fall fourteen: fight or flight

7 0 0
                                    

"Pagpalain ka, anak." Buong lugod kong binalik ang ngiti ng matandang babae pagkatapos ko ibigay 'yung styro. Huling styro na rin 'yun at sakto naman dahil papalubog na ang araw.

"Last na 'yun, 'no, Kuya?" tanong ko kay Kuya Chimp. Umiling siya at ipinakita ang isa pang box ng cake.

Luminga ako sa paligid at nakitang bukas na ang park na nasa may likuran ng simbahan. Kaya namang lakarin kaya kinuha ko na kay Kuya 'yung box.

"Ako na bahala," ngisi ko.

"Gamitin na natin 'tong van." Pinaikot pa ni Kuya Chaeus ang susi sa hintuturo niya.

"Sayang gas," sagot ko. "Balik din ako kaagad." Nagsimula na akong maglakad.

"Samahan na kita!" Hindi ko na liningon ang nagsalita. Alam ko namang si Bryant 'yun, e. Sino pa ba? Tss...

"Mga bata!" Tumigil sa paghahabulan ang mga batang nakita ko kanina para lumapit sa amin. "Gusto niyo ba ng cake?"

"Opo! Opo!"

Pinatong ko 'yung kahon sa malapit na mesa at pinaalalahanan sila, "Hati-hati kayo, a?"

Tumango sila kaya hinayaan ko na silang buksan 'yung cake. Napangiti ako nang makita silang masayang kumakain. I feel more blessed and fulfilled helping other people.

It was unusually quiet kaya nilingon ko ang tanging nagpapagulo sa buhay ko. Nagtama ang mga mata namin dahil nakatingin na pala siya sa akin. Akala ko iiwas siya ngunit ngumisi lang siya lalo. Sh...

Aayain ko na sana siyang bumalik kina Kuya Chimp nang mag-ring ang phone ko. Inabot ko ito at nagtaka sa tumatawag.

Kuya Chaeus calling...

"O, Kuya?"

"Chip! May pinabibili lang sina Dad. Balikan na lang namin kayo."

"Ha?" Nilingon ko si Bryant na nakatingin lang din sa akin. "Hintayin niyo na kami, tapos na rin naman—"

"We already left, Chip." Ilang segundo akong natahimik sa sinabi ni Kuya Chaeus. They what?! "Sorry, Chip. Nagpapasundo rin kasi si Meg. We'll be back, okay?"

I let out a sigh, "Fine. Ingat kayo, Kuya."

"Sasabihan rin sana kitang mag-ingat but I'm sure hindi ka papabayaan ni Bryant."

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad nagprotesta, "WHAT? KUYA ANONG—"

"Bye, Chip! Love you!!" Hayop, nagawa akong babaan ng halimaw.

"Umalis sila?" Tumingin ako sa lalaking kasama ko at napataas ng kilay.

"May alam ka dito 'no?"

He raised his hands defensively, "Wala, Chill! Pero kung gusto mo, ihatid na kita."

"'Wag na. Hintayin na lang natin sila."

"Um, okay." Bakit parang... ninenerbyos 'to?

Nagkibit-balikat na lang ako at nanahimik. Ilang minuto rin siguro kaming tahimik lang na nakatayo hanggang sa tawagin niya ko.

"Chill."

"Problema mo?" Kainis naman kasi sina Kuya Chaeus. Akala ko ba ayaw nu'n kay Bryant? Bigla-bigla, pinagkanulo ako. Just what did they talk about?

"Kung pwede sana... Pwede ba tayong mag-usap?" Nilingon ko siya at napabuntong hininga. Gusto ko pero... "Please, Chill?" Ugh, bahala na nga.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon