Shannon's POV
Ngayong araw kami magkikita ng bestfriend ko. Kaya pagkatapos kong maligo at nagbihis ay agad na akong pumunta sa meeting place namin.
Almost 10 minutes din akong naghintay at sawakas ay nakita ko na ang hinihintay ko.
“Kleo!!!” malapit lang kami sa isa't isa pero kung makasigaw siya parang ilang dagat at bundok ang pagitan namin.
“shut up! Its Shannon, don't call me Kleo I hate it. Tiyaka nakakahiya ang ingay mo” napatingin siya sa paligid at nakitang nakatingin ang halos lahat ng tao sa restaurant.
“sorry!” she said in a loud girly voice to apologize to the other costumers.
“nakakatampo ka naman, ayos ang bati mo sakin noh! Nakakagood vibes grabe” sarkastikong sabi niya sakin habang umuupo.
“sorry wala lang kasi ako sa mood eh! Eto oh pasalubong ko sayo” iniabot ko sakanya yung regalong binili ko pa sa U.S.
“sinusuhulan mo pa ko” reklamo niya.
“ay ayaw mo ba?sige akin na lang imported pa naman yan” sabay abot ko sa regalong nakapatong sa table.
“binigay mo na yan! Akin na yan ah!” hinablot niya sakin yung regalo at nilagay sa tabing upuan. “siya nga pala kumusta ang biyahe mo kahapon”
“ayos naman kaso nakatulog ako agad kaya Hindi ko na nasabi sayo na nakarating na ako” naalala ko nanaman ang wirdong panaginip ko kagabi. “kaso nanaginip ako eh pero Hindi ko maintindihan”
“kaya ba bad mood ka sis” umorder niya ng dalawang coffee at dalawang cheesecake.
“yeah” walang gana kong sabi. Tumingin ako sa direksyon ng TV upang makinig ng balita para naman magkamalay ako sa mga nangyayari sa ating bansa.
Kumakain lang ang kasama ko habang nakatingin parin ako sa TV.
“nahuli na ang sinasabing driver ng truck na nakasagasa sa isang lalaki na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay. Natukoy na din ang katauhan ng lalaking iyon at nalaman na siya si PRIEME ARNOLD TAN, 20 anyos at naninirahan sa probinsya ng Ilocos Norte. Labis ang hinagpis ng kanyang nakababatang kapatid at hinihiling nito ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang kapatid.”
Parang nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinasabi ng reporter sa TV.
“Ricci”
“oh problema mo jan?” patuloy parin siya sa pagkain samantalang nakatulala parin ako at lutang ang pagiisip.
“siya yun. Siya yung napanaginipan ko” tinuro ko yung TV para makita nga ang balita ngunit natapos na ito.
Nagtataka siya. “nababaliw kana bhes” inilabas ko ang wallet ko kung saan ko inilagay ang kapirasong papel na pinagsulatan ko ng pangalan niya.
“Prieme Arnold Tan? Sino siya bagong boylet mo?” wala talaga siyang kaalam alam. Hindi niya narinig ang balita kainis to palibhasa kasi matakaw kaya Hindi niya namamalayan ang nangyayari sa paligid.
“siya yung sinasabi kong napanaginipan ko. Nabasa ko ang pangalan niya sa isang lapida at may narinig akong bumulong and malakas ang kutob ko siya yun” ipinaliwanag ko ang detalye ng panaginip ko at ang nadinig kong balita.
“so what are you thinking now” tanong niya sakin.
“i need to find an answer, samahan mo ko may pupuntahan tayo” tumayo ako at sumunod naman siya papunta sa pinto palabas.
...
“ano ba naman bhes what are we doing here?sa Computer shop? Wala ba kayong internet sa bahay niyo” naiiritang sabi ni Ricci habang nililibot ang tingin sa computershop.
Umupo kami sa may gilid upang Hindi maabala ang mga lalake na naglalaro ng computer games. Binuksan na namin ang computer at nagsimulang magbrowse. Nag search ako about sa latest news in the country. Ilang minuto pang pagscroll ang lumipas. Nang mabasa ko ang isang article.
‘isang binatilyo patay dahil sa pagkasapgod ng malaking truck’
I clicked on the site and start to read.
“eto na yung hinahanap ko Ricci, basahin mo to.” nilabas ko ang isang journal ko at pen. Nagsimula akong magsulat sa mga kailangan kong impormasyon.
“Probinsya ng Ilocos Norte?” ang layo. Panu siya napunta sa panaginip ko? “bhes pupunta tayo sa Ilocos.”
“what? Are you serious?” napasigaw siya dahilan sa pag catch niya sa atensyon ng mga tao sa shop.“are you serious? ” inulit nya ito ngunit sa mas mahinahong boses.
“humihingi siya ng tulong sa panaginip ko. I need to do something !”
“you're crazy patay na yan tyaka mo tutungan, ang one thing more you came home for a vacation Hindi para lumutas ng misteryo. Alam mo ba or how sure are you na siya nga iyon?” bakas sa kanyang mukha ang pagkainis pero buo na ang desisyon ko.
“whether you like it or not I'm going if you don't want to help me its okay but if you do I will be so glad” niligpit ko na ang pwesto namin at nagbayad na. Lumabas kaming dalawa ngunit hindi parin kami nagkikibuan ni Bhes Ricci.
“fine I'm going. ” finally pumayag na siya. Nilapitan ko siya at niyakap.
“thank you bhes I know you can't resist me. I just really wanna know what the hell is this all about”
Here we come Ilocos.
BINABASA MO ANG
Fight for Love
FantasyDEATH. A single yet powerful word. DEATH. Ito ang patutunguhan ng lahat ng may buhay sa mundong Ito. Kinakatakutan ng nakararami. Iniiwasang mangyari ng halos lahat. Ngunit ang kinakatakutang KAMATAYAN ay sya namang dahilan ng pagtatagpo ng dalawang...