindi 'to pwede Elijah please. I love---"

Binabaan niya ako. Ayaw na ata niya talaga. Susuko na siya. Pero, hindi naman pwede iyon. Hindi ko naman sasayangin lahat ng iyon.

Tinext ko pa si Elijah. Baka sakaling magreply pa siya.

To: Babe

       Elijah, please. Alam kong mahal mo pa ako. Hindi tayo magsusukuan diba? Akala ko ba, Till The End tayong dalawa pa rin? Hindi ako nagpapaawa para balikan mo ako. Sana lang marealize mo na mali 'yang ginagawa mo. Uuwi ako para sayo. I Love You.

Nasend ko na ang message. Basang basa na ang screen dahil sa mga luhang 'to. Uuwi ako ng Pilipinas. Kailangan ko siyang makausap.

Patuloy pa din ako sa pag iyak ng mag vibrate ang phone ko.

"Text Message from Babe"

Babe, sorry sa mga nasabi ko kanina. Sana mapatawad mo pa ako. Aayusin ko lang ang gulong ito at babalikan kita kaagad. Last text ko na ata 'to sayo. Please, wag ka ng umuwi dito. Gustuhin ko man kaso magagalit si Monique. Si Monique ang babaeng sumubok para sa pagmamahal ko sayo. Kapag hindi daw kita hiniwalayan at hindi ako pumayag sa kagustuhan niyang pagpapakasal ay kukunin niya ang scholarship ko at may gagawin siyang hindi masama sa inyong apat . Napakahalaga sa akin ng bagay na iyon Claire. Pero, mahal na mahal kita. Papakasalan ko siya pagkatapos ng ilang araw ay tatakasan ko siya. Meron ka pang dapat malaman Claire. Sana maintindihan mo ako. Pangako. Mahal na mahal kita, lagi mong tatandaan yan ha. I love you so much babe. :*

Hindi ko na nagawang reply-an pa si Elijah. Naawa na ako sa kanya. Bakit ba siya napasok sa gulong 'to?

Uuwi talaga ako. Hindi pwedeng magpakasal siya sa babaeng hindi niya mahal. Ako lang ang pakakasalan at hindi yung malanding Monique na yon.

××××

Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Bumangon na ako sa kama at tsaka bumaba para kumain. Nakita ko doon si Mommy na nagluluto ng bacons.

Umiinom ako ng tubig ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Claire." Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pamamaalam dahil babalik ako sa Pilipinas.

"May problema ka ba, Anak? Mula kasi nung dumating ka hindi ka nagsasalita at nagkulong ka sa kwarto mo. Anong meron, anak? Wag kang matakot, I'm your mother. Sabihin mo sa akin kung may bumabagabag ba diyan sa isipan mo." Naluha na naman ako. Nawala ang takot ko. Si Mama naman na ang nagsabi e.

"M-ma. U-uwi po s-sana ako sa P-pilipinas. S-si Elijah p-po kasi m-makikipaghiwalay na d-daw po." Nang mabigkas ko ang mga iyon, tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa gusto kumawala.

"What? Sige, anak. Pumapayag na ako. Basta kapag nandun ka na, call me ha. At mag iingat ka lagi ha. I-text mo ako kapag hindi ka na uuwi."

"Totoo po ba yan Ma?"

"Syempre naman. Botong-boto ako sa Elijah na yan e. Tapos gaganyanin ka? Puntahan mo anak. Ayusin niyo 'tong gulo na 'to."

"Sige po Ma, sa saturday aalis na po ako. Thank you so much Ma!"

Till The End (Friends Or Lovers Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon