fall one: frustrations

17 1 0
                                    

"Shit."

Nakahiga ako sa kama with my laptop on my stomach. Kakatapos ko lang mag-memorize ng speech para sa oration namin kinabukasan pero parang gusto ko na yatang i-umpog ang ulo ko sa pader para magka-amnesia.

"Shit talaga."

Rinefresh ko 'yung page at naghintay ng ilang segundo pero ganu'n pa rin. 'Yun pa rin 'yung nakalagay.

Ahhh! Ang tanga naman kasi, Chill! Ang simple-simple lang ng kailangan mong gawin, 'di mo pa nagawa. Shit ka talaga!!

Wala akong nagawa kundi i-delete 'yung post bago gawin ang dapat kong ginawa kagabi. Argh! Kainis talaga 'tong katangahan ko.

Hindi naman siguro niya nakita, 'di ba? I mean, 'di naman siya araw-araw online. Tyaka seven hours pa lang naman mula nang ma-post ko 'yun. It's still early para mag-online siya. Tama Chill, isipin natin na hindi niya nakita post mo. Isipin lang natin na—

"Pero paano kung nakita niya?" I thought out loud, frustrated.

Napasabunot ako sa sarili ko. Naman kasi! Kung sanang inayos ko, edi hindi ako nagkakaproblema dito. Kaso hindi, e!

Why did I have to post the link to my blog as public? Ugh!

Balak ko lang naman i-post 'yun sa Facebook page ng Right-ers. Mga critics kasi sila and I wanted some advice sa mga reviews and stories na sariling gawa ko. Kaso 'yun nga! Tangang Chill strikes again!

Well, maybe, no one can really blame me. Two AM na nang makakuha ako ng courage to post it and I was groggy as heck kaya siguro 'di ko na alam anong pinaggagawa ko.

But still... I did a mistake. Sana naman hindi nga niya nakita 'yun. Or else...

With my eyes shut and my hand resting on my face, I sighed deeply. Sana talaga 'di nakita ng lalaking 'yun ang katangahan na ginawa ko. Tiyak na walang sawang pang-aasar ang aabutin ko du'n.

✖✖✖

Pagkapasok ko pa lang ng room the next morning, bumungad na sa akin ang ever-smiling face ni Yvonne. Hindi ko pa nga nakitang umiyak nang seryoso 'tong babaeng 'to, e. Laging 'pag tungkol lang sa mga series at movies na kinababaliwan niya.

Masayahin talaga si Yvonne. Palangiti. Pero parang may iba, e. I just can't point it out.

"Ba't ganyan ngiti mo?" tanong ko pagkatapos ilagay ang backpack sa armchair.

Nilabas ko 'yung lecture namin sa Chemistry. May test kasi kami at hindi ako maayos na nakapagreview sa tricycle kanina. May twenty minutes pa naman bago magstart ang klase.

"GC mo naman!" she commented before giving me that creepy smile again. "Tyaka ano ulit? Ba't ganito ngiti ko?"

"Ulit-ulit, Eve? Slow mo talaga."

"Bully ka na naman, Chill! E kasi naman! Ang saya kaya!"

Still with the creepy smile, I see. My God, ba't ko nga ba siya kaibigan?

"Ang alin?" I raised my right eyebrow, knowing how much she despises me when I do that.

As expected, she rolled her eyes at me. And then she was back with the creepy smile. Err. "Nag-online ako kahapon and guess what I saw?"

"Um... Umamin na sina favorite mong YouTubers?"

"Hindi 'no! Though that would be great..." she trailed off. Oh no, mapupunta na naman siya sa phan—este—fandom world.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon