Chapter Three: Go Back Home

10 2 0
                                    

Prieme's POV

Sa paggising ko ngayong araw na ito , ay sya ding paggising ng bagong ako. Ang pagkasilang at pagkamulat ng bago kong pagkatao. Isa na ako ngayong protector at hindi na isang ordinaryong tao lamang.

Ngayong araw sisimulan ko na ang aking misyon. Madami pa akong dapat malaman sa pagpapatakbo dito sa kaharian.

Nandito parin ako ngayon sa aking silid, nakasuot ng puting polo at puting pantalon. Sa lupa bihira lamang akong nakakasuot ng ganitong damit dahil sapat na saakin ang simpleng t-shirt.

“hindi ko ni minsan na isip na mahahantong ako sa ganito. ” nakaharap uli ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking marka sa leeg, siyang marka ng aking pagkabuhay bilang isang anghel.

Lumabas na ako sa aking silid at agad na hinanap si Ybeth. Dahil Hindi ko daw makakasama ngayon si Veron. Si Ybeth ay tatlong taon ng namamalagi sa kaharian, namatay siya dahil sa kumplikasyon sa puso.

“gaya din ako sayo noong bago pa lamang ako dito. Hindi ko gustong makita ang pamilya kong nagluluksa saaking katawan sa lupa, ngunit unti-unti ko itong natanggap” sa pagkabanggit niya sa salitang pamilya agad sumagi sa isip ko ang aking kapatid.

“gusto Kong makita ang kapatid ko! Alam kong nahihirapan siya sa mga panahong ito dahil sa pagkawala ko" napatingin saakin si Ybeth at tumango.

“dadalhin kita sa ibaba upang sagayo'y masilayan mo ang iyong kapatid” sumigla ang pakiramdam ko dahil sa kanyang sinabi ngunit nandun parin ang kaba na gumugulo saakin. Alam kong kapag nakita ko ang aking kapatid ay Hindi ko na gugustuhing iwanan siya. Ngunit gusto Kong malaman ang sitwasyon niya.

“paano tayo makakapunta sa lupa?” at dahil sa sinabi ko hinawakan ako ni Ybeth. Ang pakiramdam ko'y parang lumulutang na parang lumilipad.

“dahil Hindi mo pa kontrolado ang iyong kapangyarihan, saakin ka muna kukuha ng enerhiya” napatango nalamang ako at naramdaman ko nanaman ang kakaibang nangyayari, napapikit nalamang ako.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay siyang pagsalubong ng sariwang hangin na siyang aking hinahanap hanap, muli kong nalanghap ang hangin at muli kong natatanaw ang papatubong mga palay dito sa bukid. Bukid Kong saan kami nakatira.

“nandito na tayo” sambit ni Ybeth at nauna ng naglakad.

Muli kong inikot ang aking paningin sa mga naggagandahang puno at halaman. Ang mga punong inaakyat ko noon.

“halika na bilisan mo at may pupuntahan pa tayo mamaya” sumigaw si Ybeth dahil sa pagtigil ko sa paglalakad.

Sa bawat pagtapak ko sa putikang lupa ay siyang pagbalik ng aking mga ala-ala noong nabubuhay pa ako.

Natatanaw ko na ang aming mumunting tahanan at siyang muling pagtulo ng aking mga luha. Isang barong barong sa gitna ng bukid. Yan ang aming bahay kasama ko ang aking kapatid. Hindi kami mayaman gaya ng ibang tao sa bayan, nabubuhay kaming masaya ng kapatid ko sa mapayapang bukid.

Naramdaman ni Ybeth ang aking munting pagtangis kaya agad ko itong pinunasan. “pumasok kana nandun siya sa loob”.

Yumuko ako upang makapasok sa aming bahay gaya ng dati kong ginagawa. Napahinto ako ng masilayan ko ang aking kapatid na nakaupo sa harap ng bintana at lutang ang pagiisip. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot na nadarama.

“Rica.”

Bakas sa namumula niyang mga mata ang labis na pagiyak at ang natuyong luha sa kanyang mga pisngi. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ng masmalapitan.

“kuya. Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba magkasangga tayo? Kuya Hindi pa ako nakakagraduate ng highschool tapos wala kana ? Ilang months nalang graduation ko na sino na makakasama ko umakyat sa stage? Kuya bakit mo ko iniwan? Ang daya Kuya magisa nalang ako sa bahay, kuya wala na akong kakampi kaya bumalik kana Kuya. Hindi ko lubos maisip na kakayanin kong mabuhay kapag wala ka ” sa bawat salitang sinambit ng aking kapatid ay siyang pagtulo muli ng aking luha.

“Rica”. Wala akong masabi. Nalulungkot ako Hindi dahil sa namatay ako kundi dahil sa katotohanang wala ng makakasama ang aking kapatid . sa katotohanan ng lahat ng kanyang binanggit. Namatay na ang aming mga magulang taon na ang nakalipas at dahil don kami lang dalawa ang magkasama sa bahay , nagtutulongan sa pagtatanim sa bukid at sa iba pang bagay. Pero sa ngayon ano na?

“hindi ko gustong iwanan ka Rica. Mahal na mahal kita sana maging matatag ka. Hinding Hindi kita pababayaan Rica” sinubukan ko siyang yakapin pero gaya ng inaasahan lumusot lang ako sakanya.

“mahal na mahal kita Kuya, alam kong naririnig mo ako ngayon dahil alam kong nasa langit kana”. Ngumiti ang aking kapatid.

“sana wag kanang umiyak ng dahil saakin. Dapat sa bawat pagkakataon na makita kita ay dapat bakas sa iyong labi ang iyong mga ngiti.”

Nakita ko si Ybeth na nakasandal sa pinto. Indikasyon na kailangan na naming umalis. Naglakad ako papunta sakanya.

“pwede parin akong bumalik dito diba?” tanong ko sakanya. Habang pinagmamasdan ang aking kapatid.

“anytime”. Naglakad na kami palabas ng bahay.

“babalikan kita Rica” muli akong hinawakan ni Ybeth at naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam kaya napapikit nalamang ako.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon