Chapter 23

4.5K 100 17
                                    

Chapter 23


"Ika, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lou kay Annika. Napansin nyang namumutla ito at parang mawawalan ng balanse kaya pina-upo na nya ito agad sa upuan.

"Oo, okay lang naman ako. Medyo nahihilo lang baka dahil sa hindi ako nakapag-almusal ng maayos kanina." sagot naman nito saka uminom ng tubig sa tumbler nyang hawak. Ilang araw na rin kasi syang walang gana kumain sa umaga at madalas din nya nararamdaman ang pagkahilo.

"Are you sure?" tumango naman si Annika.

"Gusto mo mag-early lunch tayo? andito naman sila Chino saka wala naman masyadong ginagawa ngayon dahil kakatapos lang ng project."

"Sige. Mabuti pa nga kumain na muna tayo, balik lang muna ako sa cubicle ko tapos punta na tayo sa cafeteria." sagot ni Annika.

"Okay. Ligpit ko lang din muna itong mga papeles." sabi ni Lou saka naman tumayo na si Annika at bumalik sa cubicle nya. They had lunch but Annika wasn't able to eat that much. Hindi rin nya maunawaan pero wala talaga syang gana kumain. Pinilit na lang nya ubusin ang in-order nyang pagkain at naisip na magpahinga na muna saglit.

But after an hour of resting, she still feels not well. Pakiramdam nya ay maduduwal sya kaya tumayo sya para pumunta ng comfort room pero bigla na lang sya nag-black out. Buti na lang at nakita sya ni Chino at nasalo sya agad. They immediately take her to their clinic saka agad sinabihan si Marcus. Nagising din naman agad si Annika after couple of minutes.

"How are you feeling, Annika?" tanong ng doctor sa kanya.

"Okay naman po, medyo masama lang po pakiramdam ko saka parang nasusuka ako kanina." sagot naman ni Annika.

"When was your last menstruation?" saka naman napaisip si Annika at napakunot noo.

"I'm not sure Doc, maybe 1 or 2 months ago?" saka nakaramdam ng kaba si Annika. The doctor hand her over the pregnancy test and asked her take the test. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Annika ng nasa loob na sya ng comfort room habang hawak ang PT.

She doesn't know what to think. Naguguluhan sya sa nangyayari at mas lalo rin syang kinakabahan dahil ngayon nya lang napagtanto na matagal na nung huli syang magka buwanang dalaw. She was so busy with her work na hindi na nya napansin pa ang monthly menstruation nya. She took the pregnancy test and waited for the result. It was not that long when the two red lines showed up.

The doctor told her that she's pregnant that's why she's feeling nauseous and wants to vomit. But she suggested for her to consult an OBGYNE to make sure. Halos hindi makapaniwala si Annika sa nangyayari at sa resulta ng hawak nyang pregnancy test. Sakto naman na dumating na si Marcus at agad nyang dinaluhan si Annika.

"Hey,sweetheart are you okay?" nagaalalang tanong ni Marcus. The doctor congratulated Marcus, nagtataka pa ito nung una pero naintindihan na rin nya kalaunan ng makita nya ang pregnancy test na hawak ni Annika. Sobrang tuwa ang naramdaman ni Marcus at niyakap ang asawa.

"We're pregnant! sweetheart. I'm so happy!" tuwang-tuwa na sabi ni Marcus habang walang imik si Annika. He kissed her lightly on the lips.

"Thank you, doc for the wonderful news." he said.

"You may take her home so she can get rest and then you can make an appointment to an OBGYNE for her check-up."

"Alright, doc. Salamat ulit." masayang sabi ni Marcus. Annika kept silent. Kahit ng nasa kotse na sila at pauwi na ay hindi ito umiimik. There was a lot in her head. She refused Marcus to eat in a restaurant to celebrate. Gusto na lang umuwi ni Annika ng makapag-isip.

What he wants, He gets.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon