AMWH 8

73 6 0
                                    

Third person's POV

After 3 days maayos naman ang lahat. Sina Jieno,Timmy,Dyis este Ten at Dilaw este YB patuloy parin sa paghahanap ng babaeng mala anghel ang boses. Sa totoo lang halos mabaliw na sila sa kakahanap. Dahil sa kabilang banda ng pagiging mahangin este gwapo daw nila ay nanganganib sila sa arbuluto ng isang Lion na si Hacob.

Kasalukuyan na vacant ngayon nina Jieno, YB at Timmy. Di nila kaklase sa subject nila ngayon sina Hacob at Ten.

"Mga pre ibang klase rin si Hacob magpahanap" pagbasag sa katahimikan ni Timmy. Saan sila galing? Ayun tuloy ang paghahanap nila sa long lost girl with an angelic voice ni Hacob at pagod na pagod silang nagpunta sa canteen dahil gutom na rin silang tatlo.

"Oo nga pare, dinaig pa yung prince charming ni Cinderella sa pagpapahanap" pagsang-ayon ni YB na nakahiga na sa couch.

"Hahaha!!!" Sa hindi mapigilang tawa ni Jieno ay nakahawak na sya sa tiyan nya.

Binato ni YB si Jieno ng pillow ng sofa. Kaya naman napahinto ito sa pagtawa. "Grabe ka bro, iba ka na. Nanonood ka pala ng Cinderella"biro ni Jieno at tumawa na naman sya pati si Timmy ay napatawa rin.

"Tangna bro ka dyan. Ano ba Jieno umamin ka na kasi na nagagwapuhan ka saken tsk. Iba talaga karisma ko" pagmamalaki ni YB at nagpunta pa ito sa harap ng salamin at nagpopose.

"Ul*l ka YB. Ikaw yun sa gwapo kong ito. Panaklob mo lang mga babae mo"sabi ni Jieno at sya naman ang naghagis ng pillow kay YB.

Alam nyo na ang kakahantungan nyan ang pikunan. Dahil sa tuwing mag aasaran sila si YB ang pinaka pikon sa magbabarkada. Pero kay Jacob sila pinaka takot kasi nga gaya ng sabi ni Jieno he's the boss.

Jacob's POV

Nagpunta ako sa dati kong school noong highschool pa ewan ko kung anong pumasok sa utak ko. Sa old music room agad ako nagpunta pagkarating ko. Inaabangan ko yung mystery girl with an angel voice. Baka nagpupunta pa sya dito.

Mabuti nalang at hindi ko kasama ang mga ungas kong mga kaibigan. Puro kalokohan lang din kasi minsan ang mga unggoy.

Wala ring naghahabol saken mga babae. So payapa ngayon ang aking paglalakad. Pero wala namang tao sa old music room kaya minabuti kong pumasok nalang.

Pumunta ako dun sa may piano. Di naman ako marunong magpiano. Mag gitara pa marunong pero piano hindi.

May isang papel na nakalagay dun sa may gilid ng piano. Kinuha ko naman yung sulat.

February 18, 2011

To: C&C

Matagal na rin tayong hindi nakakapagsulatan. Kamusta ka na? Sana mabasa mo to. Diba sabi mo arrange ka. Parehas din pala tayo hahaha. Nakakatawa diba?  Pero ayaw saken nung magiging asawa ko. Nakakalungkot man isipin akala nya ako ang nag insist ng kasal namin. Hayaan ko nalang hahaha. Sana masaya ka. Sana matutunan mo rin mahalin yung magiging asawa mo at sana matutunan din ako mahalin ng magiging asawa ko. Pero kung it can't be talaga eh wala na akong magagawa. Kahit ba masaktan ako ayos lang as long as maayos sya tiis- tiis lang. Wala ehh kahit anong gawin ko ayaw saken. Drama na ito. Nga pala inaalam mo kung sino ako? Hihihi mahirap ba? Ayaw kong sabihin kase nga magkakaasawa na ako kelangan kong maging loyal sa kanya bad kasi pag hindi loyal saka ikaw maging loyal ka rin magiging asawa mo. Tinanong mo ako doon sa dati mong sulat kung ako si Yna Mendez? Sorry hindi ako yun. Crush mo yung Queen bee? Ayieee pero intindihin mo ang magiging asawa mo. Sorry din pala kung ngayon-ngayon lang ako nakasulat kasi naging busy ako. Pero ayaw ko talaga makipag meet up kasi nahihiya ako. Siguro makuntento nalang tayosa sulatan? Ayos lang ba sayo yun? Sana mabasa mo ito. Ingat ka palagi.

Arrange Marriage With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon