fall fifteen: fun, firsts, and what ifs

6 0 0
                                    

Inabot ko ang medium sized na kahon sa ilalim ng kama ko. Pagkabukas ko nito, the memories came in waves. In painful waves.

Nu'ng malaman ko ang totoo, naisipan kong sunugin na lang lahat ng 'to. Pero 'di ko kinaya. The way na hindi ko kayang hindi mahulog nang pa-ulit-ulit-ulit kay Bryant.

Kinuha ko ang kalahati ng punit na food stub nu'ng orientation four years ago. That was the first time I saw him. Nakababa pa ang buhok niya noon tulad ng hairstyle ni Kuya Cliff. Nakikipagbiruan din siya sa mga lalaki sa likod niya. He looked like he didn't have a care in the world. I was only 13 years old that time but I knew Cupid had hit me.

I was more than ecstatic nang malaman kong kaklase ko siya. Lalo akong na-inspire na mag-aral. Instead of having him as a distraction, I made him my inspiration. Sobrang crush ko siya na nagagawa kong picture-an siya nang hindi niya alam. Pati pagsulat ng buo niyang pangalan sa likod ng notebook ko nagawa ko rin. Patunay du'n ang Assignment notebook ko nu'ng Grade 7 at 8 ako.

Napatawa ako nang makita ang isang plastic spoon. May date pa sa handle nito. Two years ago. A, 'yun siguro 'yung time na nag-McDo kami ng buong klase nu'ng lunch time ng fieldtrip namin. Wala naman akong dalang pera nu'n at nang malaman ni Bryant 'yun, nilibre niya ako. Nakakagulat nga dahil hindi naman kami ganu'n ka-close. Hindi ako parte ng barkada niya. Yes, we were friends lalo na't dalawang taon na rin kaming classmates nu'n but we weren't that close.

I kept so many things to remind me of the good times. Of the unbelievable moments. Maybe I wanted to hold on to the feeling the memory gave kaya nagtago ako ng mga bagay na pwede kong panghawakan at hawakan, physically.

Napabuntong hininga ako nang makita sa tabi ng mga tuyong roses ang ilang sticky notes. Nakuha ko ang mga 'to nu'ng araw na umamin siya.

Unang Biyernes namin bilang Grade 9. Bumaba kami ni Yvonne para mag-recess nu'ng araw na 'yun. Pagkabalik namin, may hawak na roses si Bryant. Nasa dulo siya ng classroom at bago ako makapunta sa kanya, may mga sticky notes na may lyrics ng mga paborito kong kanta. Nang makarating ako sa kanya, inabot niya sa akin ang mga rosas.

Reaching for the dried flowers, I closed my eyes and saw that day again.

"Um..." Teka, ano nga ba itatanong ko? Nawawala ako sa intensity ng tingin ni TH! "Ba't apat?" I blurted out. Okay, ang sarap sapakin ng sarili ko.

"Alam mo kasi, Aiscelle..." He's the only one who called me by my full name ever since. "Nacucute-an na ako sa'yo Grade 7 pa lang tayo." There was amusement in his eyes but I ignored it then. All I could think about was his confession. "Nahihiya ako sa'yo kaya 'di kita malapit-lapitan," he then looked at his friends na inakala kong para lang makakuha siya ng lakas ng loob. But I was wrong. So damn wrong. "Pero ngayon... apat na roses para sa apat na salita," he paused bago tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Can I court you?"

"Ha?" I asked then. Dumbfounded was an understatement.

"Can I court you, Aisce?" he grinned. Napangiti na rin ako at um-oo.

I was 15 that time kaya naman madali niya lang akong napaniwala na totoo siya. Na lahat ng "I love you" niya totoo. Pero letse, niloko lang pala ako ng walang hiya.

Malapit na ako sa table namin nang marinig ko siyang magsalita. May kausap pala siya sa phone at sa pangalang sinabi niya, napag-alaman kong kabarkada niya 'to. I remained standing a few steps behind him.

"'Wag ka par, mahal na mahal ko 'yun."

Apat na buwan na niya akong nililigawan at inaya niya ako kanina na kumain sa bagong bukas na cafè. Cards out kasi nu'ng isang araw at nasama kami sa Top 10 so gusto niya raw mag-celebrate.

Mukhang may sinabi ang nasa kabilang linya na nagpatawa sa kanya. Kinilig naman ako sa sinagot niya pero du'n ko napansin na may something sa tono niya... "Mahal na mahal." It sounded... sarcastic. Pinagkibit ko na lang at baka imagination ko lang. "Saka na. I'm still having fun... Oo, bye."

With that, lumapit na ako at nginitian siya bago umupo. A naïve girl I was. I ignored all the signs. I focused on the moment. I focused on his words, not knowing they were lies.

"Pinag..." I blinked back tears as their conversation kept replaying in my head. Lumunok ako para makapagsalita nang malinaw, "Pinaglaruan niyo lang ako?"

Tahimik niya lang akong tinitignan. I was trying to catch my breath. Hindi ako makapaniwalang laro lang ang lahat ng 'to. Kung hindi pa namin narinig ni Yvonne si Bryant at ang mga kabarkada niyang isang taon na mas matanda sa amin ay baka nanatili akong bulag sa kagaguhan niya.

"Bakit, Bryant?" I couldn't stop myself from shouting, "ANO BANG GINAWA KO SA'YO?!"

He looked away from my tear-stained face. Kami lang dalawa ang nasa garden malapit sa College of Business Administration. Ilang oras pa lang nang malaman ko na kasinungalingan lang pala na mahal niya ako.

"Masaya, e," tinignan na niya ako at nagawa niya pang magkibit-balikat.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Renso kanina. Kung paano nila nalaman na gusto ko si Bryant. Isa sa mga kabarkada nila ang nakakita ng flash drive ko na nawala ko nu'ng first day namin. May isang folder du'n na "BryDeGuzman❤" ang pangalan. Nandu'n na 'yun since Grade 7 pa lang. Pinakialaman nila at nakita ang notes ko na parang entry sa isang diary at pictures ni Bryant. That's when they—he—knew that I liked him Grade 7 pa lang. Hindi ko naman kasi naisip na may ibang makakakita nu'n. Not even Yvonne read that!

"Masaya? Masaya bang makita akong masaktan?"

Nakangisi pa rin siya na lalong nagpainis sa akin. Mukhang nasiyahan nga siyang saktan ako, a.

Humakbang ako palapit. Akala ko iiwas siya pero hindi. He even leaned closer na ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa akin, "Why so mad, baby?"

Close ako sa mga pinsan ko at tinuruan nila ako na huwag na huwag magpapaapi. Kaya nga walang nambully sa akin nu'ng elementary ako. At ngayong galit na galit ako sa kaalamang niloko lang ako ng lalaking mahal ko nang matagal na panahon, I never wanted anything more than to swipe the grin off his (handsome) face.

So, I did. I slapped him, hard. Tipong namula ang pisngi niya. At kahit nasaktan rin ako, worth it ang gulat at pagngiwi niya sa ginawa ko.

"I hate you, Bryant de Guzman. I fucking hate you."

It was the first time I said that word. It was the first time I hated someone so much. It was the first time I was hurt. But I told myself that time that these firsts will be the last.

Kaso hindi. He said sorry last night, yes. Pero masakit pa rin talaga. Ang hirap-hirap na kalimutan na lang lahat ng sakit. Ang arte siguro but tell me, the person who you thought loved you back turned out to be a liar... hindi ka ba masasaktan at mahihirapang paniwalaan ulit siya?

God, I'm still in love with him. I still am. Pero ang hirap lang talagang mag-risk ulit. Paano kung laro na naman 'to? Paano kung nacha-challenge lang siya? Paano kung gusto niya lang ulit maloko ako? Paano, paano, paano?

Pero... Paano rin kung mapapatunayan niyang totoo na ang mga sinasabi niya?

I traced the outline of the feather charm and sighed.

Shit, gulong-gulo na ako.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon