PROLOGUE

35 5 5
                                    


Hindi ko maramdaman ang aking katawan. Pilit kong minumulat ang aking mga mata ngunit parang may anumang bagay ang pumipigil at malakas na pwersa na sumasara nito na dahilan upang hindi ko Ito mabuksan.
Madami akong naririnig na boses, mga Hindi maipaliwanag na mga tunog at musika.

"Nasaan ba ako? Bakit Hindi ko magawang gumalaw? Anong nangyayari sakin?" halos paos ang lumabas na boses sa aking bibig na namamanhid.

"imulat mo ang mga mata mo at bumangon ka na dyan, Prieme." Boses ng babae ang sumagot, ang halimuyak ng kanyang tinig ay bumalot sa aking katawan at tila naging susi upang tuluyang nawala ang bumabalot na pagkamanhid nito. Agad Kong binuksan ang aking mga mata at laking gulat ng masilayan ang mukha ng babaeng tumawag sa akin, ang kanyang mga mata na nagsasalamin ng kagandahang loob at purong kabutihan ng kanyang pagkatao ang makikita rito. Ang kanyang maputing balat na nagsasaad ng malinis nyang personalidad at ang ngiti sa mga labi nyang mapupula. Agad akong napabalikwas at bumangon ng tuluyang natauhan ang utak ko.

"sino ka? At bakit mo ako kilala? Nasaan ako?" sunod sunod Kong tanong sa babaeng nakatayo sa harap ko.

"Prieme, ako si Veronica. Sumama ka sakin upang malaman mo ang mga nangyayari at Kung saan ka naroroon." tumalikod sya at naglakad na sya namang aking sinundan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar na aking kinaroroonan. Para itong isang napakalawak na palasyo na kulay puti at ginto lamang ang nakikita. Walang bahid ng dumi na syang lalong nagpapamangha saakin. Madami din kaming. Nadaanang tao na nakangiti na tila'y kilalang kilala nila ako.

"nandito na tayo." saad ni Veronica. Nakita ko sa harapan namin ang malaki at lumulutang na screen. "panoorin mo ito at syang sasagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip mo"

Nagsimulang magplay ang nasa harapan namin at laking gulat ko ng makita Ko ang sarili ko doon.

Tumatakbo ako. Tumatakbo ako papunta sa isang madilim na lugar. Nakadamit ako ng maayos na tila may dinalohang mahalagang okasyon. "bakit ako Tumatakbo?" tanong ko Kay Veronica habng nakatingin parin sa screen.
Patuloy parin ang pagtakbo ko ngunit kitangkita ang pagkapagod. May luhang bumabagsak sa mga mata ko at dumadaosdus pababa sa aking pisnge. Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa nararamdamang magsakit na ng aking mga binti, ngunit sa pagtigil Kong iyon ay sya namang pagdating ng malaking truck sa harapan ko, Hindi ko alam ang gagawin. Tila naging bato ako at Hindi makagalaw. Hindi din ako makasigaw. Kitang kita ko ang paglapit ng truck hanggang sa nasaharapan ko n mismo ito. Nakita Kong lumipad ang katawan ko, pinapanuod ko lamng ang sarili ko at nakitang bumagsak Ito. Tumigil ang pinapanood namin at tila nawalan ng hangin ang aking dibdib.

"anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kasama ko. "Ibig bang sabihin--?" dko na natapos ang sasabihin ko dahil ayokong maniwala sa mga nangyayari saakin.

"oo Prieme. At nakauwi kana sa kahariaan ngayon."

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon