Chapter Thirty-One

15 1 0
                                    

Jillian's POV

*knock**knock*

"Come in." I said.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Mommy na may dalang tray ng foods.

"Eat your breakfast na Jill." Mom said.

Nilagay niya ang tray sa kama ko at kumain na ako.

"How are you, anak?" Mom asked. Buti naalala ko pa si Mommy.

"I'm fine Mom. Medyo sumasakit lang po talaga ang ulo ko." I answered.

"Pasensya ka na talaga anak. Kung hindi lang talaga kita pinapunta dito ng madalian. Sana hindi ka nagkakaganito. Don't worry, papapuntahin ko na lang sila Claire dito para sama sama na kayo sa iisang school. Malapit na ang pasukan."

"It's okay Mom. I understand. Claire? Sino si Claire Mom?" I asked. Sino ba talaga si Claire?

"What? Hindi mo na din sila naalala? Akala ko ba si Drake lang and hindi mo naalala?"

"Who's Drake naman Mom?" Ahhhh... sumasakit na naman ang ulo ko. Sino ba 'yang Drake na yan? Ahhhh...

"Are you okay Jill?"

"Yes Mom, I'm okay."

"Okay. Iwanan na muna kita ha. Doon lang ako sa kwarto. Tawagin mo na lang ako kapag mag kailangan ka ha."

Tumango na lang ako bilang sagot. Tapos na ako kumain, bumaba ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Ma'am Jillian, may nag-aantay po sa inyo sa labas." sabi sa akin ng isa sa mga maid namin.

"Sino daw po Manang?" tanong ko.

"Si Sir Adriel daw po." Ahh si Adriel lang pala.

"Sige po Manang pupuntahan ko na po."

Lumabas na ako ng gate para puntahan si Adriel.

"Oh, Hi Adriel! Halika, pasok ka muna sa loob." masigla kong bati sa bisita ko.

"Saglit lang ha. Kukuha lang ako ng makakain mo." tugon ko. At tsaka, dumiretso sa kusina at kumuha ng Toasted Bread with Cheese at tsaka Mango Juice. Favorite niya kasi ito. Hahaha.

"Here's your favorite!" i shouted.

Pagkalingon niya sa akin, nanlaki ang mga mata at ngumiti ng abot-tenga. Hahaha, excited na naman 'tong mokong na 'to.

"Ang sarap naman neto. Thank You!" sabi niya habang may tinapay pa sa bibig niya. Nang malunok niya na ito, nagtanong na naman siya about sa kalagayan ko.

"Kamusta ka na Jill? Sumasakit pa din ba ang ulo mo?" he asked.

"Oo eh. Nga pala, salamat nga pala sa pagtulong sa akin nung gabing iyon." i answered.

~Flashback~

Pabalik ako sa bahay namin para mag-impake kasi talagang kailangan na ako ni Mommy right now sa states.

Natataranta na ako kaya pinabilis ko ang speed ng kotse ko, at hindi ko namalayan na naka "pula" ang stoplight. Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho, hanggang sa bumangga ako sa isang SUV. Nakita ko ang buong pangyayari, lumuha ako ng lumuha habang nagpagulong-gulong ang kotse, at konting oras na lan ay maaaring sumabog ito.

"I love you Drake, babalikan kita." i whispered bago ko marinig ang pagsabog ng aking sasakyan.

Bakit hanggang ngayon humihinga pa din ako? Diba dapat patay na ako?

Buhat buhat ako ng isang lalaki ng parang bagong kasal at tinatakbo niya ako palayo sa sasakyan kong sumabog. He saved me... Thank you Lord.

~End of Flashback~

"No problem Jill. Basta ikaw. Hahaha." ang cute talaga nito kapag tumatawa. Chinito. <3

"So, nakapag-enroll ka na ba?" I asked. Kasi parehong school din ang papasukan namin para naman hindi ako ma out of place sa school. And to be exact, parehas kaming mag-g-Grade 10 na. Hahaha.

"Uhm, hindi pa eh. Gusto ko sana sabay na lang tayo? If it's okay to you." sabi niya. Parang kabadong kabado pa hahaha

"Oo naman noh. Ano ka ba! Hahaha. So, kung gusto mo today na tayo mag enroll and bibili na din tayo ng books."

"Sige sige. Balik lang akong bahay, then after one hour I'll go back here. Okay?" Pagkasabi niya nun, he stood up and get his car keys and lumabas na ng bahay.

Umakyat na din ako sa kwarto ko at naligo na din.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako and pumunta na sa kwarto ni Mommy.

I knocked. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako.

"Mom." tinapik tapik ko siya. Gumalaw siya at dumilat. Natutulog pala.

"Mom, hingi lang po sana ako ng pera para sa pang-enroll ko po. And, pambili na din po ng books."

"Ikaw lang? Sino kasama mo? Sila Claire?" Mom asked.

"Mom, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi ko nga po kilala 'yang Claire na yan. Si Adriel po kasama ko. " ang kulit naman neto ni Mommy, di ko nga kilala yung Claire na yun eh.

"Ah sige. Kunin mo na yung pera doon sa drawer ko. Ikaw na bahala kung magkano ang kukunin mo. Wag na wag kang magcocommute ka ha. Hatid- sundo ka ni Adriel." sermon ni Mom.

Bumaba na ako at inantay na lang si Adriel.

*beep**beep*

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan ni Adriel.

"Mom, gotta go!" I shouted bago ako lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse ni Adriel as we headed to our new school.

























Till The End (Friends Or Lovers Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon