7

626 24 8
                                    




Cydthealee's POV

I took a deep breath as Kianna pulled me inside the dorm. Kung kanina sa labas nag-reminisce lang ako this time, as I walked in, I felt waves of emotions consuming me. But before I was carried away by my emotions, I was brought back to my senses by the laughter of my seniors and former teammates.

"Cyd! Ano na dai? Kumusta na?" bati sa akin ni Ate Aby habang niyayakap ako.

"Eto Ate, maganda parin like you," biro ko sa kanya.

"Aba dapat lang. Ang lahat ng naging Lady Spikers ay gumaganda," sabi niya sabay kindat sa amin.

Tumayo na rin sa kinauupuan nila si Ate Cha and Ate Paneng. They both gave me a hug and asked me how I've been. My response has been very robotic. Always the same 'mabuti, maganda parin', but really what else can I say? I can't, no, I won't tell them about what is really going through my mind. Doing so would only create an awkward and uncomfortable atmosphere during gatherings. Instead of focusing on just Kim, I'd rather focus on the people around me too. Hindi lang siya and tao dito. Hindi siya necessity for me.

Nagptuloy ang kwentuhan namin habang kumakain ng kung ano-ano. We talked about the old times. The times when ate Cha and ate Paneng were still rookies, when ate Aby was still a rookie and of course hindi makakatakas ang rookie days namin nina Kim and Mokmok. Then the topic changed to love life. Of course it'll change to that. Lahat naman ata ng usapan napupunta sa sa usapang pag-ibig. They all talked about their other halves and I just sat quietly. I prefer just shutting my mouth when this topic comes about. Wala kase akong pwedeng i-share.

"Oh, Cyd, ang tahimik mo yata bigla! Nag-usap lang about love wala ka nang input bigla," natatawang sabi ni ate Cha.

"Parang may tinatago ka ah! May naiwanan ka siguro sa Cebu ano?" panunukso ni ate Paneng.

"Hala! Wala ah! Wala akong iniwan, ako yung iniwanan. Char!," sabi ko sabay tawa.

"Asuus. Dinedeny pa eh. Oh sige na nga. Hahayaan ka na namin, baka magtampo ka pa," hirit pa ni Kianna.

"Eh wala naman kase talaga ate! Focused ako sa work and family doon and-," bago ko pa matapos ang sinasabi ko, tumunog ang cellphone ko. Ate Cyd was calling.

"Oh ayan na, ayan na! Nakaramdam ata kase dineny mo," tukso ni Majoy.

"Hala si ate Aby. Si ate Cyd kase to. Sige sagutin ko muna!" paalam ko sa kanila. Binilisan ko ng lumabas bago pa sila may masabi ulit.

"Hello? Ate?"

"Thea! Ano ka ba naman, diba sabi ko tawag ka as soon as you land? Nag-alala tuloy kami sa'yo," sabi ni Ate Cydeshemee.

"Oo nga pala! Sorry talaga ate! Nakalimutan ko lang kase na-busy ako. Nasa dorm na ako now, kumain na din ako. Alam mo naman ako, laging gutom," biro ko sa kanya para maibsan yung pagaalala sa akin.

"O sige, ibababa ko na to. Ingat ka diyan ah? Ikaw nalang tumawag sa facetime mamaya kung may time ka okay?"

"Yup, I may sleep early tonight though. Alam mo na. Pagod din sa biyahe and all this is just overwhelming,"

"Alright. Naiintindihan ko. Sige. Bye na. Love you!"

"Love you too, ate!," sabi ko sabay end ng call.

Papasok na dapat ako ulit ng dorm ng nahagilap ko sa gilid ng aking mata si Kim. Nakaupo siya sa may gilid ng sasakyan habang nakatitig sa akin.

I contemplated on whether I should approach her or just go inside the dorm. But I chose the former. As I was walking towards her, her stare at me remained. I stared back, trying to decipher what was on her mind.

"Hey," I started as I sat down beside her.

"Hey," she replied, her gaze still on me.

"Mag dumi ba sa mukha ko? Nako Kim ah, baka matunaw ako niyan!" biro ko sa kanya, trying to lighten the mood.

"Wala lang. Akala ko never na kita makikita in person eh. Di ka na nagparamdam," sabi niya na may halong inis at tampo sa kanyang boses.

"Sorry ah. I know I should've given you guys a more proper farewell, but I guess I just felt too suffocated," I reasoned.

"But you still could've at least called! Or texted or DMed! Para akong tanga tawag ng tawag sayo Thea," galit na sabi ni Kim.

"I know. I was stupid and I don't even have a valid excuse for my actions. My impulsiveness got the better of me lang talaga. Sorry."

Natahimik kaming dalawa after what I said. I just let silence fall between us because I know how angry she still is. The least I can do is sit here and listen and apologise some more.

I was about to say something when Kim's phone rang. She looked at the screen and immediately answered the call.

"Hello, Tin?" sabi ni Kim.

The moment I heard that name, I knew I needed to get out of there. Sinenyasan ko si Kim na papasok na ako pabalik sa dorm and she nodded. I couldn't help but frown as I turned away from her, but I quickly changed that as I entered the dorm. I wouldn't want anyone to suspect anything. Dahil wala naman talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon