Chapter 10

7.1K 153 8
                                    

Chapter 10

Vacant time ni Annika at sakto naman na oras ng basketball practice ni Marcus kaya pinili nya na lang na sa gym pumunta at mag-stay habang naghihintay ng susunod na klase. Ganadong-ganado maglaro si Marcus dahil alam nyang nanunuod sa kanya ang nobya.

"Nice one, 'pre!" sabay apir ni Dex kay Marcus ng maka-three points ulit ito.

"Mas ganado maglaro ngayon si Quintana ah! kanina pa pumupuntos." sabi pa ng isa nilang kasama sa team. Natatawa na lang si Marcus.

"Eh syempre nanunuod yung girlfriend nya e." dagdag naman ni Edgar.

"Ang daldal nyo. Tara na mag-practice na tayo." sagot naman ni Marcus sa mga kasama. Pagkatapos ng isang oras ay nagpahinga muna sila at dumiretso naman agad si Marcus sa kinauupuan ni Annika.

"15 minute break team!" sigaw ng coach nila.

"Okay Coach!" sagot ng lahat.

"Kayo Quintana, kelan mag-bi-break?" pang-aasar ng isa sa mga team mates nya.

"Ga*go! Hindi yun mangyayari." sagot naman nito na kinatawa naman ng lahat saka sila umupo sa kabilang bench.

"Pasensya na sweetheart, makukulit talaga yung mga teammates ko." sabi nito sa nobya. Naglabas naman ng bimpo si Annika mula a bag ni Marcus saka pinunasan ang pawis nito sa noo.

"Nagulat ako, marunong ka pala magmura." napatigil naman si Marcus at tumingin dito.

"Did I turn you off? I'm sorry for cussing in front of you, sweetheart." saka hinalikan ang palad ni Annika na may hawak na bimpo. She smiled at him.

"Ano ka ba, okay lang naman sa akin. Hindi naman ibig sabihin na pag nagmumura masama na tao na agad. Hindi lang siguro ako sanay na nagsasalita ka ng ganun." paliwanag nito.

"But still I'm sorry, pakiramdam ko kasi na-disappoint kita." Natawa naman si Annika sa itsura ng nobyo at hinampas ito ng mahina sa braso.

"Para kang sira, okay nga lang." he holds her hand.

"I-punish mo na lang ako kung gusto mo."

"Ayos nga lang ang kulit." nakangiting sabi ni Annika.

"Talaga?"

"Talagang talaga."

"Kiss mo nga ako." bahagyang nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng nobyo.

"Para kang sira."

"Isang cuss, isang halik." dagdag pa nito.

"Baliw! Tigilan mo nga ako dyan Marcus." Nangingiti naman ang binata.

"Why? I'm serious about my punishment."

"No need for a punishment, okay? Saka hindi naman mukhang punishment yun." she handed the bottle of water. Uminom muna si Marcus bago sumagot.

"Eh di i-ki-kiss na lang kita." pangungulit nito.

"H-Ha?" saka unti-unting nilalapit ni Marcus ang mukha sa dalaga.

"M-Marcus." saway nito sa nobyo. Sinubukang pigilan ni Annika ang nobyo sa pagtulak dito ng bahagya pero tuloy tuloy pa rin si Marcus. She just closed her eyes and then felt his lips on her forehead. Pagbukas ng mata ni Annika ay nakangiti si Marcus sa kanya.

"I love you." She blushed. Hindi talaga masanay-sanay si Annika sa pagiging sweet ng nobyo. Instead of answering, she just pinched his cheeks.

"Ang kulit mo talaga!"

"Aray! sweetheart." and let go of his cheeks. He held her hand again.

"Nasaan na yung I love you too ko?"

"Balik ka na dun, baka sabihin ng teammates mo kinakain ko yung oras mo."

"Hayaan mo sila. Breaktime pa naman." saka tinitigan lang ang nobya.

"B-Bakit?"

"I love you." She smiled at him . Saka naman nag-ring ang bell, ibig sabihin ay oras na ng susunod na klase ni Annika.

"Sige na, bumalik ka na dun. Next class ko na eh." paalam ni Annika pero ayaw bitawan ni Marcus ang kamay ng dalaga.

"Marcus, baka ma-late ako." paalala nito.

"You're ignoring me. Samantalang ako na-mi-miss kita lagi." seryosong sabi nito.

"Hindi ah! kung anu-anong iniisip mo." sagot naman ni Annika. Tahimik lang si Marcus.

"P-Pupunta na ako sa sunod kong klase." paalam ulit nito. He sighed and let go of her hand.

"Fine." sabi nito na nakasimangot at nakatingin na sa ibang direksyon. Inayos muna ni Annika ang gamit nya bago kinausap ulit ang nobyo. Tumayo ito sa harap ng ni Marcus.

"Aalis na ako."

"K." maikling sagot nito ng hindi tumitingin sa kanya. Nagtatampo talaga. Hindi naman mapigilan ni Annika ang mapangiti sa inaakto ng nobyo.

"Tumingin ka muna sa akin." sabi nito kay Marcus. Agad naman tumingin ito sa kanya. She cupped his face.

"I love you too Marcus Quintana at lagi din kitang na-mi-miss kaya huwag ka na magtampo." nakangiting sabi ni Annika.

"Wala..nagtampo na ako." then he pouted like a kid. Lalo naman napangiti si Annika.

"I love you, sweetheart." sabi ulit ng dalaga.

"Really?" She nodded.

"I love you too." sagot ni Marcus. Saka ito tumayo at binitbit ang mga gamit ni Annika.

"Coach, ihahatid ko lang si Annika sa next class nya." paalam ni Marcus. Inakbayan nito ang nobya saka naglakad palabas ng gymnasium at hinatid sa tapat ng classroom ng nobya.

"Okay na ako dito,bumalik ka na kila Coach, pakisabi thank you." sabi ni Annika.

"Sure."

"Thank you din sa paghatid."

"You're welcome sweetheart." and still holding her hand.

"Magpahinga ka ng konti bago ka pumunta sa next class mo." paalala ni Annika.

"Napagod nga ako paglakad ko hanggang dito e." biro ng binata.

"So--"

"Pero isang kiss lang okay na. Mawawala na yung pagod ko."

"Sira ka, ayoko. Ang daming tao." tanggi naman ni Annika at nakitang ang daming tao sa paligid, yung iba ay tingin ng tingin kay Marcus.

"Ano naman kung maraming tao? Kinakahiya mo ba ako,sweetheart?" kunwaring nagtatampo na sabi nito.

"Syempre hindi pero Marcus..."

"Please? isa lang. Promise." pangungulit nito.

"Mamaya na lang pagkatapos ng klase natin."

"Pero gusto ko ngayon na, sige na please?" Namumula na si Annika at hindi alam ang gagawin.

"Please?" sabi ni Marcus na hindi tumitigil. She sighed. Saka tumingkayad at hinalikan ng mabilis ang nobyo sa pisngi.

"Sige na, darating na si Mrs. Ramos." pagtataboy nito sa nobyo. Nakangiti naman si Marcus.

"You're so cute, Annika. But sweetheart I want it on the lips." saka mabilis na hinalikan sa labi si Annika at hindi na ito nakapalag pa.

"I love you. See you later." Wala naman masabi si Annika sa pagkabigla.

"Bye schoolmates! Ingatan nyo yung girlfriend ko ah." saka ito umalis. Tahimik naman si Annika na pumasok ng classroom na pulang-pula.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you!

A/N:

I missed this! 

What he wants, He gets.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon