CHAPTER 3

16 0 0
                                    

It's HIM again!

"Good morning, Annica."

"LANCE, sabi ko na nga ba babalik ka. Kanina ka pa ba? Kumain ka na ba?"

Niyakap niya lang ako mula sa kama.

"Sana maintindihan mo kung bakit wala ako sa tabi mo. Hindi naman talaga kita iniwan. Parati pa nga kita iniisip."

"Anong sinasabi mo? Andito ka na nga."

At bigla akong nagising, panaginip na naman. Masakit na panimula para sa araw na ito. Bigla ko rin naalala yung kagabi, sana hindi na magpakita yung lalaking yun. Kahit gwapo siya, nakakatakot pa rin. Isa siya sa dapat na layuan ko kapag nagkita ulit kami.

Tapos na ko mag-ayos. Lumabas na ko ng bahay para pumasok sa eskwelahan. Habang naglalakad palabas ng subdivision namin (na di kalayuan) bigla kong naramdaman na parang mayroong sumusunod sakin. Lumingon ako, wala naman akong nakita soooooo binilisan ko na lang ang paglalakad.

Sa school.

"Kamusta ang Bora?"

"Okay lang. Eh ikaw, kamusta ka rito habang wala ako noong nakaraang linggo? Pinagalitan ka raw ni Mamang Thea." (yung titnutukoy kong bagong teacher.)

"Hayaan mo siya, inggitera lang yon. Hoy Joe, pasalubong ko?"

"Nakalimutan kong bumili sa Bora."

"Okay, alis, ngayon na."

"Char lang! ibigay ko maya. Nasa locker pa." Si Joe, as in Joana, yung kausap ko, bestfriend ko, na bestfriend rin ni Terrence. Wala siya last week kasi nasa Boracay, dumating yung nanay niya na OFW. Nagbakasyon sila. Pinasasama nga nila ako kaso ayoko, di na ko mahilig sa mga lakwatsa. "Kinausap ako ni Terrence."

"Anong sinumbong ng hinayupak na yon?"

"Nag-usap daw kayo sa tapat ng Ladies room..don't worry, Ann, nilinaw ko sa kanya na hindi ka naman gabi gabi sa bar. Kasi....18 pa tayo,lol."

"Wala naman akong pakielam kung anong nalalaman niya tungkol sa akin."

"Patawarin mo na kasi, antagal na panahon. Disturbed na nga si Rence dahil sa kakaisip sayo."

"Karma niya yon."

"Okay, pero di niyo ba namimiss yung bonding moment niyo?"
"Yung mistake niya lang ang naalala ko."

"Okay, fine...sinabi mo eh."

Si Joe na lang ang naging bestfriend ko ever since na niloko ako ni Terrence. Tatlo kami noong elementary. Apat na kami noon na magkakasama noong dumating si Lance. Recess, Lunch break, vacant at uwian, kahit sabado o linggo, magkakasam pa rin kami. Walang nagsasawa sa mukha ng bawat isa. Pero iba na ngayon.

Natapos rin ang araw na walang nangyaring makabuluhan. Gusto ko nang umuwi. May mga upcoming exams at assignments, pero hindi ko naman pinapansin ang lahat ng iyon. Gusto ko lang mahiga sa kama.

Sa bahay, wala si ma, pero bukas naman ang pintuan...ah baka nasa kabilang bahay, pinapaayos nga pala niya yung bahay na parerentahan niya.

Pumunta ako para tanungin kung anong ulam kasi wala pang nakahanda sa mesa para sa hapunan.

Andun si ma, nasa labas pa ng bahay, pero nagulat ako sa kausap niya, at nagbago na siya ng suot ah. Naka-poloshirt na blue at nakashorts na brown.

"Oh Annica! Eto nga pala bagong tenant natin. Si Zed, kaso di pa siya makakabayad ng 2 months deposit kasi walang nakuhang trabaho, kaya tinulungan ko siya na maghanap, nirekomenda ko na lang siya sa kaibigan kong may restaurant bilang waiter, natanggap naman siya kaya magsisimula na siya bukas."

"Bakit niyo naman po tinulaungan yung taong di niyo kilala?"

"Naawa kasi ako, patay na kasi mga magulang niya, eh pinalayas siya sa bahay niya kasi yun yung kabayaran sa utang ng pamilya niya, eh malalayo pala yung mga kamag-anak nila. Kaya tinulungan ko siya. Mukhang wala namang gagawing masama, sa mukha ba naman nito."

"Ma, mukhang matino noon ang itsura ni pa pero pinabayaan tayo, yan pa kaya. Gwapo, pero baka may tinatagong masamang budhi sa loob."

Medyo nag-iba yung expression ni ma. Medyo lang.

"Ibang kaso naman yun, anak. Wag ka nang magulo." Sinasabi niya yun habang hindi naghihiwalay yung mga ngipin niya, nakangiti kung baga.haha. kung makita mo si ma, nakakatawa. "Nak, nagpadeliver na lang ako ng pagkain, hintayin mo na lang, di kasi ako nakaasikaso ng hapunan kasi may biglaang lakad kami ni James(BF niya), paalis na nga ako. Naghapunan na kami ni Zed sa labas."

Kaya pala nakabihis pang-alis si ma. Nagbeso si ma sa akin.

"Madali lang ako, babalik ako agad."

"Ingat ka ma." Umalis na nga si ma.

Paalis na rin ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Can we talk?"

"Ayoko...kung mga ilusyon mo lang naman ang pag-uusapan natin." Taray mode

"Swear I will tell you the truth, just give me time to talk with you."

Nag-alangan ako, baka kasi yon na naman din. Pero baka nga saihin niya na ang totoo.

"Annica, please."

 MY DEAR FUTURE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon