Family Outing
Cloe's POV
Think Positive! Wag ka dapat matakot kay Jake. Think positive lang.
Kinakausap ko lang ang sarili ko. Pagod na akong idown ang sarili ko. Lagi nalang kasi akong kinakaawaan.
Kaya dapat think positive. Sabi ni Lyn dapat maging masaya ako palagi.
Nasa bahay ako ngayon naglilinis. Wala kaming pasok ngayon since weekend. Wala rin naman akong pupuntahan. Busy si Lyn pati si Ren.
"Hoy Clo!" Napatingin ako sa sumigaw. Nagulat ako ng nakita ko si Jake.
"Bumaba ka nga dyan! Kapag nahulog ka dyan!" Sigaw nya saken. Naglilinis kasi ako ng bintana. Napatingin naman ako sa kanya. Sya ba talaga yan? Nag aalala sya saken? Himala!
Si Jake ba talaga yan?! Napangiti naman ako doon. Hehehe
"Kung mahulog ka dyan at nakita nina Mama at Papa baka ako pa ang mapatay"
Biglang nawala yung ngiti ko. Ano ba Cloe. Sabi ng walang pakialam si Jake sayo.
Bumaba na ako sa may upuan.
Pumunta nalang ako ng kusina. Magluluto nalang ako. *smile* Ngiti lang okay lang yan Cloe.
After 10 minutes tapos na yung niluluto ko kaya naman inihain ko na yung pagkain sa lamesa.
Teka totoo ba yung nakikita ko? Si Jake as in Jacob Montecillo naglilinis?
Pinagpatuloy nya yung paglilinis ng bintana.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?!" Ay napansin nya pala na nakatingin ako sa kanya.
Smile lang Cloe.
"Nakuha mo pang ngumiti"sabi pa nya kaya naman ngumiti lang ako.
Since dapat sya daw ang unang kumain eh nagpunta nalang ako sa may living room. Binuksan ko ang TV. Manonood ako ng anime. Nisekoi paborito ko yun. Ang ganda ni Kirisaki. Ang gwapo naman ni Ichigo.
"Anong ginagawa mo dyan?!" Masungit na tanong ni Jake. Lagi naman syang masungit.
"Nanonood" tipid kong sagot. Nakita ko sa peripheral vision ko na mukang kakain na sya.
"Maghahain ka ng pagkain tapos hindi ka kakain. Tss patawa ka rin"
Tama ba yung narinig ko kay Jacob? Kay Jacob ba talaga nanggalung yun. Bigla naman akong napalingon sa kanya."Huh? Diba ayaw mo akong kasabay kumain?"pagtatakang tanong ko.
Sya ba talaga yan? Kasi hindi ako makapaniwala. Anong nakain nya?
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Forget what i'd said. Just eat"
Napatulala naman ako sa sinabi nya. Totoo bang si Jake yan. Baka napaltan na akong Jacob Montecillo.
"Tss. Nakatulala ka pa dyan"
Natauhan naman ako sa sinabi nya. Kaya tumayo na ako baka magbago pa isip at magalit pa. Sa totoo lang first time ko syang makasabay kumain. Yung kami lang.
Ang ganda naman yata ng araw ko ngayon.
Napapangiti nalang ako.
"Ahmm. Pwede magtanong?"
Nagsimula na rin akong sumandok ng kakainin ko. Pasimple ko syang tinitingnan. Baka mamaya magalit.
"Go" busy naman sya sa pagkain.

BINABASA MO ANG
Arrange Marriage With Him
RomanceDrama Married Battered Cry Arranged Family Friendship Find out and read this book.