fall nine: fear

2 0 0
                                    


"Tara, kain tayo!" deklara ng lalaking 'to habang nag-uunat.

"Libre mo?" biro ni Owen habang nag-aayos ng gamit.

Ngumisi siya at sa akin tumingin. Tinignan ko siya pabalik sa kabila ng pagbuhay ng mga insekto sa tiyan ko. Sh... "Sasama ka ba, Chill?"

Nagkibit-balikat ako kahit nagtataka kung bakit kailangan niya pa akong tanungin. Pinagpatuloy ko ang paglagay ng script at notebook sa backpack. Tapos na kasi kaming mag-shooting (sa wakas!!) at alas-dos pa lang ng hapon. Ayaw pa umuwi ng mga 'to kaya nagkakayayaan mag-meryenda.

"Kung 'di sasama si Chill," napalingon ako sa kanya at sa akin pa rin pala nakatuon ang mga mata niya, "hindi ako manlilibre."

"Aw," reklamo ni Stan. "Sama ka na, Chill!" Mukha kasing pagkain 'tong letseng 'to.

May isa pang epal na nagsalita. "Oo nga! Sayang naman 'yung libre ni fafa Bryant." Fafa pa more, Krey.

"Chill." Nilingon ko ang aking bestfriend na inaasahan kong matino ang sasabihin. "Masamang tumanggi sa blessing," she winked at me. Shit naman! Ba't pinagkakanulo ako nito bigla?!

"Ano, Chill? Tutal tinulungan kitang tapusin MAPEH project mo. At malinis pa 'yun." Letse, kung alam ko lang na may kapalit 'yun sana 'di na kita hinayaang tulungan ako. Paksyit kang de Guzman ka, tss.

"Oo na, oo na," umirap ako nang wala sa oras dahil sa mga expectant nilang mukha. "Mga paksyit," I muttered sa gitna ng saya nila. For leche flan's sake, libre lang 'to. Tssssss.

Sus! Nagsalita ang 'di mahilig sa libre.

Iba naman 'yun! Mga pinsan kong never akong niloko 'yung mga 'yun e. 'Di tulad ng hayupan na 'to na kung makapaglakad papasok ng fast food chain parang hari. Tss, pasikat.

Hayaan mo na, gwapo naman.

Mas gago siya kaysa gwapo. Bwisit.

"Anong gusto niyo, guys? Ako na mag-oorder," nakangisi pa rin ang walanghiyang 'to. Ba't ang saya-saya nito?

"Hindi, 'tol," inakbayan ni Stan si Bryant kasabay ng pagtayo ni Krey. "Kami na mag-oorder. Just chill with Chill," he even wiggled his eyebrows up and down.

Nakng—! Pwede bang hampasin ng tray 'tong si Stan? Nakuuuu.

Pumayag naman si Bryant at hinayaan ang dalawa. May kung ano pa silang pinagbulungan na wala akong paki kung ano bago siya umupo sa tapat ko. Talaga nga naman.

"May pinapahanap nga pala si Ate Lilac sa akin," ani Elise. "Samahan mo naman ako, Yvonne."

Tumayo si Yvonne pagkatapos magpaalam sa amin. Okay lang namang umalis sila lalo na't medyo mahaba ang pila sa counter. Pero nagtaka na ako nang pati 'tong dalawang lalaki ay nagpaalam.

"Tawagan ko lang girlfriend ko," paalam ni Owen isang minuto pagkatapos umalis ng dalawang babae. May girlfriend pala 'to?

"Um..." Nilingon ko si Jay na tumikhim at lumingon sa bandang counter. Titingin na rin sana ako kaso nakaharang ang isang hayupan sa view ko. "Tinatawag yata ako nina Stan. Teka lang, a?"

Aba! Nakakahalata ako sa mga kagrupo namin, a...

"Ang galing naman," he flashed his pearly white teeth. "Tayong dalawa na lang naiwan."

Sa pangalawang beses ngayong araw, I rolled my eyes upward. Bahala siya sa mga gusto niyang sabihin. Magpapaka-busy na lang ako sa paglalaro ng Piano Tiles habang naghihintay sa mga letse naming groupmates.

"Ba't ganu'n, Chill?" Napansin ko ang pagpatong niya sa mga siko niya sa table. Pinagsalikop niya ang mga daliri niya at nangalumbaba. Sh... Buti at 'di ako nakatingin sa kanya nang diretso kundi nalunod na ako sa tindi ng titig niya. "Gumaganda ka lalo 'pag nagsusungit."

"Sh—" Muntik akong mapamura nang ma-game over sa laro. Letse naman kasi, de Guzman! Ba't may ganu'ng banat bigla? Ba't pa-fall ka masyadong bwisit ka?!

"Na-out ka?" I would love to swipe that grin off his handsome face. Tss...

"Ay, hindi!" napahalukipkip ako sa inis. Nakakairita talaga 'tong hayop na 'to.

Pero napatingin ako sa kanya nang bumuntong-hininga siya. Sobrang lalim, e. "Sana mawala na galit mo sa akin, Aisce."

Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko para hindi niya makita ang mga mata kong nagsasabi ng tunay kong reaksyon sa sinabi niya.

"Sorry, natagalan!" Halos magkasabay na dumating ang pagkain at sina Eve. Kaagad akong nag-ayos para wala siyang mahalata.

"Kain na!" Ngumisi ako kahit na parang may humihiwa sa puso ko.

Nagsipagkain na sila habang napasulyap naman ako sa katapat ko. Tumindig ang balahibo ko sa malulungkot niyang mata. I blinked twice at kumain na lang rin.

Truth be told... Gusto ko ring hindi na magalit sa'yo, Bry. Pero hindi ko kaya, e. At hindi ko alam paano.

"HAAAAYYY!! BUSOG!" OA ng Owen na 'to, a. "Salamat, Bryant."

"Oo nga, salamat sa libre, Bryant." Nagsabay-sabay na sila sa pasasalamat pero ako, busy sa pag-ubos ng Royal ko.

"Chill?" Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Problema nito?

"Oh?" I raised an eyebrow.

"Isang thank you naman diyan, oh." Nagpa-cute pa ang letse. Akala niya naman effective...

"Thanks." Ay, syet! Bakit effective? Huhu.

He smiled with sparkle in his eyes habang nagsipag-"AYIEEEE" sina Eve. Lagot talaga sa'kin 'tong Yvonne na 'to 'pag nagkataon. Anong klaseng kaibigan 'to? Hayyyy!!

"Uwi na ako," sambit ko na lang nang matigil na 'tong mga 'to. Tatayo na rin sana ako kaso ang katabi kong si Yvonne ay hindi pa tumatayo. 'Di tuloy ako makadaan.

"Eve..." banta ko.

Ngumisi siya sa akin at tumayo sa wakas. "Tara, sabay-sabay na tayo." Isa-isa na ring tumayo sina Krey at naglakad palabas.

"Teka, Chill." Malapit na kami sa exit nang pigilan ako ni Bryant.

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko sabay napakagat ng labi. Para akong napapaso at nakukuryente nang sabay sa yapos niya.

"B-bakit?" Shit, nag-stutter ba talaga ako?

Sa gulat ko ay lumuhod siya sa harap ko. 'Nak ng siopao, anong balak nito?!

Nilingon ko ang paligid at laking pasalamat na iilang saleslady at customers lang ang nakatingin. Nevertheless, hahakbang na sana ako pero napatigil nang maramdaman ang bigat ng kamay niya sa paa ko. I looked down and saw him tying my shoelaces.

Napatikhim ako pero sa shoelaces ko pa rin ang tingin niya. "Bryant, ako na lang." Mahina ang boses ko nang sabihin ito.

"Nah, ako na bahala," sumulyap siya sa akin nang mabilis para ngumisi. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya habang panandaliang lumipad ang utak ko kay Jerico, the ideal guy I made for Trinidad.

He was everything you could ask for a guy. Ma-effort, maalaga, alam ang tamang pagtrato sa mga babae. Pero kahit anong gawin ni Jerico, hindi naaapektuhan si Trinidad.

In that story, I made Trinidad a writer like me. But unlike her, I'm affected as heck sa lahat ng ginagawa ni Bryant.

"Tayo na!" sabi ko nang makitang tapos na pala siya. Nilingon ko ang exit at nakitang naghihintay du'n sina Yvonne.

"Ano? Tayo na?" malaki ang ngisi niya sa akin.

Napatigil ako sa pag-iba niya ng stress sa salitang sinabi ko. "Pwede ba, Bryant? Nabasa at nasulat ko na ang—" Shit. Kaya ba nasabi niya 'yun dahil...

No no no no no no no. Imposible. Naku Chill, overthinking lang 'yan. Dahil imposible talaga. Imposible.

If She FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon