Jieno's POV
Nasa may tambayan kami ngayon. Kami lang ang may ganito. Kasama ko silang lahat. Syempre kasama si Hacob. Lagot nanaman ako nyan kasi ako laging napapag initan ni Hacob.
" itigil nyo na ang paghahanap sa pinapahanap ko sa inyo" sabi ni Hacob. Kaya napalingon naman kami lahat sa kanya.
"Totoo ba yan bro?" Tanong ni Timmy. Tumango naman si Hacob. Ayaw kong magsalita baka ako ang pag initan.
"Pero bakit? Halata namang gusto mo pa naman din" usisa ni Dyis este Ten
" wag mo ng alamin. Chismoso tss" sabi na hacob kay Ten.
Ako naman at si YB nagpipigil na ng tawa.
"Hindi naman sa ganun bro syempre concern lang kami sayo" sabi pa ni Ten. Ipinagtatanggol nya lang ang sarili nya.
"May pagkaplastic ka pala Ten tuwang tuwa ka na yun ang sabihin mo at makakapang babae ka uli"asar ni Hacob kay Ten.
"Babae ang nalapit saaken"pagmamayabang ni Ten.
"Same as here"sabi ni YB at tinaas nya pa ang kanyang kanang kamay.
Pero natigil kami sa pag aasaran ng biglang may pumasok sa tambayan namin. Kami lang naman ang may alam ng lugar na ito ahh. Secret place kase ito.
Pero chix ah. Babae eh.
Nagtatakbo sya sa may loob ni hindi nga namin nakita yung mukha nya. Pero halatang dito rin sya nag aaral kase naka uniform sya.
Anong ginagawa nya dito? Ano yun nagtatago? Nagkakatinginan nalang kaming lima sa isa't isa.
"MC!" Sigaw nung nasa labas sa tono palang ng boses alam mo ng babae.
"MC! WAG MO AKONG TAGUAN!"sigaw pa nung babaeng nasa labas.
MC?
Biglang nagbukas yung pinto. Bumungad samen yung bestfriend to ni Macy ahh.
"Hoy kayo! Anong tinitingin-tingin nyo dyan?!"lagi naman itong mataray.
"Paano ka nakapunta dito?" Hacob. Makikita mo na matalim na sya tumingin. Baka mamaya mag super sayans na yan.
"Syempre naglakad. Ays nga pala si Macy Cloe nakita nyo?" Masungit na tanong nya.
Hindi naman kami sumagot. Di naman kami close para makioag usap ako.
"Ano na?! Shit! Hahanapin ko nalang"
Nagsimula na syang maghalughog. Macy? Diba may pumunta kanina ditong babae na parang nagtatago? Sya yun?
"HOY MACY CLOE KA! PINAHIRAPAN MO PA AKO. LABAS" sigaw nito na hanggang dito sa pwesto namin nakakabingi yung boses nya.
Si Macy yun?
Lumabas naman si Macy sa pinagtataguan nya.
"Pi-picturan ka nalang pinahirapan mo pa ako"salamat po hindi na sya sumisigaw.
"Ayaw ko na mag baback out na ko"sabi ni macy ng nagpipilit pa rin sa pinagtataguan nya.

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With Him
Roman d'amourDrama Married Battered Cry Arranged Family Friendship Find out and read this book.