Jieno's POV
Kakaalis lang ni Macy di na nga sya nagpaalam kay Hacob. Something fishy ahh. Dati naman kahit ganito tong Lion este si Hacob nagpapaalam naman si Macy.
"Hacob di mo man lang ba tatanungin kung saan nagpunta si Macy?"YB. Usisero itong si Yellow Blue na eto pero kahit naman ako eh kating-kati na ang dila ko sa pagtatanong. Kaso baka ako nanaman ang pagbuntungan ng galit nitong si Hacob na toh.
"Hindi" tipid na sagot ni Hacob habanng nanonood ng TV.
"Bro, asawa mo pa rin yun kahit ayaw mo o gusto mo" ten. Oo mga playboy SILA wag nyo kong isali. Pero kapag malapit sa kanila ang mga babae may mga concerned naman yang 2 yan. Ang hindi lang Playboy eh yan si Hacob at syempre ako isama na nga si Timmy kahit saling pusa lang.
"Sa papel lang yun mga bro. She knows her place" Hacob.
Hahaba lang ito kung sasabat ako at mauuwi lang sa bugbog. Baka mabugbog ako ng di oras maawa naman sya sa gwapo maraming iiyak ay na babae."Okay" Timmy. Ako wala akong balak sumabat. Wag kang sasabat gwapong Jieno. Baka ikapahamak mo yan sa maganda mong mukha.
Nagpunta ako sa may ref nila. Ikain ko nalang ito. Wag sasabat!!! Rule ko yan ngayon.
Ang dami naman nilang pagkain at may pagkamadamot talaga yung Hacob nayun lahat nilagyan ng pangalan yung sa plastic ng mga pagkain kahit gatas meron.
"Hacob! Gagu ang damot mo!!!" Napasimangot tuloy ako di bale na gwapo pa rin. Ays ang pucha nagsalita ako at nasabihan ko pa ng Gagu si----*
*boogsh*
Ang gwapo kong mukha!!!
"Aray!"daing ko. Kayo ba naman ang makatikim ng flying punch netong abnormal na ito.
Ang matured kasi minsan mag isip ng Hacob na yan. Kelan kaya yan magpapaka childish?
Buti nalang ako palaging mukhang gwapo.
"Ang gwapo kong mukha" tumakbo ako sa malapit na nakita kong salamin.
Salamat! Gwapong-gwapo pa rin. Chineck ko rin kung may nagbago ba sa mata, ilong pati lips. Kiss kita gusto mo? Yiee kiligin ka pa dyan miss.
Nga pala di ako playboy.
"Gwapo saan?" Tsk. Isa pa itong si Timmy napaka duling nyan.
"Hinahanap pa ba yan? Kitang-kita naman saten yun" sabi ko sabay ngiti ng maangas.
"Nga naman kitang-kita saten na AKO ang pinaka gwapo"Ten. Pinagdiinan pa ng sampung pisong ito ang Ako.
"Bro isa ka pa dyan. Di ka talaga marunong tumingin sa salamin. Kapag usapan ng pinaka gwapo asahan mo ang topic ng buong kababaihan YB ang hot issue dyan" ang yabang ng crayolang ito. Puro hangin lang naman.
"Nagtatalo-talo pa kayo sa gwapong yan ehh alam naman na si Jacob Montecillo ang batayan nyan"ayan na nga po nagbuhat na ng sarili nyang bangko si Hacob.
"Talaga? Alam ko si Jieno lang. J-I-E-N-O. Alam mo Hacob pwede ka naman sa likod ko ibig sabihin pangalawa. Oo pareho tayong J ang simula ng pangalan bro pero iba talaga ang Jieno bro iba ang charisma" syempre papatalo pa ba ako ehh. Ako naman talaga ang gwapo.
"Talaga lang ahh?" Nako po ehh sabi na nga ba dapat tahimik nalang ako.
*boogsh*
Natadyakan ako ni Hacob na yon. Sabi na nga ba may sa lahi yun.
ㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱㄴㄱ
Jacob's POV
Damn. May date pala kami ni Yna. Mabilis pa sa alas kwatro na bumaba akong bahay at nagpunta sa may garahe.
BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With Him
RomanceDrama Married Battered Cry Arranged Family Friendship Find out and read this book.