Chapter Two: Welcome

46 2 2
                                    

Nagising ako at nakilala ko si Veronica. Ipinakita nya ang buong pangyayari saakin. Hindi ko siya pinaniwalaan noong una pero nakita ko ang peklat sa aking noo.

(More info sa prologue. Continuation po ito ^_^)

"this scar is the sign of my death" nakaharap ako sa salamin sa kwarto na pinagdalhan sakin ni Veronica. Pinagmamasdan ko ang peklat na tila matagal na itong naghilom.

"gaano katagal na akong nandito? At bakit ako nandito sa kwartong ito?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang malawak na kwarto na halos puti lahat ng gamit n makikita. Samantalang ang ibang tao ay naroroon sa labas at tila binubuo pa nila ang kanikanilang mga kwarto.

"dahil iba ka Prieme. Isa kang espesyal na tao. Isang araw ka palang dito dahil sa haba ng proseso ng paparito mo kaya natagalan" hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Wala akong alam sa kung anong proseso ang pinagsasasabi niya.

"alam Kong naguguluhan ka pa sa ngayon ngunit malalaman mo din ang mga ito sa mga susunod na araw na iyong pamamalagi dito" saad niya na para bang nababasa ang aking iniisip.

"gusto Kong bumalik sa lupa. Gusto Kong makasama ang pinakamamahal ko. " muling lumuha ang aking mga mata. Nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib dahilan ng pagkawala saakin ni Kaye. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Sakit na siyang dahilan ng aking kamatayan. Ang mapait na kamatayang dulot ng pagmamahal .

"ito ang nakatalagang mangyari. At sana maintindihan mo ito" iyon ang tanging sagot ni Veronica saaking tanong.

"ngunit bakit ako pa ang namatay? Alam kong wala akong karapatang sabihin ito ngunit ayokong mawala sa kanya"

Ngumiti siya bago nagsalita, "dahil may misyon ka" hinawi niya ang kanyang buhok at ipinakita saakin ang kanyang leeg.

"misyon? Ano yan ? May tattoo pa pala sa langit? " tinawanan ko lamang siya upang maibsan ang aking nararamdaman.

Nagliwanag ang tattoo na nakaukit sa kanyang leeg at doon ko nasilayan ang detalye nito. Napakaganda. Nakakamangha. Isa itong pakpak ng anghel bagamat maliit lamang ito pero halos detalyado ang pagkakagawa na iisiping parang totoo.

"anong ibig sabihin niyan? Tanong ko sakanya dahil sa pagtataka at pagkamangha.

Hinawakan niya ako sa leeg at dahil nakaharap ako sa salamin at nakita ko ang mga palad niyang lumiwanag at doon nagkaroon din ako ng isang tattoo na kagaya ng sakanya.

"bakit?" naguguluhan ako sa mga nangyayari saakin.

"ngayon isa kana saamin Prieme malugod kitang binabati" yumuko siya sa harapan ko ngunit pinigilan ko siya.

"hindi ko maintindihan Veron!".

"sumama ka sakin, ipapakilala kita sa iba" sinundan ko lamang siya dahil sa kagustuhang malaman ang lahat.

Habang naglalakad kami, maraming kaisipan ang gumugulo sa akin.
'May mga kwarto pala sa langit'
'Parang normal lang na tao ang nandirito'

May nakasalubong kaming isang ginang, bakas sa kanyang mukha ang kawalan ng problema at saya. Agad kong tinignan ang kanyang leeg upang tignan kong may tattoo din siya.

"bakit wala siyang tattoo?"tanong ko Kay Veron dahil wala akong nakita sa leeg ng ginang.

"dahil iba tayo. At dito sa kaharian, tayo ang mamumuno sa kanila. Tayo ang gagabay sa kanila." naguguluhan ako. "nandito na tayo." at tumambad sa akin ang isang mahabang lamesa at mga nakaupong naggagandahang mga dilag at binata.

"masaya kaming masilayan ka Prieme, binabati Kita, ako si Ybeth" sumalubong ang isang babae at iniabot niya ang knyang kamay at agad ko naman itong pinaunlakan.

Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan at doon ko napansin na pareparehong may tattoo ang mga tao dito.

"dahil sa iyong kabutihang loob.
Dahil sa walang bahid na pagkasuklam ang iyong puso.
Prieme, ikaw ay itinatalaga naming maging kasapi ng mamumuno sa kaharian ni Ama." saad ng babaeng nagngangalang Ybeth.

"kung mapapansin mo ang lahat ng nandirito sa silid na ito ay mayroong Marka, ibig kong sabihin ay ang sinasabi mong tattoo ngunit ito ang palatandaan na tayo ang napili. Tayo ang proprotekta sa kahariaan at sa mga tao sa lupa. Saatin nakasalalay ang kahariaan." mahabang paliwanag ni Veronica habang nakikinig ang lahat.
"sa lupa, tinatawag nila tayong Anghel, ngunit sa kaharian ang tawag saatin ay protector ".

At doon malinaw na pumasok same aking isipan ang bawat salita na binanggit ni Veron. Doon ko napagtanto ang kanyang ibigsabihin. Isa akong anghel.

"Anghel" ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napangiti nalamang ako sa kanilang lahat. Tumayo ako at sinabing "salamat, Hindi ko inaasahang sa aking pagkamatay ay siyang bagong pagkabuhay ng bagong ako"

Ako si Prieme itinalaga bilang isang protektor. Ilalaan ko ang bawat minuto ng aking buhay sa kaharian at sa mga tagalupa.
Iyan ang naging panata ko sa aking sarili. Hinding Hindi ko na mararamdaman ang sakit na dulot ng sino man sa mundong ito.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon