CHAPTER 5

14 1 0
                                    

If it's NOT YOU

"HINDI YON!!!!!!" sinigawan ko siya habang kinukwento niya kung paano siya nakarating rito. Hindi naman ako interesado sa kung paano siya um-enter sa kwarto.

"Ano ba yung tinutukoy mo?" Tanong niya sabay kamot ng ulo. Ang cute, parang pinagalitan na bata. ERASE ERASE ERASE. Mas cute si Lance.

"Kung paano tayo nagkakilala? Paano naging tayo? Kailan tayo nagpakasal?"

"WAAIIIT!! Andame. T_T" haha. Pinigilan niya ko. Andami ko kasing tanong. "Isa lang ang masasabi ko diyan."
"Ano?

"Ayokong maging spoiler." Nakangiti siya na parang nang-aasar.

"EDI UMALIS KA! WAG KANG MAGPAKITA!"

"Sorry! Hindi talaga pwede! May magbabago sa future kapag sinabi ko sayo. Baka hindi mo na nga akong pakasalan sa future kasi gusto mong iwasan ako."

"Bakit ka narito?
"Hmmm..Let us say that I'm here to help you."

OHMEGED!! Eto ba yung reason ni Lord kung bakit wala si Lance, gusto niyang palitan si Lance sa puso ko. NOOO! CHINACHALLENGE NIYA LANG AKO>

"Umalis ka pa rin! Hindi ko kailangan ng boyfriend! Hindi ko kalilangan ng future husband! Hindi ko kailangan ng papalit kay La----" Aray! Binato niya ko ng papel, katabi niya lang kasi yung dyaryo.

"Wag kang OA..at lalo nang wag kang assuming....tingin mo saken, atat? Nagmamadaling lumandi sayo? Future nga eh? Yung totoo...kanino ka nagmana?Tss" Hala! Siya ngayon ang galit.

"Bakit ka narito?"

"Para tulungan nga. Ang kulit! Bingi?" Iniinis niya ako ah.

"Hindi ko kailangan ng tulong para makapagmove on kay---" Binato niya ulit ako. "Nakakadalawa ka na ah!!!"

"Bakit kasi pinagpipilitan mo na mayroon pang Lance kung alam mong wala na?"

"At bakit ka nagtatanong, ano ba kita?"

"Your future husband." Malawak pa ang ngiti niya.

"Errr!" para siyang si Terrence kung magtanong. Walang kwenta.

"Makinig ka.....pero kelangan mong umupo." Parang kelangan ko talaga. Umupo nako.

"Not hundred percent, eh magiging asawa mo ko."

"Sabi ko na nga ba. Lokohan nato."
"Sabi ko makinig, hindi sumabat!" Naka poker face na siya. Medyo natakot ako ng konti kasi....DUH!! kami lang dalawa rito at ako lang ang babae rito. Baka kung anong gawin sakin netong taong to kapag napikon. Hindi ko naman ma-imagine kung paano ko nagustuhan tong lalaking to.

"It will have possibilities that it will change your future depends in your decisions or any actions you will take."

"Di ko maintindihan?"

"SABI KO! MAAARING HINDI AKO ANG MAPAKASALAN MO DEPENDE SA SIPAG NA NANANALAYTAY SA DUGO MO!!"

"BAT KA SUMISIGAW EH SA HINDI KO PA RIN GETS!"
"Okay. Kalma. Maaaring ako o hindi ako ang magiging asawa mo depende sa mga magiging desisyon mo sa buhay in the future."
"Ah okay. Mabuting hindi ikaw ang mapakasalan ko."

"Sigurado ka?" Nakangiti pa siya.Pero kinuha niya yung bukas na laptop sa may center table at nagtatype. "Bukas FB account ng mama mo ah, makikisearch lang ako." Pagkatapos ay inabot niya sakin yung laptop ni mama.

Nakita ko sa FB ang mataba at nerd na lalaki(YUNG PIC PO AY NASA TAAS.TNX). Si Eric to ah, kababata ko na kaaway ko, madalas mambully dahil sa malaki siya. Hilig niya talagang kumain. Tinignan ko yung mga post at nakatag sa kaniyang pictures, meron siyang nangungulangot, kumakain ng fried chicken na nakapalibot sa kaniya ang maraming pagkain, at nagkakamot pa ng pwet.

"EEEEEWWWW! Sino to?"

"May pangalan diba?"

"Alam kong Eric ang pangalan ng baboy nato. Kilala ko to. Ang tinutukoy ko eh bakit pinapakita mo sakin to.?"

"Siya lang naman ang magiging asawa mo kung hindi ako ang pipiliin mo."

"YUCK! SERIOUSLY?"

"Yah! Proven."

Hindi ko alam pero parang maniniwala ako sa kaniya.

 MY DEAR FUTURE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon