Chapter 26
A/N: Short update.
Marcus tried all his best to pull his self back together. Nagpursige sya lalo magtrabaho at pag weekend naman ay pumupunta sya ng Quezon para bisitahin si Annika. He tried his best to earn her trust again kahit di pa rin sya nito pinapansin at kinakausap. Masaya na sya sa improvement na nakikita nya ang asawa sa tuwing bumibisita sya at dinadalhan ng mga kailangan nito kahit di ito nagsasabi.
Tinatanggap naman ito ni Annika dahil na rin sa pangaral sa kanya ng kanyang lolo at lola. Sinabihan nila Lola Isidora si Annika na karapatan ng bata na makuha ang anuman binibigay ng ama nito at responsibilidad nilang mga magulang na siguruhin na hindi maapektuhan ang anak sa anuman gusot na meron silang mag-asawa. Hindi naman na nag matigas pa si Annika at sumunod sa lolo at lola nito, kaya nagagawa na rin ni Marcus na makita ang asawa kahit hindi pa rin sya nito kinakausap.
Tumutulong si Marcus sa bukid kahit ilang beses na itong sinaway ni Lola Isidora at sinabihan na magpahinga na lamang at ang asawa na lang ang intindihin. Marcus felt like it is one of the way to prove that he's very sorry for what he did. And it's his way to show that he is sincere.
Apparently, Annika also loves to go the farm. Gusto nitong laging magpahinga at magpahangin sa ilalim ng puno sa gitna ng bukirin nila habang nakikipaglaro o di kaya ay nakikipag-usap sa mga bata na anak ng ibang magsasaka doon. Habang nagmemeryenda ang mga magsasaka ay masayang pinapanuod ni Marcus ang asawa na inaasikaso ang mga bata at binibigyan din ng pagkain.
He can't help but think of their future child and how Annika will take care of them. His heart felt warm with the thought. Habang kumakain ay nabilaukan naman si Marcus at hindi nya inaasahan na dadaluhan agad sya ni Annika at bibigyan ng tubig.
"T-Thank you, sweetheart." at hindi nya maitago ang ngiti sa mukha. He didn't get a response from her but he's very glad to know that she still cares for him.
"Ano apo, bati na ba kayo ni Annika?" tanong ni Lolo Wilfredo kay Marcus. "Naku hindi pa rin ho 'Lo, pero pasasaan ba at magiging okay rin kami." sagot ni Marcus.
"Panigurado yan. Tignan mo nga at inabutan ka agad ng tubig ng mabilaukan ka...ibig sabihin eh ayaw pa rin nya talaga mabyuda." sabay tawa ni Lolo Wilfredo. Natawa na rin si Marcus.
"Nagtatampo na lang yan pero mahal ka pa rin nyang apo ko. Ipagpatuloy mo lang yan panunuyo mo."
"Opo 'Lo. Handa naman akong gawin ang lahat para maging okay na kami. Mahal na mahal ko po sila ni baby."
"Tama yan. Sabi nga nila sa kasabihan pag may tiyaga may nilaga." nakangiti na sabi ni Lolo Wilfredo.
"Ay Fredo, mga apo tayo na at umuwi at mukhang uulan na." pag-aya naman ni Lola Isidora.
"Sige po, 'La." sagot ni Marcus. Lumapit naman si Marcus sa lamesa kung nasaan si Annika.
"Ako na ang magliligpit, sweetheart. Sumabay ka na kila Lola at mukhang uulan na." sabi ni Marcus sa asawa.
Hindi naman sumagot si Annika pero sumunod naman ito sa sinasabi ni Marcus at sumunod na paglalakad. Nang makatapos si Marcus sa pagliligpit ay agad na sumunod ito kila Annika. Halos patakbo itong naglakad para maabutan si Annika at maalalayan ito. Namali ng hakbang si Annika at nalubog ang isang paa nitong sa putikan na muntikan na nitong ikatumba. Buti na lang ay maagap si Marcus at nasalo agad ang asawa.
"Sweetheart, careful." sabi ni Marcus na mabilis na nakaalalay sa asawa. Napayakap bigla si Annika sa asawa dahil sa muntikan nitong pagtumba habang ang dalawang paa naman ni Marcus ay nalubog na sa putikan. Annika felt her cheeks become red when her eyes met his.
"Are you okay?" masuyong tanong ni Marcus kay Annika. Tumango naman si Annika bilang sagot saka tuluyan kumawala sa bisig ng asawa.
"Hold on, I'll clean your foot." sabi nito kay Annika.
"O-Okay lang sa bahay na lang." sagot ni Annika pero di na nito napigilan ang asawa at hinugasan ang kaliwa nyang paa na nalubog sa putik gamit ang baon nilang tubig. Nang matapos si Marcus ay sabay na silang naglakad pauwi. Pagkarating nila ng bahay ay agad na nagpalit si Annika ng damit at tinulungan ang lola na magluto ng hapunan.
Si Marcus naman ay dumirecho ng banyo upang maligo. Nang tatawagin na ni Annika si Marcus para maghapunan ay naabutan nya ito na abala sa paglalagay ng menthol patch sa likod at mukhang hirap na hirap. Napalingon agad si Marcus sa gawi ni Annika ng maramdaman ang presensya nito.
"Yes, sweetheart?"
"Kumain na daw tayo ng hapunan sabi ni Lola."
"Sige, susunod ako tatapusin ko lang ito." sagot naman ni Marcus. Pero imbes na umalis na si Annika ay lumapit sya sa asawa.
"Akin na yan, tulungan na kita." hindi naman makapaniwal si Marcus at saka binigay ang patches sa asawa. Tinulungan sya nitong ilagay ang mga patches sa likod.
"Huwag ka na muna sumama kila Lolo bukas sa bukid." sabi ni Annika.
"Okay lang ako, sweetheart. Ipapahinga ko lang ito tapos bukas okay na ulit." sagot naman ni Marcus saka sinuot ang white shirt na dala.
"May pasok ka pa sa Lunes and you already have a back pain. You should take a rest."
"But--"
"Bahala ka." sabi ni Annika kay Marcus na hindi na pinatapos ang sasabihin ng asawa at saka tumalikod para lumabas ng kwarto. Hinabol naman sya agad ni Marcus.
"Okay. Promise, I'll take a rest tomorrow. Hindi na muna ako sasama sa bukid." sabi ni Marcus sa harap ni Annika. Annika just nodded. At mabilis naman na hinalikan ni Marcus ang asawa sa noo.
"I love you." masuyong sabi nito. Annika was taken aback with his gesture.
"Tara na kain na tayo." saka sila sabay na naglakad papunta sa hapag kainan.
To be continue...
BINABASA MO ANG
What he wants, He gets.
Ficção GeralMahal ko sya... At handa kong gawin ang lahat para sa kanya... Pero mali ba na gawin ko ang lahat dahil mahal ko sya? Nagmahal lang naman ako... Pero bakit nasasaktan ako ngayon? (Marcus Quintana's Story) REMINDER: FOR OPEN MINDED ONLY. SOME SCENES...