CHAPTER 1

24 0 0
                                    

THE INTRUDER

"Ipinapaayos ko na ang kabilang bahay. Umalis na yung rumerenta sa atin kagabi. Gagawin ko na lang siyang boarding house para tumaas ang kita natin." Sabi ni ma habang kumakain kami ng lunch.

Tahimik talaga kami kumakain simula noong iniwan ako ni Lance. Siya madalas nagsisismula ng topic pero may mga topic na hindi ko na sinasagot.

"Kasya doon ang apat tao, may dalawang nakakuha ng trabaho malapit sa atin ang naghahanap kaya sabi ko dito na lang sa atin."

"Ayos yun." Kami na lang na dalawa ang magkasama sa bahay, lagi namang dumadalaw ang jowa niya rito....yep, may jowa na siya, naintindihan ko naman kung bakit sila naghiwalay ni pa, dahil pinabayaan kami ni pa, naghirap kami dahil naging adik sa sugal. Galit ako kay pa, dahil hindi siya marunong mag-alaga sa mga taong nagmamahal sa kanya. Nabubuhay kami dahil sa mga nagbabayad ng renta, may lima kaming bahay at syempre samin yung pinakamaganda. Nirerentahan naman yung iba, pwede namang ibenta pero wala pang nagkakainteres, mahal daw. Pasensya, malapit kami sa city, almost pa nga. Hinahatid sundo ako ni ma sa skwelahan noon, pero ayoko na ngayon, gusto ko laging mapag-isa. Nangangamba si ma na baka magpakamatay ako, hindi noh?! Sayang tong ganda ko....pero baka, pag-naisipan ko.

"Kung meron kang kakilala o kakilala ng classmate mo na magrerent or board, pwede naman na sa kabilang bahay."

"Sige, ma."

Nagdaan na ang sabado, at ngayon na linggo...parang wala na kong naramdaman kundi katamlayan sa buhay. Lagi na lang akong ganito. Siguro nga, wala natong patutunguhan itong buhay ko.

Nagsimba ako, kahit labag sa kalooban ko humihingi pa rin ako ng sagot mula sa kanya, na bakit hindi niya ipinasok sa kokote ng gagong yun na ipaglaban yung kung anong meron kami at pinabayaan niya lang na mangyari ang lahat. Bakit nga ba? Kung may contact number lang si God, noon ko pa siya tinawagan. Di bale kung roaming, basta sagutin niya.

Gabi na at ang lakas ng ulan, tuylog na si ma at matutulog na rin ko, galing ako sa tambayan, medyo napagod ako, bigla akong nagcrave ng fishball, kikiam at kwek kwek, paboritong meryenda ni Lance. Eh malayo sa tambayan, saktong traffic kasi may concert na magsisimula kaya nastuck yung sinasakyan kong bus. Bus ang paborito naming transportation vehicle kapag ayaw niyang magpahatid sa driver niya.

Nakahiga na ko nang biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Terrence...isa pa tong kinaiinisan ko, ang kulet, sabi kong ayaw ko nang makipag-usap sa kanya, talagang galit ako sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit minsan kaming naghiwalay ni Lance. Leche kasing phone ko, wala yung salitang block kaya hindi ko mablock yung taong yun. Pasalamat siya favorite ko yung phone na to. Couple phone kami ni Lance, sinadya niya na walang block sa services para pag nagtampo ako sa kanya, hindi ko raw siya maboblock, bahala na raw akong magrindi sa tunog. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sayo? Di naman tayo close.

Since hawak ko na ang phone, at nagstop na sa call si Terrence. Tinignan ko ang mga pics namin ni Lance, hindi ko talaga pinaglagpas ang araw na hindi ko siya kuhanan noong kami pa. Meron siya habang kumakain, habang umiinom, nagbabasa ng libro, sumasayaw, nagtutugtog ng gitara, pinipingot sa tenga ng mama niya, tumatawa, nakangiti, galit, malungkot, yung gulat siya, birthday niya, monthsary namin, holloween, Christmas, birthday ko, yung nagtry siya ng skateboard, yung nagbibisikleta, yung kung gaano siya karumi kumain ng spaghetti... lahat meron ako, lahat sa files ko mukha niya at mukha namin ang nakikita ko.

Mahirap pakawalan ang isang taong nagbigay buhay at kulay sa mundo mo, baka kasi pwede pa..kahit alam mong hindi na talaga.

Bumangon ako sa kama, binuksan ko ang bintana para madama yung malamig na hangin, still, umuulan pa rin. Unti-unti ngang pumasok ang tubig-ulan, naalala ko kung paano ko hinarap ang takot ko sa kidlat na kasama siya. Aaminin ko, takot parin ako noon kahit kasama siya. Pero ngayon na wala na siya, di ako takot kahit tamaan ng kidlat, ayos nga yon, para mawala na rin ako sa mundo.

Pero hindi ko alam,  biglang may kumalabog sa malaking cabinet ko, katapat lang ng bintana ko. Pero inisip ko na baka daga lang yun, pero hindi naman nagkakadaga samin. Mas lumakas ang pagkalabog, hanggang sa parang nagvavibrate na siya. Kinabahan nako, hanggang sa natakot, biglang may sumabog sa loob, nadulas ako at nakalusot sa bintana palabas. SHEET! Mahuhulog nako!!! Malakas na ang kabog ng dibdib ko. Napasigaw ako. Kung eto naman ang way para kunin nako ni Lord, then push. Siguro, eto na nga. Goodbye.

.

.

.

.Anyare???

May humahawak ng kamay ko, ang init ng palad niya ah.

"Kumapit ka. " at hinihila niya ko papasok ng bintana, hindi ko makita ang mukha, nagbrown-out kasi bigla pero lalaki dahil sa boses niya. Paanong may lalaki rito? Wala kaming bisita at wala kaming pinatuloy. CREEPY! Bumagsak kami sa sahig na nakayakap sa kanya, ahy may matigas......ang muscles. Lumayo ako, di ko kilala ang stranger.

"Sino ka? Paano ka nakapasok? Sino nagpatuloy sayo? Magnanakaw ka noh? O rapist? Please kuya wag po. Sisisgaw ako!"

"Please Relax! I'm not that kind of guy!" Wow! Inglesero, parang amerikano. "I'm not a stranger, believe me." Che! Sosyal na akyat bahay.

"Saan ka galing? Paano ka nakapasok?"

"I passed through your cabinet."

"Walang pinto palabas ang cabinet kaya wala ring papasok. Sisigaw talaga ako."

"Please don't! I am begging."

"Sino ka nga kasi? At paano ka nakapasok rito?"

"I came from the future by a time travel machine, and my name is Zedric.." at biglang nagkailaw naman, hay salamat. Tumingin ako sa kausap ko baka may gawing masama, pero nang makita ko.....SHEEET!...."Your future husband."...ang hot niya......thinking...buffering...loading....ha??ANO RAW?!!!

 MY DEAR FUTURE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon