Chapter Thirty- Seven

4 0 0
                                    

Jillian's POV

Paggising ko shit sobrang sakit ng ulo ko hindi ko na 'to kinakaya. Grabe yung sakit. Ahhh!

"MOMMY!" I shouted. Hindi na ako makatayo dahil sa sakit. Agad namang bumukas ang pinto at naroroon sila Mom and Dad na gulat na gulat.

"Jillian! Kailangan ka na naming dalhin sa ospital!" napasigaw na din si Mommy at binuhat ako ni Daddy palabas ng kwarto at sumakay na ng kotse.

×××××

Minulat ko ang mga mata ko, puro puti lang ang nakikita ko. Nasaan ba ako? Lumingon ako sa gawing kanan at nakita ko doon ang parents ko.

"Anak!" pumunta siya sa akin at sinabing tatawagin lang daw niya ang doktor.

Matapos akong icheck nung doktor humarap siya kila Mom at may sinabi.

Pagkatapos nilang mag-usap, kinwento lahat ni Mom ang napag-usapan nila.

"Ano po ang sabi ng doktor Mommy?" kitang-kita sa mukha niya ang pagkagalak para sabihin sa akin ang sinabi ng doktor.

Tumingin muna siya sa akin at napabuntong-hiningang sinabing, "Anak. Ang sabi sa akin ng doktor, nakakaalala ka na. But we did a mistake. Natatandaan mo pa ba nung sinabi mo sa amin na naalala mo na sila Claire?"  Tumango at nagpatuloy sa pagsasalita si Mommy, "Dapat pala ay pumunta tayong ospital nun. Kaso nakalimutan namin ng Dad mo na ibinilin pala ng doktor na tuwing sasakit ang ulo mo ay pupunta agad tayo sa doktor. Sorry anak, pero hindi mo maalala ang mga nangyari sa inyo noon nila Claire sadyang ang tao lang maalala mo. Hindi yung mga nangyari bago ang aksidente. At si Drake, anak. Medyo hindi mo pa talaga siya maalala kaya kung pwede sana ay maging magkaibigan na lang muna kayo hanggang sa maalala mo na talaga lahat at ituring mo na siyang boyfriend mo."

Napatulala na lang ako sa sinabi ni Mommy.

Naintindihan ko naman lahat ng sinabi sa akin ni Mommy bukod lang doon sa sinabi niya about kay Drake. Boyfriend ko siya? Pero paano nangyari yon? Malamang hindi ko alam diba? Kasi nga diba nagkaamnesia ako. Hay nako, Jill. Baliw ka din minsan noh.

"Thanks Lord at nakaalala na din ako."

××××××

Ayon sa doktor, hindi pa daw ako pwede lumabas ng ospital ngayon. Kasi may mga inaasikaso pa daw sila about sa akin.

So eto ako ngayon. Nakaupo sa hospital bed habang nagbabasa ng libro. I'm alone. Sana naman may bumi----

Someone knocked....

Napatingin ako sa pintuan at nakita doon sila Shaine at may kasama silang isang lalaki. Si Adriel ata.

"H-hi." bati ni Shaine sa akin. Tinanguan ko lang siya at tsaka ngumiti.

Lumapit sa akin ni Shaine. At parang may sikretong sasabihin.

"Jill, kasama namin ngayon si Drake. As in si Drake. Yung boyfriend mo dati. Naalala mo na ba siya?" Unti-unting lumalapit si Drake papunta sa akin at tumabi kay Shaine.

Napapikit ako, sumasakit na naman ang ulo ko. Ahhhh! Pero syempre hindi ko muna iyon pinahalata.

"Shaine, ang sabi kasi ng doktor, kayo lang ang naalala ko. Siguro baka wala ng chance na maalala ko pa siya. I'm sorry."

×××××

Drake's POV

Sobrang sakit. Nang marinig ko ang mga salitang iyon parang unti-unting binibiyak ang puso ko. Paano kapag may mahanap ng iba si Jillian na mas hihigit pa sa akin? Paano kapag may iba ng magpapaligaya sa kanya? Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jillian dahil nagsalita na din ako.

"Jill, my princess. I understand. Kung hindi mo ako matatandaan, tutulungan kita. Hanggang sa maalala mo na ako. Hindi kita susukuan kasi ayaw kong mawala ka sa akin dahil mahal na mahal kita Jill. Pinag-ipunan ko talaga ang pagpunta dito at nagbabaka-sakaling makita pa kita. At eto nga, nakita na kita kaso hindi mo naman pala ako kilala. So, it means back to friends na naman tayo. Tutulungan kita hanggang sa huli sana wag mo din akong sukuan. Please, hindi ko talaga kaya ng wala ka. Hayaan mo akong maging kaibigan mo, aalagaan kita. I love you." Tears. Nag-uunahan na naman sa pag-agos ang mga luhang 'to.

Aalis na sana ako kaso napahinto ako sa sinabi niya. Hindi ako lumingon pero pinakinggan ko siya ng nakatalikod.

"Salamat at naiintindihan mo ako. Thank You at hinding hindi mo ako susukuan. I'll promise na hinding hindi din kita susukuan hanggang sa makaalala na ako. Sige pumapayag na akong maging kaibigan ka. :)" umiyak na siya ng tuluyan at syempre bilang isang gentleman ay hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo nung magkayakap kami. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao lang ang nandito. I feel comfortable. I REALLY LOVE THIS GIRL.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungan sa amin si Adriel. Napatingin siya sa kamay naming nakaholding-hands at nagtanong, "Kayo na?.... Ulit?"





Till The End (Friends Or Lovers Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon