"Kyle Lauchengco?" Tanong ni Gab.
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan na yun.
Siya nga.
"Oo." Mejo mahina kong sagot.
"Oo. Bakit? May something ba sa kanya?" Tanong niya sakin pabalik.
"Ahhhh wala. Wala naman. Kilala ko lang siya." excuse ko.
Oo. Tama ang iniisip niyo. Si Kyle Lauchengco nga ang ex ko. Hindi ko pa pwede sabihin kay Gab ngayon. Tatlong araw pa lang naming kilala ang isa't isa. Actually, dalawa pa lang.
Tinapos ko na ang kinakain ko at nagpaalam na ako kay Gab.
"Ahhhh Gab. Thank you sa treat ah. I really enjoyed everything that we've talked about. Kailangan ko na umalis eh." Sabi ko sa kanya.
"Ahh I'll walk you home." Sabi naman niya.
"Nako wag na. Malapit lang naman eh. Kaya ko na toh." Pilit ko sa kanya.
"Are you sure? Kung malapit lang naman bakit di pa kita ihatid?" He insisted.
"Nako don't worry. Kaya ko na toh. And besides hinihintay din kasi ako ng bestfriend ko so baka sunduin ko na din siya sa house niya."
"Okay, so.....'til next time." Nauutal niyang sabi.
Naglean-in siya para magbeso pero ewan ko ba naman sa sarili ko bakit napakadamot sa beso kaya umiwas ako ng bahagya. Inoffer ko na lang ang kamay ko at nakipag shake hands sa kanya. Saka na ako umalis.
Nang marinig ko ang panggalan ni Kyle, biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari. Well, di naman lahat. Yung iba lang. Pero bakit? Lung kelan nakapag move on na ako bakit pa? Hindi na naiwasang tumulo ang luha ko. Kung di naman kasi niya ako niloko, di ako masasaktan ng ganito eh. Kung sana sinabi niya na lang sa akin na ayaw na niya mas kakayanin ko pa eh. Pero bakit kailangan pa niyang ilihim sa akin at paasahin ako na ako lang? Hay, di ko na alam.
Nakaabot na ako sa bahay ni bestie at nagdoorbell ako.
*Ding Dong*
After ng ilang seconds ay ang mama ni Angel ang sumagot ng pinto.
"Oh hija! Buti naman dumating ka na. Kanina pa excited magovernogjt tong si Angel sa inyo eh." Bati sa akin ni tita.
"Hahahaha sorry po tita meji na late ako. Niyaya po kasi ako ng isa kong kaibigan na maglunch eh mejo napasarap po yung conversation namin eh." Excuse ko kay tita.
"Kaibigan nga ba o ka-ibigan?"bigla namang singit ni Angel na ready na.
"Nako eto talaga! Gutom lang yan bestie, tara na." Sabi ko sa kanya.
"Aaaahhhh nako bestie, siguro nga. Sige ma, bye." Sabi niya sa mama niya at nauna nang lumabas.
"Sige po tita, una na po kami." Sabi ko at bumeso kay tita.
"Sige ah, magiingat kayo and have fun." Sabi niya at bumeso na pabalik.
Umalis na ako at naglakad na kami ni bestie pauwi ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
OUR STORY
Novela Juvenil"Love is the only flower that blooms without the aid of the season." -Anonymous-