Chapter 18
Hindi kinikibo ni Annika si Marcus simula ng magising ito kinabukasan at ihatid sya nito sa bahay nila. Hindi lubos maisip ni Annika na magagawa ni Marcus na galawin sya ng labag sa loob nya. He made her drink an aphrodisiac and do her unconciously.
Buong akala nya panaginip lang ang lahat pero ng makita nya ang bakas ng dugo sa kama na tinulugan nya ay bigla na lang pumatak ang luha nya. Marcus apologized and explained why he did it. He said that he was just afraid that someone might steal her from him when he graduates.
For a week, pinilit ni Annika na iwasan si Marcus pero laking gulat na lang nya ng biglang nasa harap na ito ng pinto ng bahay nila. Hindi alam ni Annika ang gagawin, she's not yet ready to talk to him.
"Marcus, umalis ka na please." pakiusap nito sa nobyo.
"Mag-usap tayo Annika. Huwag mo naman akong iwasan." Marcus doesn't seem to be going away, so she opened the door to push him and let her be.
"Utang na loob Marcus, baka makita ka nila Lola."
"Talk to me first, please sweetheart." and holds her hand. Pilit naman na winaksi ito ni Annika.
"Bitawan mo---"
"Please sweetheart, let's talk. I promise after natin mag-usap aalis na ako." he said.
"H-Hindi pa ako handa na kausapin ka." mahinang sagot nito. Sadness was showing in his face.
"It's been a week, sweetheart. Hindi ko na kayang hindi ka makita o makausap. Mag-usap tayo...ayusin natin ito. Please Annika." and tries to hug her but she pushed him immediately.
"Ano pa bang dapat ayusin? sinira mo na yung tiwala ko sa iyo!" sigaw ni Annika sa nobyo. Hindi na nya nagawa pang pigilin ang emosyon nya. Kahit si Marcus ay nagulat sa pagsigaw nito sa kanya. Napansin nilang may ilan ng nakakapansin sa kanila kaya agad nyang pinapasok sa loob ng bahay si Marcus.
"Ano pa bang dapat natin pagusapan? Marcus---"
"I love you...mahal na mahal kita Annika." saka nito kinulong sa mga bisig ang dalaga. He hugs her tightly, afraid of letting her go. Pilit naman kumakawala ang dalaga.
"Mahal kita..sobrang mahal na mahal. Nagawa ko lang yun kasi mahal kita." nagmamakaawang sabi ni Marcus at nagsimula naman tumulo ang mga luha ni Annika.
"Mahal mo pa rin naman ako di ba?" he cups her face and looks at her intently.
"di ba? please, sabihin mong mahal mo pa rin ako?" tumulo ang isang luha ni Marcus sa kanyang kanang mata.
"Annika..." pagmamakaawa nito.
"Sinira mo ang tiwala na binigay ko sa'yo. Ginamit mo ko!" galit na sabi nito saka pinaghahampas sa dibdib ang nobyo. Tinanggap naman nito ang lahat ng hampas ng dalaga.
"Hindi kita ginamit..ginawa ko lang yun kasi mahal kita. Believe me, please." umiling ang dalaga.
"Tangina. Pagmamahal ba iyon? ginamit mo ko..may nangyari sa atin ng walang pahintulot ko!"
"Pananagutan kita..believe me when I say, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Handa akong panagutan ang nangyari sa atin para lang malaman mo kung gaano ako kaseryoso sa iyo. I'm just afraid to lose you, sweetheart. Please forgive me."
"Hindi ganun kadali yun Marcus..sinabi ko na sa iyo di ba? marami pa akong pangarap sa buhay. Paano na lang kung mabuntis ako?!"
"Then---" Nagulat na lang silang dalawa ng bumukas ang pinto at nakatayo na dun ang lolo at lola ni Annika.
"Buntis ka, Annika?" tanong ng lolo nito.
"Lo---"
"Malandi kang bata ka! wala ka talagang kinaibahan sa nanay mo!" saka sinampal si Annika sa pisngi ng lola nya. Agad naman umawat si Marcus.
" 'la, please 'wag nyo pong saktan si Annika. Ako po ang nobyo nya, papanagutan ko po sya." seryosong sabi nito habang nasa likod nya si Annika na iyak ng iyak.
"Papuntahin mo ang mga magulang mo dito ngayon din." sabi ng lola ni Annika na halos di makahinga sa sobrang galit sa apo.
Hindi pa matigil ang pag-iyak at pagaalala ni Annika sa naging reaksyon ng lolo lalo na ng lola nya sa nalaman ng mga ito.
"Wala kang utang na loob. Pinakain kita, inalagaan, pinag-aral tapos ito? ganito ang igaganti mo sa amin ng lolo mo?!" masama ang loob na sabi ni Isidora sa apo.
"Huminahon ka Isidora, tignan mo at nahihirapan ka na nga huminga." sabi naman ni Wilfredo.
"Simula sa kanyang ina puro na lang sama ng loob ang binibigay sa atin. Ano bang mahirap sa pagpapakatino? bakit nagmamadali kayo laging mag-asawa at di muna tapusin ang pag-aaral?" lalong naiyak si Annika ng makita nyang tumulo ang mga luha ng kanyang lola.
"Nagkulang ba kami ng mga pangaral at pagmamahal sa inyong mag-ina? ginawa na namin ang lahat mabuhay lang kayo ng maayos..halos magkakuba kuba na kami sa pagtatrabaho pero heto. Ganito pa rin ang isusukli nyo sa amin." hinanakit na sabi nito.
"Patawarin mo ako lola, lolo. Di ko po talaga sinasadya. Maniwala po kayo." at lumuhod ito sa harap ni Isidora.
"Wala kang pinagkaiba sa nanay mo! Suwail! Wala kang utang na loob!" hahampasin sana ito ulit pero humarang si Marcus. Lumuhod din ito sa harap ng lolo at lola ni Annika.
"I'm so sorry po. I-It was all my fault, 'la. Ako po talaga---"
"Marcus." pigil ni Annika.
"Kayo talagang mga kabataan. Di nyo kayang pigilan ang bugso ng inyong mga damdamin. Puro kayo pag-eeksperimento ng mga bagay-bagay kahit alam nyong hindi pa tamang panahon." pangaral naman ni Wilfredo.
"Tumayo na kayo dyan. Palagay ko'y malapit na ang iyong mga magulang na dumating." dagdag pa nito. Inalalayan ni Marcus si Annika sa pagtayo saka pinaupo sa tapat na upuan ng mga matanda. He gently wipes her tears and then holds her hand.
"Sorry po talaga, I know that you have a lot of plans for Annika. She does too. And I promised that even after marrying her, hindi po sya matitigil sa pag-aaral. She cares so much po sa family nyo. You might not believe me but I promised that I will take care of her at kasama na rin po kayo dun. I love her, I really do. So please, lolo..lola..sana mapatawad nyo po kami at sana ibigay nyo po yung blessing nyo sa amin." Marcus sincerely said.
To be continued...
Vote and comment, please. Thank you.
BINABASA MO ANG
What he wants, He gets.
General FictionMahal ko sya... At handa kong gawin ang lahat para sa kanya... Pero mali ba na gawin ko ang lahat dahil mahal ko sya? Nagmahal lang naman ako... Pero bakit nasasaktan ako ngayon? (Marcus Quintana's Story) REMINDER: FOR OPEN MINDED ONLY. SOME SCENES...