Kill me now 2
Aaminin ko, hindi talaga ako natulog buong gabi. Dapat pala hindi ko na naitanong kay Zed ang mga bagay na hindi ko naman inaasahan na gagambala sa isip ko.
Pano? kailan? Saan? Para yun lang ayaw niya pang sagutin. MADAMOT SIYA AH.
Andito na ko school, hindi ako late. napakaaga ko lang. Gulat sila noong dumating sila. Maliban kasi sa napakaaga ko, magulo pa buhok ko, bigla naman sila umiiwas ng tingin kapag tinitignan ko sila. SADAKO ako ngayon. After 30 minutes, andito na ang kaibigan ko na si Joe..
"Beh! Happy Halloween." Joe.
"Mukha mo!" Ako.
"Ano bang nangyari sayo?" Sasabihin ko ba? Kung sasabihin ko naman, baka magmukha akong baliw sa kanya.
"Lutang ako."
"Ahhh..Wow ah! Lunes kahapon, bar agad ang inatupag mo. Ikaw na talaga ang batas. Maganda ang magiging future mo.haha"
Bigla kong naalala yung sinabi ni Zed kahapon. Tungkol kay baboy ramo. Noooooo!
"Joe, may assignment ngayon diba?"
"Oo, ano naman."
"Pakopya ako, ngayon na."
"WWWOOOOOAAAH!!! Seryoso??! Gagawa ka?"
"Pleasseeee."
"Anong nakain mo? Oh, eto..ingatan mo ah." inabot sakin ni Joe yung tatlong notebook. Ang dami pala ah. "May short quiz rin ngayon, baka gusto mong magreview." Oh NO!!!
Araw-araw, dapat ako yung masusunod. Wala akong pake sa assignments and quizzes. Pero ngayon, di ko alam kung bakit kelangan kong ayusin ang buhay ko. Kung bakit dapat akong matakot sa future ko.
BINABASA MO ANG
MY DEAR FUTURE HUSBAND
RomancePaano ka makakamove-on para sa future kung naka stuck ka pa rin sa past? My dear Vanessa...para sayo to. ;)