fall two: f-

17 0 0
                                    

For the hundredth time, I groaned habang paulit-ulit kong inuuntog ang noo ko sa table. "Letseee, Yvonne." I complained.

"Huy! Tigilan mo nga 'yan." Tumigil ako sa pag-untog pero nanatiling nakapatong ang noo ko sa table. "Ewan ko ba anong problema mo. Nagso-sorry na rin naman 'yung tao. Mukha namang sincere base sa kinekwento mo. Tyaka tinanggap mo na rin 'yung binigay niyang pagkain—"

"Baka masayang kung iiwanan ko," depensa ko.

"If you say so. Pero 'yun nga, bakit galit na galit ka pa rin sa kanya?"

"Ewan ko," sagot ko na pinapahaba 'yung 'o' ng 'ko'.

"Alam mo 'yan, Chill. In denial ka lang."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa handwriting niya. "Nahuhulog na naman ako," bulong ko.

"You never stopped falling for him in the first place," sagot niya sa bored na tono. Nakatingin lang rin siya sa cover ng librong kahihiram ko lang dito sa High School Library.

I stared at her. "Shit, Eve. English 'yun."

Natatawa siyang umiling sa akin. "Huwag mo ngang ibahin 'yung usapan. Ang topic dito ay 'yang feelings mo kay TH na hindi naman nawala kahit gaano pa siya ka-gag you." Hindi talaga nagmumura 'tong si best friend. Buti pa siya matino.

Joke. Kahit naman pala-mura ang isang tao, hindi ibig sabihin masamang tao na siya.

Slight lang.

"Ang akin lang kasi, bigla siyang bumait nang ganyan. Pa-fall masyado ang pucha." Sinamaan ako ng tingin ni Yvonne pero 'di ko siya pinansin. Ayaw niya ko nagsasabi ng ganu'ng word, e. Oh well.

"Baka nagsisisi na nga kasi."

"Ows? Baka kinakaibigan niya lang ako para maulit ang mga kaganapan ng nakaraang taon."

Her lower lip jutted out. "'Di naman siguro. I really think TH is sincere."

"Well, I don't. Kaya bahala siyang mangulit. Basta ako natuto na." I glanced at my wristwatch. "Tara na?" Tumango si Eve kaya nag-ayos na kami ng gamit. Sa bahay ko na lang tatapusin 'yung script.

✖✖✖

The week passed by and every single day ay sinusubukan akong kausapin ni Bryant. 'Yung mga may sense lang niyang tanong ang sinasagot ko. Minsan kasi magtatanong siya ng kung ano lang at kung bubuksan ko 'yung bibig ko, baka walang habas ko lang siyang mamura.

Tulad na lang ngayon.

"Anong ulam niyo kagabi, Chill?"

'Di ba?! 'Nak ng tinapa!! Ewan ko ba ba't ako na naman trip niya. Wala na siguro siyang ibang mapaglaruan. Tss. Bahala siya. Basta ako, alam ko na 'yang style niya.

"Chill? Yoohoo?" Shh, Chill. 'Wag natin siyang pansinin, okay?

Good thing tumigil din siya pagkatapos ng ilang beses niyang pagtawag sa pangalan ko. Nag-focus na lang ako sa pag-intindi ng Theory of Debit and Credit at hinayaan siyang tumayo at umalis sa line of vision ko.

Ngunit nasira ang inakala kong matagal na katahimikan sa isang iglap.

"UY, CHILL!"

Madalas, kapag may mahalaga akong ginagawa, gusto kong nag-iisa kasi tahimik. 'Yung walang mang-iistorbo. Pero letse, ang hilig talaga manira ng araw ng pesteng Bryant na 'to.

IKAW BA NAMAN GULATIN NIYA SA PAMAMAGITAN NG PAGHAWAK NIYA SA MGA BALIKAT MO SABAY SIGAW PA NANG MALAKAS, SINONG HINDI MABABADTRIP?!

"F—" Sa gulat, muntik ko nang masabi 'yung mura na ayaw na ayaw kong naririnig o nasasabi. Nakahawak pa rin siya sa balikat ko at nang lingunin ko siya ay abot hanggang tenga ang ngisi niya.

Marahas akong tumayo at humalukipkip sa harap niya. "Ano ba?! Bakit hindi ka na lang mag-review imbes na guluhin ako?" Halos pagbu-burst out ko. Oo, halos lang dahil kung magtutuloy ako sa pagsabog baka makasuhan ako ng animal abuse. No, thanks.

Akala ko isang sorry ang maririnig ko mula sa kanya. Pero ang ngising kaninang nawala ay bumalik sa kanyang mukha. Kung bakit, hindi ko alam.

Nagsukatan lang kami ng tingin for some seconds. Sigurado akong nanlilisik ang mga mata ko sa kanya, but he was only grinning stupidly at me. Ilang segundo pa ang lumipas nang umiwas na ako ng tingin at tumalikod sa kanya. If I looked at his eyes even just a little longer, I might forget how to breathe.

Shit na 'yan. Lakas ng epekto ng hinayupak na 'to sa akin. Tss.

Lumabas na lang ako ng room na hawak-hawak ang reviewer sa isang kamay. Sa may stairs na lang ako magre-review.

Pero kalalabas ko lang sa back door, humarang naman sa harap ko ang letseng 'to.

Hindi ko man ganu'n kakaya, tinignan ko siya. Ang mga mata niya ay nakatutok rin sa akin at ang mapula-pula niyang labi ay nakakurba paitaas.

Damn, ang gwapo niya.

Shit!! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Tabi." I said, as cold as possible. Pero hindi siya natinag. "Magre-review pa ko, de Guzman. Kaya tabi. Mabuti pa, magreview ka na lang din."

Pero 'di talaga siya umaalis sa harap ko. Instead, he leaned slightly towards me na napaurong ako kaagad because his scent was assaulting my senses.

Shit. Bakit nangyayari 'yung sinulat kong scene sa one shot ko last month?

"Yieee, concerned ka sa akin 'no? Crush mo ko 'no? Kasi alam mo Chill..." 'Di ko sinasadyang ibalik ang tingin sa kanya dahil tumigil siya sa pagsasalita. Pero kaagad kong binalik ang tingin ko sa chalkboard nang magtama ang mga mata natin. Ang seryoso kasi ng mga mata niya. Napaka... Napaka-hindi siya.

Ngunit bago pa ako mapatay sa bilis ng tibok ng puso ko, nagsalita muli siya sa cheerful na tono. "...ako kasi ay gwapo!"

Sobra. Kung alam mo lang.

Paksyit. Ayoko ng ganito.

"Bryant." I said with the best poker face I could pull off. "Magre-review pa ako. Pwedeng iba na lang kulitin mo?"

Lumungkot ang mga mata niya at swear, ang sarap ko lang sakalin kasi bumibigay ako. Buti na lang bumalik ang maloko niyang ngiti kundi ay baka bumalik din ang dating Chill. "Sige!"

Pa-fall lang 'yan, Chill. Tandaan mo lang lahat ng ginawa niya. Sige, gusto mo siya. Okay sige, halos ng mga stories mo ay based sa kanya. Okay sige, aminin natin 'yan sa sarili natin. Pero kahit anong mangyari, 'wag tayong aamin sa kanya.

Huwag. Never again.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon