Chapter 22
Natapos na ang reception ni ate Edna at kuya Charles, isa-isa nang nagsiuwian ang mga bisita hanggang sa ako, si Jasmine, Joshua, Edwin, Kuya kong masungit at bwiset na si Sander, ang pamilya naming apat, at ang bagong kasal.
Hindi nagtagal, ay nagdesisyon sila na umuwi na din at magpahinga, habang kaming apat ang nagpaiwan sa hotel kung saan ginanap ang wedding reception.
"Antagal na din natin naging magkaibigan no? akalain mo, 8years na tayong magkaibigan" sabi ni Josh
"Oo nga, akalain mo yun, natiis nating apat ang ugali ng isa't isa? HAHAHA. Ang kakulitan ni Jas, ang magaspang at masungit na ugali ni Steph ang--" hindi ko na pinatapos si Edwin namumuro eh
"Oo nga!!!" biglang sabat ko "Ang mabahong hininga ni Edwin, ang nakakasawa niyang pagmumukha, ang nakakabwiset nyang boses, at nakakabadtrip niyang aura!!!" >_<
"ASus Steph, kunwari kapa, alam ko namang hinahanap mo si Edwin lagi eh!!!!" pagbubuking ni Jas
"SHUT UP! hindi kaya! kabadtrip 'to!"
"Yiiiieeeeeeeeee, alam ko namang mahal moko sa simula palang, hindi ka naman kasi ieksena kanina sa simbahan kung hindi diba? HAHAHAHA!!!" pang-aasar ni Edwin
"shut up!!! Hindi mo ikinagwapo ang nangyari kanina!!!!" >_< asar na asar na sabi ni Steph
"Ako, naalala ko pa noon kung paano tayo nagkakilala" pa senti na sabi ni Josh
"Oo nga, naalala ko pa kung gaano kalampa si Edwin nung mga bata pa tayo!!! HAHAHAHAHAHA!!!" pang-aasar ni Steph kay Edwin
"SHUT UP! Pinagbigyan ko lang sila no, baka kasi kapag pinatulan ko, basag mga pagmumukha nila.." pagtatanggol ni Edwin sa sarili
"Oo nga, tanda ko din noon nung una akong lumipat sa village, wala akong kaibigan, wala akong mga kalaro, at wala din akong makausap, halos di na nga ako lumalabas ng bahay dahil sobrang out of place na ako, pero isang araw nung andun ako sa park ng village, tapos na dapa ako, may batang babae na lumapit sa akin, sabi niya pa: 'Tayo jan, wag ka umiyak, hina mo naman, para nadapa lang akala mo naman end of the world na' hindi ko alam kung anong irereact ko, hahahahahaha.. kakaiba ka Steph" kwento naman ni Jas
"Huy Steph, ansama mo naman kay Jas noon!!!!" pang-aasar ulit ni Edwin
"Grabe siya oh! Ambait ko na kaya sa lagay na yun!"
"HAHAHAHA!! naalala ko din nung una kami magkita ni Steph, ayoko talaga sakanya sobra! badtrip eh, lagi nalang niya ako inaasar na babae daw ako kasi amputi ko daw, kasalanan ko bang ganun ako? kasalanan ko bang maging mestiso?! kaya ayokong pumupunta sa bahay nila, ka badtrip lang kasi since birth magkakilala na kami errrr!!!!" Kwento ni Josh
Nag reminisce silang apat sa mga pangyayari nung mga bata pa sila hanggang sa ngayon na nakatambay sila sa pool side ng hotel. Pagkatapos ng kwentuhan, nagdesisyon silang apat na matulog na. Nagdecide si Edwin at Steph na kumuha ng isang room para sa kanila para naman makapagsolo sila, madami pa din kasi silang dapat pag-usapan na dalawa matapos ang lahat ng pangyayari sa mga buhay nila, habang si Joshua naman ay inihatid si Jas sa kwartong kinuha niya, pagkatapos ay pumunta na din sa kwarto niya na katabi lamang ng kwarto ni Jas.
"Masaya kaba today love?" tanong ni Edwin sa akin...
"ayy, hindi2... hindi talaga ako masaya" =_= grabe siya oh, natanong talaga niya yun? Hindi ba obvious sa reaksyon ko kanina?
"Ayy sorry naman, grabe akala ko naman magbabago kana ngayong fiancee na kita, ka badtrip naman!"
"HALA! may sinabi ba akong magbabago ako? FYI Mr. Edwin Santos, kahit na fiancee na kita hindi pa din magbabago ang treatment ko sa'yo no, ewwwww, akala mo naman ikinagwapo mo ang pagsagot ko, bawiin ko kaya?!"
"HALA grabe naman siya oh, masungit pa din! tssss" =_=
"TALAGA!!!! Baka lumaki ulo mo at h---"
Hindi na niya ako pinatapos sa dapat kong sabihin, bigla ko nalang naramdaman ang kanyang mga labi na dumampi sa mga labi ko, unti-unti akong nalunod sa mga halik ni Edwin. Labis akong nanabik sa kanya, ilang taon din ang lumipas bago kami nagsolo na dalawa, ilang pasakit ang napagdaanan namin bago namin narating ang ganitong estado, madaming malulungkot na pangyayari, pero mas madami ang masasaya. Pero walang katumbas ang saya na nararamdaman ko ngayong araw na'to, ang lalaking dati ay bestfriend ko lang, ngayon ay fiancee ko na.
Handa na akong ibigay ang buong sarili ko at buong puso ko sakanya, handa na ako sa mga susunod na mga mangyayari, sa mga obstacles na pagdadaanan namin at mga problema na kakaharapin namin, dahil alam ko sa oras na ito, alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya at mahal niya din ako.
Ngayong gabi, ibibigay ko sakanya ang pagmamahal na hindi ko pa naiibigay sa kahit sinumang lalaki dito sa mundo.
I am now with the man of my dreams, the man whom I will be with for the rest of my life.
I am now with Edwin Santos.
My best friend.
*Lights Off*
BINABASA MO ANG
Lucky I'm in love with my Bestfriend (ON GOING)
Roman pour AdolescentsI love you bes. COVER PHOTO BY: @trickxster FOLLOW ☆ COMMENT