Chapter 9
Nanlalamig ang mga kamay ni Annika habang nasa byahe sila ni Marcus. Sinundo ito ng binata galing sa trabaho at hindi na mawala ang kaba sa dibdib nya.
"Hey, sweetheart relax." and he holds her hand. She timidly smiled at him and tried to relax.
"Hindi ba pwedeng next time ko na lang ma-meet yung parents mo?" tumingin sa kanya saglit ang binata.
"Don't be scared. Hindi naman nangangain ang parents ko saka kasama mo ako, hindi kita papabayaan. Okay?" and he softly grips her hand.
"Okay." Na makarating sila sa bahay ng mga Quintana ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Annika. Sobrang laki ng bahay ng mga ito kumpara sa bahay nila ng lolo at lola nya. Ng makapasok sila sa loob ay sinalubong sila ng isang napakagandang babae kasama ang kasama ang isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Marcus.
"Hi Mom, Dad." bati ni Marcus sa parents nito.
"I want you to meet my girlfriend, Annika." pakilala ni Marcus. Ngumiti naman ang dalawa at nilapitan ni Scarlett si Annika at niyakap ito.
"Welcome to our home, Annika. Napakaganda mong bata, magaling talaga pumili itong anak ko." she said. Nahihiyang ngumiti si Annika dito.
"S-Salamat po."
"I hope hindi pinasasakit ni Marcus ang ulo mo hija." sabi naman ni Matthew.
"Dad!" saway ni Marcus. Natawa naman si Scarlett at Annika.
"Hindi naman po."
"Good. Just tell me if he do, tara na sa hapag at ng makakain na tayo." alok ni Matthew saka masuyong pinulupot ang braso sa bewang ng asawa at naglakad patungo ng dining area.
"Are you still scared, sweetheart?" tanong nito sa nobya. Umiling naman ito.
"I told you they'll like you. They're cool." she smiled at him and he kissed her forehead.
"Let's go." saka giniya ni Marcus ang girlfriend sa hapagkainan. Unti-unting nawala ang kaba ni Annika ng maka-kwentuhan na nya ang parents ni Marcus. Mas madaldal si Scarlett at madalas ay sumasasang-ayon lang si Marcus at hinahayaan na magkwento ang asawa. Hindi napigilan ni Annika ang matuwa at kiligin sa ka-sweet-an ng mag-asawa.
"Working student din ang dad ni Marcus nung college pa sya." sabi ni Scarlett, at matamis na tinignan ang asawa.
"Yeah, at mahirap maging working student kaya bilib ako sa'yo. Magsipag ka lang lagi at makaka-graduate ka rin." sabi ni Matthew.
"And she's a scholar too, like you dad. She's one of the top students in her class." pagyayabang ni Marcus sa magulang.
"Marcus." mahinang saway ni Annika sa nobyo.
"N-Naku, hindi naman po ako ganun kagaling saka kailangan ko po talaga magsipag sa pag-aaral para po sa scholarship ko." mahiyaing sagot ni Annika.
"My son is lucky to have you." sabi ni Matthew.
"Honey, magaling din naman yung anak natin. They both lucky to have each other...just like us." napatawa ng bahagya si Matthew.
"I know."
"But why are you laughing?"
"I'm not." he suppressed his smile.
"Hindi ka naman yata sang-ayon e." pagtatampo ni Scarlett.
"I'm 101% agreeing with you, 'hon." saka inakbayan ang asawa at hinalikan ito sa may sintido.
"I love you." sabi ni Scarlett sa asawa.
BINABASA MO ANG
What he wants, He gets.
Ficción GeneralMahal ko sya... At handa kong gawin ang lahat para sa kanya... Pero mali ba na gawin ko ang lahat dahil mahal ko sya? Nagmahal lang naman ako... Pero bakit nasasaktan ako ngayon? (Marcus Quintana's Story) REMINDER: FOR OPEN MINDED ONLY. SOME SCENES...