Shaine's POV
Hala! Ano nangyari kay Jillian? Did we do something wrong?
"GUYS!" sigaw ni Claire. Ano ba naman 'to, ang lapit lapit lang namin sa isa't isa e kung makasigaw wagas.
"What?" ako na lang ang sumagot. Kesa naman 'tong si Cassandra na napakabusy dahil katext na naman niya si Thomas. Sweet din ni Thomas noh? Mahal kaya ng load kapag ibang bansa ang itetext mo.
"Naiisip niyo ba naiisip ko about sa nangyari kay Jillian?" tanong niya. Teka, parang wala naman ah. Baliw talaga 'tong Claire na 'to.
"Hindi." bored na sagot ni Cassandra. Aba, nakikinig pa pala 'tong babaitang 'to.
"Diba si Jillian na kilala natin ay nagkaamnesia, right? And nasabi ni Tita sa atin na maski daw tayo ay nakalimutan niya. So it means, nung binanggit natin ang mga pangalan natin ay unti-unting sumasakit ang ulo niya. HINDI KAYA NAALALA NA NIYA TAYO?!" Claire explained. May point siya sa sinabi niya huh. Nagkatinginan kaming tatlo and we all shouted, "OMG!"
"Guys! Wala daw ang prof. Since, 11:30 naman na pwede na daw kayong umuwi." sabi nung kaklase kong lalaki.
Habang nag-aayos kami ng gamit ay nag-ring bigla ang cellphone ko.
"Hello!!" masigla kong bungad sa tumawag na si Jake.
"Kamusta ka na babe? Miss na kita. San na ba kayo? Hatid na kita pauwi." sabi niya sa kabilang linya.
"Ahh, nandito pa kami sa classroom. Wag na babe, kasi may dadaanan pa kaming tatlo e. Remember? Hinahanap namin si Jillian."
"Ahh oo nga pala Babe. Sige una na kami nina Elijah sa dorm ah. See you! Loveyou"
"Sige. Uwi na din naman na kami after. Ingat ka babe, loveyoutoo. Bye" and I ended the call.
One year na magmula ng mangyari ang trahedya. At, one year na din kaming in a relationship ni Jake. Ganun din kila Cassandra at Thomas at kila Elijah at Claire. Sabay sabay din kaming nagcecelebrate ng anniversaries. Hahaha. Cool.
"Guys, let's go?" Tanong sa amin ni Cassandra na nakaabang na sa pintuan.
Lumabas na kami ni Claire at dumiretso na kami sa clinic para tignan si Jillian kung okay na siya.
***
-CLINIC-
"Nurse, si Jillian Cruz po?" sumunod kami sa kanya at nakita namin si Jillian na nakahiga sa isa sa mga beds.
"Thankyou." tugon ko.
~~~
Jillian's POV
Nag-uusap pa muna kami ni Adriel dito sa clinic bago niya ako ihatid sa bahay namin.
"Jill, may naaalala ka na ba?" Adriel asked. Anong ibig niyang sabihin?
"Sa totoo lang, talagang namumukhaan ko silang tatlo. Sa pagkakaalam ko, nameet ko na sila years ago. Familiar silang tatlo sa akin kaya hindi na ako nahiya makipagkaibigan sa kanila."
"Jillian," napalingon ako sa curtain ng room at binuksan naman iyon ni Adriel.
Bakit sila nandito? Narinig kaya nila ang usapan namin ni Adriel? Sana naman hindi. Hindi pa naman kasi ako sigurado sa naiisip kong sila nga ang tatlong babaeng tinutukoy ni Mommy na kasama sa mga nakalimutan ko.
"How are you? We're very sorry. Huhuhu." pag-apologize ni Cassandra. At um-acting pa na umiiyak.
"Ayos lang ako noh. Don't worry. Uuwi na din ako mamaya."
"Sure ka?" Claire asked. Tinanguan ko siya.
"Sige, kung ganon. Mauuna na kami ah. Pahinga ka na. Bye." pamamaalam ni Shaine.
"Sige. Ako naman ang maghahatid sa kanya, so it means safe siyang makakauwi. Hahaha." nakuha pang magbiro neto e noh.
Lumabas na silang tatlo at tumingin ako kay Adriel.
"Drake, nasa classroom pa ang bag ko. Pwedeng pakuha? Pagbalik mo dito, uwi na tayo."
"Sure. No problem." tsaka siya lumabas ng clinic. Inaantay ko siya ng magvibrate ang phone ko. Nasa bulsa ko pala ang phone ko.
From: Drake
Hey Princess. I really missed you. Susundan kita diyan sa Canada kapag nakapag-ipon na ako. Nalugi ang company namin at walang wala talaga kami. Pupuntahan kita Jillian, princess. I love you.
Huh? Ano ba 'tong sinesend sa akin ni Drake? Eh, diba pinakuha ko lang siya ng bag ko sa classroom. Tapos sasabihin niyang susundan daw niya ako dito. What the heck is happening to him?
"Tara na?" tumango ako bilang pagsang-ayon. Habang nasa kotse kami, kinausap ko siya about sa tinext niya kanina.
"Adriel, bakit ka nagtext ng ganun?"
"Huh? Hindi naman kita minessage e. Naiwan ko pa nga ang phone ko sa gilid ng kama mo sa may table."
"What? But, wait take a look at this." at hinarap ko sa kanya ang screen.
Sasagot pa sana siya kaso huminto ang kotse at nasa harap na pala kami ng bahay ko.
"Sige, pag usapan na lang natin yan mamaya. Bye. Ingat sa pagdrive." at lumabas ako ng kotse at pumasok na sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/62592404-288-k75874.jpg)
BINABASA MO ANG
Till The End (Friends Or Lovers Part 2)
Novela JuvenilNagkaamnesia na naman si Jillian. Paano na lang silang magkakaibigan? May pag-asa pa kayang maalala lahat ni Jillian kasama na doon ang taong pinakamamahal niya? Paano kung hindi na? Paano kung mawalan na ng pag-asa si Jillian na maibalik ang mga al...