fall eight: fine, not fine

2 0 0
                                    

"WALANG PASOK WOOOOH!!!111111!!1!!1!!1" I tweeted after makapag-almusal. May recollection daw 'yung teachers kaya naman no classes kami ngayong Friday. Yessss!!! Long weekend—wait, shit.

MAY SHOOTING NGA PALA KAMI BUKAS!

Nakalimutan ko nga palang sabihin kahapon na ngayon na lang sana kami mag-shoot para tuloy-tuloy ang walang pasok. Hayyyy, super stressed kasi sa mga test, nawala tuloy sa isip ko. 'Di bale, magbababad na lang ako sa Internet all day long!

At 'yun nga ang ginawa ko. Magfe-Facebook sa laptop, ta's may idadagdag sa stories ko. 'Pag na-lowbatt ang laptop, lipat sa phone at magi-Instagram or Twitter. Ahhh, this is the life. Naaamoy ko na rin ang bakasyon. Panira lang talaga 'yung finals na two weeks na lang from now.

Well, whatever. I-eenjoy ko na lang ang ngayon. Sabi nga, yesterday is history, tomorrow is mystery and today is a present—enjoy it. And that's what I shall do.

Time flies fast habang nagi-Internet. Kaya 'di ko napansing 9 pm na. Syet, 'di pa ako naghapunan. As if on cue, tumunog ang tiyan ko. Well, isang Mayo sandwich lang katapat nito.

Tahimik akong lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Sobrang gabi na kasi kaya ayokong mag-rice. Mama wouldn't get mad dahil siya mismo ang nagturo sa akin ng ganito. Basta 'wag lang daw palagi. Pagkatapos gumawa ng sandwich at gatas, bumalik ako sa tapat ng laptop. Time to activate the writer in me.

I'm the type of writer na sa tuwing gabi talaga nakakapag-type ng magagandang scenes, especially the heartbreaking ones. I have no idea why pero pansin ko na ganu'n ako. So I scrolled through my stories nang mapansing may bagong comments ang story kong na-post a year ago. The Angel Who Fell.

Tinignan ko 'yung most recent comment. It was a girl's.

"Ang hawt nmn po ni Lucas! Mygawd, super lyk the ending!"

Ah, right. 'Yung Kuya kasi ni Yvonne, magaling magdrawing. E favorite na story ni Eve 'tong TAWF so pinadrawing niya si Lucas base sa description nito sa kwento.

"Kahit ngayon lang, let me be your Lucas."

I remembered what he said last week habang tinitignan ko ang picture ng drawing ni Lucas. Kuhang-kuha nga ng anghel ang style ng buhok maging ang ilong ng lalaking madalas ay pagbasehan ko sa mga ginagawa kong story. Hay, ikaw ba 'yung tinutukoy niya, Lucas? Posible kayang nabasa niya ang mga gawa ko?

Siguro naman hindi. Kasi kung oo, dapat naririndi na ako sa mga asar niya. Pero sa ilang linggo naming magkausap, matino-tino naman siya. Well, except sa cryptic lines niya na minsan ang sarap na lang niyang hambalusin kasi nakaka-fall ang walang hiya. Pero... hindi pa naman niya ako inasar about my characters and/or stories na tiyak mahahalata niyang base sa kanya. So maybe, I'm just overthinking.

Tama. Medyo paranoid lang ako. Tyaka so what na lang dapat ako sa mga pinagsasabi niya. Lalo na't bakasyon na niyan at baka lumipat pa ako ng school. Yes! Good bye, Bryant de Guzman! See you never!

I'll miss him nga lang...

Wait, what?! Shit, no! Okay, gutom lang ako. I should finish off this sandwich. Gutom lang 'to. Yup, hunger just... makes me think of... stuff.

✖✖✖

"Nandyan si Manang, Chip, so paluto ka na lang kung magutom kayo," sabi sa akin ni Ate Cate nang dumating ako an hour earlier sa usapan namin ng grupo. I texted her last night to tell her na maaga ako para dito simulan 'yung final project namin sa MAPEH. Good thing, pumayag siya.

"Sure, Ate. Thanks." I smiled at nagpaalam na sa kanya. May pasok pa kasi siya.

Umupo ako sa sahig ng sala at nilatag sa table ang mga gagamitin ko. Okay! Let's start at dalawa pa ang kailangan kong—

Napatigil ako nang marinig ang isang katok. Tumayo na lang ako kaysa abalahin pa si Manang at binuksan ang pintuan ng bahay.

"Uy."

WHY THE HECK IS HE HERE ALREADY?

Nangunot ang noo ko, "9 pa lang usapan, a. At dapat sabay-sabay kayo."

"Manghihingi sana akong tulong." Pinakita niya ang manipis naming Math book. "Kung pwede?" Aalma na sana ako dahil madali lang naman ang assignment namin du'n pero kaagad niya akong pinigilan. "Kahit bilang kaklase lang."

"Okay. Fine. Pasok ka." I opened the door a bit wider at dumiretso sa pwesto ko bago dumating ang hinayupak na 'to.

Tinabihan niya ako, "Ginagawa mo 'yung sa MAPEH?"

"Yeah," I replied. "Ano bang 'di mo makuha diyan?"

Pero imbes na ibigay niya ang libro, nagtanong siya ulit. "Hindi ba ako nakakaistorbo?"

"Magtatanong ba ako kung istorbo ka?" Napataas tuloy ang kilay ko. Kainis naman kasi, nasira kaaagad umaga ko dahil sa hayop na 'to.

Ows, Chill?

Oo naman! Tss...

"Um, 'yung letter B kasi..." So 'ayun, at least ten minutes ko yata siyang tinuruan du'n. Madali naman niyang na-gets lalo na't madali lang naman kasi ang lesson kaya nagtataka talaga ako kung nahirapan ba siya o gusto niya lang akong guluhin.

He thanked me pagkatapos kaya sinimulan ko na 'yung isang mosaic. Matapos ko sana bago dumating sina Eve.

"Tulungan na kita," biglang sabi ng katabi ko. Nakatabi na ang Math book niya at kumukuha na siya ng isa pang Oslo.

"'Wag na." Pero 'di niya ako pinakinggan. Nagsimula na siya sa pagdidikit. "Bryant, ako na lang. Kumain ka na lang du'n kung gusto mo."

He grinned without looking at me, "Tinawag mo na ko sa pangalan ko, concerned ka pa sa'kin."

Tumikhim ako. "Ako na lang kasi." Hindi pa rin ako pinapakinggan ng letseng 'to. Tss, bahala nga siya diyan.

Tinuloy ko na lang ang mosaic ko hanggang sa malapit na akong matapos. Nilingon ko siya na nangangalahati na pala. "Tapos mo na ba 'yung sa'yo?" I asked.

"Bukas ko pa lang sisimulan," sabi niya habang seryoso sa pagdidikit. Ang lapit niya sa akin na hindi ko maiwasang mapansin ang maliit na nunal sa may dulo ng kilay niya.

Na-guilty naman ako sa sinabi niya kaya kumuha ako ng isa pang Oslo paper. "'Yung sa'yo na lang gawin mo."

"Hindi na, tapusin ko na muna 'tong sa'yo." Seryoso pa rin siya sa pagdidikit. May mga butil na rin ng pawis sa noo niya. Hindi kasi kami makapag-electric fan at baka lumipad 'yung mga papel.

I stared at him for a while, "Sigurado ka?"

"Mmhmm." Pagtango niya bago lumingon sa akin na siyang ikinagulat ko. Mabilis akong tumayo para makalayo.

"Um, kuha lang akong tubig," paalam ko at kaagad dumiretso sa kusina.

Shit. Ano bang meron at nadadala na naman ako sa kanya? Chill naman, you've learned your lesson already, 'di ba? 'Wag ganito...

Hindi pwedeng ganito.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon