Chapter 2
"Marcus!" tawag ni Dex at lumingon naman ito. Nasa locker room sila at nag-re-ready na para sa practice.
"Ang aga mo ah?" sabi ni Dex.
"Oo, na-dismissed kasi kame agad." sagot ni Marcus. Sa totoo lang ay kaninang umaga pa sya hindi mapakali at talagang binilisan nya ang pagtatapos ng short quiz nila para makalabas sya agad ng klase. Hindi nya talaga maintindihan yung excitement na nararamdaman nya simula pa kagabi at parang hindi na sya makapag hintay na makita ulit si Annika.
Ganado sya buong oras ng practice game nila at panaka nakang tumitingin sa may entrance ng gym kung dumating na ba ang hinihintay nya pero natapos nalang sila maglaro ay walang Annika na dumating. Bigla syang nawala sa mood kaya mabilis syang nag-shower at nagbihis agad saka lumabas ng gym. Hindi na rin sya sumama sa lakad ng barkada nya. Wala rin syang gana na batiin lahat ng taong bumabati sa kanya sa daan. Bukod kasi sa ace player sya ng basketball team ng school ay isa rin syang Figueroa, apo sya ng may-ari ng eskwelahan kung saan sya pumapasok kaya mas lalo syang nakilala ng mga tao lalo na ng mga babae sa school. Malapit na sya sa parking lot ng may marinig syang may tumatawag sa pangalan nya. Paglingon nya ay nakita nya si Annika na humahangos palapit sa kanya. Pag tigil nito sa harap nya ay bumawi muna ito ng paghinga bago nagsalita.
"Mr. Quintana, pasensya ka na po na-late ako sa usapan natin. Hindi kasi po ako nakalabas agad ng classroom, sorry po talaga." hinging paumanhin nito saka inilahad ang hawak na paper bag.
"Eto na nga po pala yung pinahiram mo na jacket kahapon, maraming salamat." pero nanatiling nakatingin lang sa kanya si Marcus at walang sinasabi.
"Ahm.. galit po ba kayo? pasen---"
"Stop using po when you're talking to me Miss Mallari." masungit na sabi ni Marcus. Napayuko naman si Annika.
"S-Sorry."
"Do you still have class today?" napatingin naman agad si Annika dito.
"Wala na po.. I mean wala na." maagap na sagot nito.
"Good. Get in." saka pinatunog ang kotse at binuksan ang pinto para pasakayin si Annika.
"Ah..teka.."
"Kung gusto mo talagang tanggapin ko ang sorry mo, sasamahan mo ako kumain sa labas." nagaatubili man si Annika pero sumakay na rin ito sa kotse ni Marcus dahil naman dun ay hindi napigilan ng binata ang mapangiti pagkasara ng pinto saka ito umikot para makasakay na rin. Dinala ni Marcus si Annika sa paborito nyang cafe. Tahimik lang ang dalaga mula sa byahe hanggang sa makarating sila sa cafe.
"Annika." tawag ni Marcus habang naghihintay sila ng inorder nilang pagkain. Tumingin naman sa kanya ang dalaga.
"Relax, hindi naman ako nangangain." nakangiting sabi ni Marcus.
"Sorry ulit Mr. Quintana."
"Please call me Marcus, saka huwag mo ng isipin yun. Apology accepted since pumayag ka ng samahan ako kumain dito."
"T-Thank you, Marcus."
"I like it when you're calling my name." sabi nito ng hindi inaalis ang tingin sa dalaga kanina pa. Namula naman agad si Annika at umiwas ng tingin. Natawa si Marcus.
"And I love it when you're blushing." mas lalong nahiya tuloy si Annika at hindi alam ang sasabihin. Buti na lang at dumating na ang order nilang pagkain. Hindi pa rin inaalis ni Marcus ang tingin nya sa dalaga habang kumakain sila kaya naiilang si Annika sa pagkain.
"Marcus, okay lang ba kung aalis din ako agad? may part time job pa kasi ako ngayon baka ma-late ako."
"Working student ka pala?" manghang sabi ni Marcus, tumango naman si Annika.
"Wow. Bukod pala sa pagiging scholar ay working student ka pa. Buti nakakaya mong i-manage ang oras mo?"
"Ayos lang, sanay na. P-Paano mo nga pala nalaman na scholar ako?" napakamot sa batok si Marcus.
"Naitanong ko lang sa mga classmate mo." pagsisinungaling nito dahil ang totoo ay pinahanap nya si Annika sa registrar office, perks of being the son of the school owner. Mabilis naman nya nahanap ang record nito dahil alam nya ang buong pangalan ni Annika at kung anong course nito dahil nakita nya sa suot na ID nito nung tinulungan nya ito sa mga dalang gamit.
"Ganun ba." tipid na sagot ni Annika at saka kumain ulit. Hindi pa man nauubos ang pagkain nila ay nagpaalam na si Annika na aalis na.
"Ihahatid na kita sa trabaho mo."
"Naku! Huwag na po!" kinunutan naman ng noo ni Marcus ito.
"I mean, huwag na Marcus. Mag-ji-jeep na lang ako." Tumayo na rin si Marcus.
"I insist para na rin alam kong safe ka na nakarating sa work mo. Let's go." at wala ng nagawa si Annika ng hawakan ng binata ang kamay nya at igiya na sya palabas ng cafe patungo sa nakaparadang kotse nito. Pinagbuksan nya ulit ito ng pinto bago sumakay. Tahimik ulit si Annika buong byahe hanggang sa makarating sa pinag-ta-trabahuan nitong fast food store.
"Thank you ulit." nahihiyang sabi ni Annika bago bumaba ng kotse.
"You're welcome." nakangiting sagot nito.
"S-Sige, bababa na ako."
"Annika, wait." napatigil naman ang dalaga.
"Can I have your number?" hindi naman alam ni Annika kung ano ang kanyang isasagot, nagulat ito sa tanong ni Marcus.
"Kasi.. hindi ko kabisado yung number ko saka naiwan ko sa bahay yung cellphone ko."
"Then you can have my number instead." saka binigay ang isang papel na may nakasulat na number nya. Inabot ito ni Annika.
"Okay."
"Text me. I'll wait for it." tumango lang si Annika saka binuksan ang pinto.
"Take care."
"Ikaw din." sagot ni Annika saka lumabas ng kotse.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
A/N: Sorry. I know this one's kinda lame. I'm really sorry because I can't really find my mood to write. =( I'm so stressed. Please bear with me. Thank you.
BINABASA MO ANG
What he wants, He gets.
General FictionMahal ko sya... At handa kong gawin ang lahat para sa kanya... Pero mali ba na gawin ko ang lahat dahil mahal ko sya? Nagmahal lang naman ako... Pero bakit nasasaktan ako ngayon? (Marcus Quintana's Story) REMINDER: FOR OPEN MINDED ONLY. SOME SCENES...