BEGINNING of an END
Haaayyyyy!!Ang sarap talagang makita ang dagat, tapos malakas ang hangin, tapos kasama mo ang mahal mo na kayo lang dalawa, nakaakbay siya sakin habang nakaupo kami sa buhangin...Grabeeeeeeeee!!!nakakakilig. Monthsary kasi namin ngayon, regalo niya. Diba nakakakilig talaga??!?!!
"Babe, kung mawala ako sa paningin mo at hindi mo na ako makita kailanman, anong gagawin mo?"
Tanong niya....NOOOOOOO!!!! Hindi dapat iyon mangyari.
"Hahanapin ka, tapos..."
"tapos ano?..."
"tapos sasakalin hanggang sa mamatay."
"Bakit mo naman gagawin yon?" gulat siya...haha
"Bakit? Hindi ka ba gagawa ng paraan para magkita tayo?" Medyo nakakainis kasi yung tanong niya.
"Paano kung hindi ko kaya?" Joke niya to...basta joke niya to!!! Tinignan ko siya.
"Edi parang ayaw mo na rin, ang daming dahilan eh." Matakot ka na. Taray mode.
Huminga siya ng malalim, tumingin sa kawalan, at doon nako kinabahan.
Tinitignan ko mukha niya, sandali lang ay tinignan niya rin ako nang nakangiti.
Niyakap niya na ko.
"Hindi kita iiwanan, ano man ang mangyari...kakayanin kong hindi ka iiwanan." Dama ko yung sinabi niya, napangiti ako doon. Sweet si Lance ever since na niligawan niya ko at naging kami. Away bati kami minsan pero siya yung nauunang mag-sorry. "Prinsesa kita, tandaan mo palagi."
"Prinsipe rin kita, lagi mong tandaan."
"Mahal kita. Ikaw lang, ako, tayo" Hinalikan niya noo ko.
"Mahal na mahal kita. Ikaw lang, ako, tayo." sabi ko rin sa kaniya.
"ANNICA!" nagulat ako sa sumigaw. Nagising tuloy ako. "six months kanang natutulog sa period ko from the first day na pumasok ka. Adviser mo ko at ayokong binabastos ako." Bumalik siya sa may table niya. "What are you doing every night and you keep on sleeping in my class every first period?"
Hmpf! Palibhasa bago ka lang na teacher kaya di mo alam ang pinagdadaanan ko.
"I am not impressed with your attitude, mababa ka sa mga subjects on your first and second quarterly exam. Eh hindi ka naman daw ganyan no--."
"Please proceed, Madam. Hindi na po ako matutulog ." Pinigilan ko siya, alam niya pala na di ako ganito dati, dapat alam niya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon...alam yan ng mga teachers ko noon na andito pa ngayon."
"Well as of now, Annica. Okay class, going back, when we say—"
"Madam, may I go out?" Bigla kong pigil sa kaniya.
Tinarayan niya ko."Yes, you may."
Pumunta na kong banyo. Hindi naman ako umihi. Tumingin lang ako sa salamin. Tinignan ko sarili ko. Wala naman nagbago, maganda pa rin naman ako.
Panaginip lang pala yon, sa panaginip lang pala ako magsecelebrate ng 21st monthsary namin. Kainis!
Napatingin ako sa salamin, may bigla akong naalala.
(Flashback.)
Kumakain ako sa canteen. Kasabay ko dapat kumain si Lance kasi siya yung naglilibre ng pagkain ko. Hahaha. Joke lang KKB kami, di ako nagpapalibre, pero sinasabay niya lang ako sa binibili niya. Diba convenient? Eh kaso wala siya ngayon, kaya ako na lang bumili. Huhu. Pupunta daw siyang library. Aba! Sipag niya, wala namang test or upcoming exam. May kalokohan na naman yon. Iyon naman parati yung ginagawa niya kapag di ko kasama. Grabeng manliligaw, diba?
BINABASA MO ANG
MY DEAR FUTURE HUSBAND
RomancePaano ka makakamove-on para sa future kung naka stuck ka pa rin sa past? My dear Vanessa...para sayo to. ;)