3

509 23 1
                                    

Cydthealee's POV

11:30pm na nang makauwi si Kim sa dorm. I tried my best to not to worry, because I know and trust Kim but I couldn't help myself. Hindi ako mapakali. But eventually, like I said, nakauwi naman siya.

I was expecting her to sleep in but I was wrong. I woke up at around 8 am and found her at the dining table sipping her coffee.

"Oh ang aga mo naman. Late ka na nakauwi diba?" tanong ko sakanya.

"Yup. Di ko din alam ba't ang aga ko nagising."

Tatabihan ko sana siya nang bigla niya akong hinila, dahilan para mapa-upo ako sa lap niya.

"What are you doing?" sambit ko.
"Wala lang. Na-miss kita." sabi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa buhok ko. "Hmm. Ang bango mo talaga."

"Nako Kim, wag ako. Hindi pa nga ako naliligo eh, mabango agad?" sabi ko pero deep inside kilig na kilig na talaga ako.

"I love your smell. Au natural lang. Hahaha" biro niya.

"Hoy ano yaaan ate Kim," sigaw ni Kianna, "Kaya kayo nai-issue eh."

"Sus. Mga fans lang naman yun. Wala naman talagang malisya to eh. Diba Didit?" tanong ni Kim sa akin.

Napatigil ako. Oo nga naman Cyd. Wala namang malisya yan. Mag-kaibigan lang talaga kayo. Nothing more, nothing less.

"Of course. Ewan ko nga sakanila bakit tayo shini-ship eh," sabi ko.

"Ah basta, kung ayaw niyong ma-issue kayo, hinay hinay naman sa harutan Ate gurl and Kaftain," sambit ni Kianna sabay alis papunta sa kwarto.

"Dit, wag mo nang pansinin yun. LQ siguro sila ni dudut niya," natatawang sabi ni Kim.

"Pero sa totoo lang Kim, naiilang ka ba na shini-ship nila tayo?" seryosong tanong ko.

Umalis ako mula sa kandong niya para makita ang kanyang mukha.

"Of course not. I know what's really going on between us. Yang mga shippers na yan, naghahanap lang yan ng kakikiligan" malinaw na pahayag ni Kim sa akin.

Aray. Ako lang pala talaga ang umaasa.

"Oo nga eh. Haha nakakaaliw sila"

"Sige, iwan muna kita diyan. Aalis lang ako saglit"

"O, san ka nanaman pupunta?"

"Diyan lang sa tabi tabi. Haha basta." sabi ni Kim sabay alis.

I didn't push it any further. Wala naman akong karapatan para alamin ang bawat galaw niya. I'm merely her 'superfriend'.

"Alrighty then! Ingat ka." masiglang sabi ko.

"Will do. See ya!" paalam niya sa akin.
———————————————————
"Ate Cyd, may movies ka ba sa hard drive mo?" tanong ni Dawn.

"Umm, I think I do. Wait I'll check." Pumunta ako sa kwarto ko to grab my laptop and hard drive. From my hard drive, I saw that I had the movie Everyday I Love You ng LizQuen.
"Dawn, I have Everyday I Love You, wanna watch?" tanong ko kay Dawn.

"Yes ate please! I'll call the others na din." sabi niya.

We were all getting ready in the living room to watch the movie nang biglang dumating si Kim.

"Uy, nonood kayong movie?" tanong niya to no one in particular.

"Ay hindi ate Kim. Manonood kami ng boxing for fun." pambabara ni Majoy.

"Tse. Ewan ko sa'yo." sabi ni Kim. She moved towards where I was sitting and inakbayan ako. "Hi Thea! Ang ganda mo ngayong gabi ah"

"Hay, hindi lang ngayong gabi Kim, kung hindi all day everyday" biro ko.

"Yan gusto ko sa'yo eh! Confidence!" tawa niya.

The movie began and I must say nakakakilig talaga ito. Kim tweeted "Hi love 😊" and for some reason I felt butterflies in my stomach. Ano ba yan Thea. Tigilan mo yan.

Of course, hindi ko palalampasin ang pagkakataong guluhin lalo ang mga fans namin. I tweeted "Evweeyday I char yew 😋".

Haaay. Ano ba tong ginagawa ko. Umaasa na nga akong may feelings para sakin si Kim, pinapaasa ko pa lalo ang sarili ko. I may be a masochist.

"Ang ganda talaga ni Liza no, Thea?" tanong sakin ni Kim.

"Ha? Um oo naman! Si Enrique din ang pogi niya"

Nag-iba yung expression ni Kim when I said that and I felt giggly. Mukhang nagseselos haha. Hindi na dinugtungan pa ni Kim ang sinabi ko. She just got up, greeted everyone a goodnight and went straight to her room.

I stayed for a little bit to talk to the others about anything and everything. I love moments like these. Yung parang walang problema sa mundo. Kami lang nga mga teammates ko enjoying each other's company.

After ng chikahan sesh namin, I went straight to my room. Nagmumunimuni na naman ako. Kumusta na kaya sila Mama and Ate's. I should call them but it's already late. Malamang tulog na ang mga yun. Usually whenever I feel like this, pinupuntahan  ko si Kim to talk it out, but right now, doing that doesn't seem right. I don't want to confuse myself even more. Ugh when will this confusion stop? When will I finally have the courage to say how I truly feel?

------------------------------------------------------

a/n: Hello readers! Wow I can't believe people actually take the time to read this 😂 Nevertheless, THANK YOU! I don't exactly know where this story is going. I'm just going with the flow, like KimCy hehehe. I might just make this a short story. We'll see nalang mehehe.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon