fall six: familiarity

4 0 0
                                    

"Ate Chanel!" napayakap ako kaagad sa kanya, "I missed you!"

"Aww. Namiss din kita, Chip!" we hugged again. Nang maghiwalay kami, doon ko napansin ang suot niya.

Black and blue plaid dress and Converse shoes. Wait a sec...

"Twinning!" we exclaimed at the same time.

"Jinx!" sigaw ulit namin nang sabay. Doon na kami napatawa.

"Aisce! Chanel!" Ay, tinatawag na pala kami nina Mama.

"Selfie tayo mamaya," she winked. Kaagad akong pumayag. Ang cute sigurado nu'n. Her with her black and blue plaid dress while me with my red and black plaid dress. Tapos pareho pa kaming naka-white Converse shoes.

Lumapit na ako kina Mama para makapagmano sa mga Lolo't Lola pati na rin sa mga Uncle at Auntie ko. All smiles na lang ako habang pinupuri nila ako.

Sa dami nila, napa-buntong hininga na lang ako nang makaupo na sa wakas. Kasama namin sa table ang pamilya ni Ate Chanel at pamilya ni Kuya Chimp. Kaso parehong wala ang mga pinaka-close kong pinsan.

I roamed my eyes around at nakitang nakikipaglaro pala si Ate Chanel sa panganay naming pamangkin, si Darius. Shit, 'di ko pa pala nababati ang tatay ni Darius, si Kuya Cloud.

Aurelius Venedic Madrid III also known as Kuya Cloud is the oldest among us. Siya rin ang unang nag-asawa at the age of twenty-five. He married his high school sweetheart. Akala nga namin ang mga couple na nagsisimula sa highschool ay hindi nagtatagal. Turns out, kung talagang mahal mo at nagkakaintindihan kayo ng taong 'yun, kaya niyong magtagal.

"Kuya Cloud!" napatayo ako saka siya yinakap pagkakita sa kanya. Ang fluffy niya pa rin!

"Hi, Chip. Dalagang dalaga ka na, ah?"

I smiled, "Thank you. Congrats nga pala! Balita ko na-promote ka raw." He chuckled saka ako pinasalamatan. "Lakas naman! Wala ka pang isang buwan du'n, promoted na nga. Libre naman diyan, Kuya."

"Next time. Kain tayo nina Chimp." Napa-fist pump ako. Yes! Sana Gustav. O kaya kahit sa Tollhouse lang. Mmhmm, naeexcite na ako sa next time na 'yan.

Na-busy na lang kami kay Darius at sa mga bata naming pinsan. Ilang minuto lang at dumating na rin sina Uncle Bert, Auntie Evelyn, Kuya Chimp, Coral at... wait. Sino ang mala-anghel na kasama ni Kuya Chimp?!

Nagmano na rin muna siya sa mga Auntie at Uncle namin hanggang sa makarating siya sa aming table. Kaagad akong tumabi kay Mama.

"Auntie, si Zara po. Girlfriend ko po," ani Kuya Chimp.

OMG! Siya 'yung tinutukoy niya nu'ng minsan?! Bakit ang ganda-ganda naman?

"Hi, Kuya." Finally, I greeted him with a hug.

"Hello, Chip. Si Zara nga pala. Zara, si Chill." Kuya Chimp smiled warmly at Ate Zara and I immediately knew that he's deeply in love with this angel.

"Aiscelle Madrid. Chill na lang po," ngumiti rin ako kay Ate Zara. Ganda niya talagaaa.

"Venus Zara Manalastas. Nice to meet you, Chill." Venus talaga name niya? Huhu, Roman version 'yun ni Aphrodite e. 'Di kaya kalahi niya si Aphrodite? Super duper ganda kasi talaga niya. As in. Nahiya 'yung sikreto kong kagandahan.

Ano kayang gayuma nagamit ng mukha kong unggoy na pinsan? Chos! Gwapo at magaganda ang mga Madrid 'no.

"Anak, mabuti pa kumain ka na," bulong ni Mama sa'kin pagkatapos ng ilang performance.

Isang hindi gaanong sikat na restaurant ang pinagdadausan ng get-together namin ngayon. Pina-reserve ni Lolo Vener 'yung parang part kung saan ginaganap 'yung mga event tulad ng birthdays or anniversary. Spacious 'yung place kaya kahit gaano kami karami sa pamilya ay kasyang-kasya kami. Sa right ng aming table ang buffet at kanina pa ako natatakam sa carbonara nila.

Nu'ng 68th birthday kasi ni Lola Rosa, dito kami nag-celebrate at the best ang mga pasta ng resto na 'to.

"Ikaw, Ma? 'Di ka pa po gutom?" Mag-aala una na rin kasi at kanina pa kumain ang mga Tito't Tita ko. Habang puro lang pineapple juice si Mama.

"Hindi, sige. Tawagan ko lang muna Papa mo."

Nagkibit balikat na lang ako at tumayo na.

"Samahan na kita, Chip." I nodded at Kuya Chimp at hinintay siyang matapos sa pagtatanong kay Ate Zara ng gusto nitong kainin.

"Lapit na pala ng birthday mo 'no?" Tumango ako kay Kuya habang kumukuha ng carbonara at garlic bread. "Anong gusto mong gift?"

"Lahat ng cake sa Tollhouse." I joked. Well, half-joked actually. Birthday ko naman, e. Isa pa, nagtatanong si Kuya. Might as well sabihin 'yung gusto ko talaga.

"Takaw ng dalaga namin." I rolled my eyes. Ilang ulit ko nang narinig 'yang shit na word na 'yan. I'm far from being a lady, 'no. "Mauubos mo lahat 'yun?"

Kumuha ako ng maja blanca habang sumasagot, "May balak ako, actually. She-share ko sana sa mga batang kalye para naman may katuturan ang buhay ko." Nakakita kasi ako kahapon ng mga batang nakatitig sa display ng Red Ribbon. Gusto kong may mapasaya sa araw ko. Para lalong happy ang aking 17th birthday.

Kuya Chimp smiled at me at alam kong may posibilidad na mangyari ang gusto ko for my birthday. Madalas kasing ganyan ang ginagawa naming magpipinsan kapag nagkakaroon ng pagkakataon. We're not rich pero may sobra kami so we share. I must say na namana namin 'to sa mga magulang namin na lagi kaming sinasama sa ganitong gawain. Ganito rin daw kasi sina Lolo noon e.

"Gusto mo pa ng buko salad?" Narinig kong tanong ni Kuya kay Ate Zara habang nasa last bite ako ng aking cheesecake.

"Hindi na, Third. Busog na ako, e." Shiiit, I swear galing sa Mt. Olympus si Ate Zara sa ngiti niyang 'yan.

Tapos ang cutie pa ng tawag niya kay Kuya Chimp. Pasalamat nga 'tong pinsan ko at kaming tatlo lang ang naiwan dito sa table kundi mabubusog rin siya—mabubusog sa pang-aasar ng kapatid niya at ni Ate Chanel. Pero in fairness a, nakakagwapo 'yung "Third."

"Ate Chip! Ate Chip!" Nilingon ko si Chase na nakangising tumatakbo papunta sa akin. Syet, ba't ang cute-cute ng bunso naming pinsan?

"Bakit, Chase?" Inupo ko ang four-year-old bundle of joy sa lap ko.

Nag-hi muna siya kina Kuya Chimp bago ako sagutin, "Samahan mo po ko! May buttewfly gawden daw sa labas, Ate! Gusto kong makakita ng buttewfly!" Hindi niya pa rin pala mapronounce ng maayos 'yung letter R.

"Nagpaalam ka na ba kay Mommy mo?"

He smiled sheepishly which made me pinch his chubby cheeks. "Tara, magpaalam muna tayo." I turned to the couple sitting in front of us, "Kuya Chimp, Ate Zara, samahan ko lang 'tong si Chase." They nodded so pinuntahan ko na si Auntie Belinda.

After giving Chase's bimpo, pumayag na siyang ilabas ko ang anak niya.

"Woooow!" I grinned upon seeing this little boy's reaction. Hinayaan ko siyang mag-explore habang naupo muna ako sa isang wooden bench.

I was busy watching Chase read the information about the butterflies nang may tumakip sa mga mata ko.

"Shit!" I swore at buong lakas na sanang sisikuhin 'yung tao kung hindi lang dahil sa amoy at boses niya.

"Hi, Chill."

What the...

ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon